KABANATA 5

2556 Words
ABALA ang lahat dahil sa rami ng bisita sa mansyon ng mga Del Valle. Maging ako ay hindi na alam kung anong dapat umpisahan. Sa kusina ako pinatulong which is maganda na rin naman kaysa mag-serve sa mga bisita. Mamaya ay makita ko pa si Gareth. “Hinahanap na ni Mayor Del Valle iyong lechon! Nasaan na ba raw?” tanong ng isang kasambahay nila. Kaagad kumilos ang ilang kasamahan ko rito at hinanap ang nawawalang lechon. Napabuntong-hininga na lamang ako at pinagtuunan ng pansin ang mga bagay na nakalaan para sa akin. Del Valle. Iyan ang apelyido ng pamilya nina Mayor; ang apelyido ng aking ama na ipinagkait sa akin. Hindi ko dinadala ang eplyido niya dahil ayaw ng asawa niya at mukhang ayaw niya rin. Siguro ay dahil sa magiging dalang eskandalo nito kapag ipinagamit sa akin ang apelyido niya. Hindi ko na rin naman ipinilit. Kung ibibigay sa akin ay ipagpapasalamat ko. Kung hindi…okay lang din. Pinagpapawisan ako nang matapos ang trabaho. Nang ma-serve na ang lahat ng pagkain ay roon lamang kumalma ang kusina. Napaupo ako sa gilid at nagpunas ng pawis ko. “Serena…” Napatayo ako nang makita ko si Hudson. Siya ang pangalawang anak at adoptive child nina Mayor at ng kanyang asawa. Ganoon pa man, itinuturing siyang tunay na anak. Mas tunay pa kaysa sa akin. Naiingiit ako minsan pero…ayoko na lang din masyadong magreklamo sa buhay na mayroon ako. “Nasaan daw ang mga alak? Nagpapakuha si Papa,” tanong nito sa akin at lumapit. Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko at itinuro sa kanya kung saan ko nakitang iniayos ang mga alak na ihahanda rin ngayon para sa mga bisita. Maayos naman ang pakikitungo ni Hudson sa akin kahit papaano. Ang panganay ay civil lang din; kakausapin ako kung kailangan at hindi papansin kung wala naman. Si Cassandra na bunso ay siyang lagi akong inaaway at ang tingin sa akin ay salot. Tumango si Hudson at tiningnan ang lugar na itinuro ko. Ibinalik din naman niya sa akin ang titig niya. Napalagok ako sa aking laway nang mapansin ang mga titig niya sa akin. Hindi ko alam kung mapapangiwi ba ako o mag-iiwas na lamang ng tingin. “Pawisan ka na,” sambit niya. Kumuha siya ng tissue mula sa counter at nabigla ako nang punasan niya ang noo ko at pababa sa aking leeg. Kaagad akong umatras at inagaw na lamang sa kanya ang tisyu. “O-okay lang ako, Hudson. Ako na ang magpupunas ng pawis ko.” Sinikap kong ngumiti sa kanya. Nagkibit-balikat lang naman siya bago magtungo na sa lugar kung saan naroroon ang mga alak. Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung may ibig ssabihin ba ang ikinikilos na iyon ni Hudson pero…kinakabahan talaga ako. Baka sadyang mapag-alaga lang siya? Ganoon din kaya siya sa kapatid niyang si Cassandra? Nagpaalam si Hudson sa akin. Tipid na ngiti lamang ang isinagot ko sa kanya. Nakatulala lamang ako hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Bumubuntong-hininga ako habang umuupo sa silyang kinauupuan ko kanina. I shouldn’t overthink about that. Baka wala lang iyon. Natural lang naman iyon, hindi ba? Lalo na at pareho kaming anak ni Mayor. Magkapatid pa rin kaming maituturing. “Are you that desperate to get in our family?” Narinig ko ang isang pamilyar na boses ng babae. Mula sa madilim na bahagi ng bahay ay nag-materialized si Cassandra. Nakahalukipkip siya habang tinataasan ako ng isang kilay. She’s a splitting image of her mother. “Anong ibig sabihin mo r’yan, Cassie?” tanong ko sa kanya dahil hindi ko nakuha kung anong pinupunto niya. Ngumisi siya siya, na para bang katawa-tawa ang sinabi ko. “Huwag ka na ngang magmaang-maangan! You’re flirting with Kuya Hudson! Para ano, makuha mo ang apelyidong Del Valle?! That’s disgusting, Serena!” sigaw ni Cassandra sa akin na maging ako man ay ikinabigla ‘yon. “Hindi! Bakit mo naman iisiping nilalandi ko si Hudson? Kapatid natin siya.” My eyes widened. Masyadong nakakagulat ang naging paratang sa akin ni Cassandra. She scoffed, not taking my statement seriously. “Iyon na nga, eh! Kapatid natin si Kuya Hudson. Hindi man kadugo pero kapatid pa rin, Serena. Kaya tigil-tigilan mo ang panlalandi sa kanya!” Naglakad siya papalapit sa akin at malakas na itinulak ang aking braso. “Kahit anong gawin mo, hinding-hindi mo makukuha ang apelyidong mayroon kami. Anak ka sa labas, kaya mananatili kang anak sa labas! You and your mother deserved nothing but mistreatment and judgement!” Tinalikuran niya na ako matapos niyang magsalita no’n. Medyo humampas pa sa akin ang tuwid at mahaba niyang buhok kaya’t naipikit ko ang aking mga mata. Nang umalis si Cassandra ay muli akong nagpakawala nang malalim na paghinga. Hindi ko papatulan si Cassandra kahit na minsan ay pumuputok na ang tainga ko sa mga naririnig na salita. Not because you’re remaining quiet, you’re weak. The biggest revenge sometimes is silence. Isa pa, I know better. Wala namang mga laman ang mga sinasabi niya. Ni minsan hindi ako nanlimos ng pagmamahal sa pamilya niya. Hindi ko ipinagpilitan na maging Del Valle ang apelyido ko nang malaman kong ayaw nila. Hindi rin kami umasa ng aking ina sa pera ni Mayor. Wala kaming kahit pisong hiningi sa pamilya nila. Alam ko rin na kung aawayin ko si Cassandra; sa huli, ako pa ang lalabas na masama. Natapos ang party. Anong oras na rin nang matapos ang party nila. Ni minsan ay hindi ako lumabas doon at humarap sa mga bisita. Mas pinili kong manatili sa kusina. Kung may gagawin doon ay inaako ko na para lamang may dahilan ako at hindi lumabas ng bahay. I hate it when people look at me with indifference and disgust. Na alam ko, kahit hindi sila magsalita, they all are judging my mother and even me. Hindi man ako nagsasalita kapag nakakarinig ng mga panghuhusga ay hindi rin ibig sabihin nito na balewala ang sinasabi ng ibang tao. I believe in karma. “Serena,” pagtawag sa akin ni Tita Donna, asawa ni Mayor. “May mga tirang pagkain diyan. Kumuha ka na lang kung gusto mong may maiuwi ka sa bahay ninyo.” Nakataas ang kanyang isang kilay. Ramdam ko na para bang napipilitan lamang siyang kausapin ako. “Sige po. Thank you, Tita—” Hindi na niya ako pinatapos at agad na hinawi ang buhok bago umalis. Itinikom ko na lamang ang aking bibig dahil sanay na rin ako sa ganoon. Ang huling gagawin ko na lamang ay ang pagtatapon ng basura. Pagkatapos nito ay maaari na akong umuwi. Excited din ako dahil may pagkain akong madadala para kay Mama. Nagluto na naman ako kanina para sa hapunan niya pero baka lang madatnan ko siyang gising at magutom. At least may kakainin kaming dalawa. Papasok na akong muli sa bahay nang may marinig akong umuungol. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa may malaking puno. Walang tao banda rito dahil wala ka namang makikita rito kung hindi mga puno, kaya nakakapagtaka na may naririnig akong ingay. Hindi ko na sana iyon papansinin nang muli kong marinig ang pag-ungol. Natigil muli ako sa paghakbang at tumingin muli sa malaking puno hindi kalayuan sa akin kung saan tingin ko ay nanggagaling ang pag-ungol na iyon. Nilakasan ko ang loob ko. Hindi naman ako matatakutin at hindi rin ako naniniwala sa mga multo kaya’t naisipan kong silipin kung anong mayroon doon. Halos mapasigaw ako nang malakas at mapaupo pa sa lupa dala nang pagkagulat nang makita ko sina Cassandra at ang isang lalaki na naghahalikan sa likod ng puno. Magulo na ang damit ni Cassie at ang lalaki ay wala nang saplot pang-itaas. Ang isang kamay rin ng lalaki ay nakapasok na sa loob ng damit ng aking kapatid. “C-Cassie, anong ginagawa niyo?” Iyon ang lumabas sa aking bibig kahit obvious naman kung anong ginagawa nila. “Oh, my god, Serena!” Napasigaw rin sa gulat si Cassandra nang makita ako. Kaagad niyang inayos ang sarili at ganoon din ang ipinagawa niya sa lalaking kahalikan niya. Inayos niya ang kanyang magulong buhok at ang lipstick niyang kumalat sa kanyang labi dahil sa paghalik ng lalaki sa kanya. Galit siyang tumingin sa akin nang maayos niya na ang sarili. Humakbang siya papalapit at marahas na hinablot ang braso ko. Mas matangkad siya sa akin kaya’t kinailangan ko pang magtaas ng ulo para mapantayan lamang ang mga mata niyang matalim na nakatingin sa akin. “Whatever you see, you won’t tell a single soul, Serena.” Matalim ang bawat titig ni Cassandra sa akin. Ganunman, hindi ako natakot sa kanya. But still, hindi rin ako sumbungera at pakealamera. “Are you allowed to do that, Cassie? Hinahayaan ka na bang makipag-s*x ng mga magulang mo—” “Shut up!” sigaw ni Cassandra na para bang nairita siya sa sinabi ko. Bumagsak ang balikat ko at hinayaan na lamang siyang mainis sa akin kahit na concern lang din naman ako sa kanya. “Baka namn gusto lang sumali, Cassie. Let her join.” Ngumisi ang lalaking kasama ni Cassandra matapos sabihin iyon. Tamad ko siyang tiningnan at nginiwian. “No, thanks. Hindi ako interesado.” Lalo na sa ‘yo. Gusto ko sanang sabihin pa iyon pero mas pinili kong huwag na lamang. Marahas akong hinawakan muli ni Cassandra kaya’t napatingin ako sa braso ko. Halos bumaon ang matilos niyang kuko sa balat ko. “Huwag na huwag mong tangkain na suwayin ang sinabi ko sa ‘yo, Serena; kung hindi makakatakim ka talaga sa ‘kin!” Marahas niya akong binitawan kaya’t napaupo ako nang tuluyan sa lupa. Napatuon ang aking kamay at naramdaman ko ang hapdi mula roon. Pakiramdam ko ay nagasgasan iyon dahil sa nangyari. Malakas na tumawa iyong lalaking bago lumapit kay Cassandra. Inakbayan niya si Cassie at nakangising tumingin sa akin. “Kung gusto mong maranasan, sabihan mo lang ako. Ipapatikim ko rin sa ‘yo—” “Shut up, Wyatt! That’s disgusting! I won’t share what’s mine to a trash like that woman!” Naglakad si Cassandra papalapit sa may basurahan. Kinuha niya ang isang supot ng trash bag at itinapon sa akin ang laman. “Ganyan ang nararapat sa kanya! Basura naman siya! Tara na nga! Kainis.” Hinawi niya ang buhok niya at nagmartsa papaalis. Ang lalaki ay narinig ko pang tumatawa dahil siguro sa ginawa sa akin ni Cassandra. Tinanggal ko ang iilang dumi na nasa buhok ko. Hindi ako kaagad na tumayo mula sa pagkakaupo. Pinulot ko muna ang mga basurang nagkalat at ibinalik iyon sa trash bag. May sapat na liwanag ang kapaligiran kaya’t hindi ako nahihirapang makakita. Suminghap lang ako. Bakit nga ba hinahayaan kong apihin ako ng pamilya ni Mayor? Kung tutuusin may karapatan nga ako bilang anak niya rin. Bagama’t ganoon ang iniisip ko, kasunod din nito ang kaisipan na kami iyong may nagawang mali sa pamilya nila. Si Mama ang kabit at ako ang maling bunga ng kamaliang nagawa nila. Kaya sa huli, wala akong magawa kung hindi ang hayaan na lamang sila sa ginagawa nila sa akin. Hindi ko man maatim, tinitiis ko pa rin. Ang hirap kapag ikaw iyong walang kapangyarihan. Ang hirap kapag alam nila na kayang-kaya ka nilang tapakan dahil sila ang nasa tuktok at ikaw ang nasa ibaba. Mabuti na lang hindi ako pinalaking iyakin ng nanay ko. Naalala ko noong unang beses na inaway at pinatulan ko si Cassandra. Nilait niya kasi noon ang aking ina at hindi ako nakapagtimpi. Hinablot ko ang kanyang buhok at kung maaari lamang tapyasin iyon ay ginawa ko na. Sa huli, ako ang nakatanggap ng masasakit na salita mula kay Mayor at sa kanyang asawa. Naalala kong sinampal pa ako ni Mayor nang ipaglaban kong si Cassandra naman ang may kasalanan ng lahat. Sa huli, ako pa rin ang mali kahit na hindi. Kaya simula noon, parati ko na lamang itinitikop ang bibig ko. Napagsabihan din ako ni Mama na huwag na lamang pumatol kay Cassie at kung maaari ay lumayo. Napahawak ako sa pisngi ko. Pakiramdam ko ay nararamdaman ko pa ang masakit na sampal ni Mayor sa akin noon. Iyon ata ang huling beses na umiyak ako sa buhay na ito. Ang sakit lang na iyong kaisa-isang taong dapat pinagtatagol ka ay tinalikuran ka rin. Natigil ako sa pagpupulot ng basura nang mapansin ang pagharang sa akin ng isang anino. Hindi kaagad ako nakagalaw nang may kunin siya sa uluhan ko at itapon iyon sa basurahan. Nang makita ko ang pagpasok ng basura na itinapon niya sa trash bag ay roon pa lamang ako tumingala para makita siya. Nakita ko ang isang matangkad na lalaki. May sigarilyo sa kanyang bibig pero agad niya iyong itinapon. He tilted his head to his right side. His brooding eyes are intently looking at me. Napalagok ako nang makilala kung sino ito. “G-Gareth…” Nang mga panahong iyon, parang gusto kong magpakain sa lupa. Sa dami nang maaaring makakita sa sitwasyong kinaroroonan ko ay bakit siya pa? Inihahanda ko na ang sarili ko na pagtawanan niya; na sabihing sinungaling ako dahil sa lahat ng sinabi ko sa kanya noon. Naghahanda na rin ako sa mga masasakit na salitang maaari niyang isumbat sa akin. Ngunit lahat ng iyon, hindi nangyari. Kinuha ni Gareth sa akin ang hawak kong trash bag at siya na mismo ang pumulot ng natitirang mga basura sa sahig. I was so surprised that I can’t even move. Ni hindi ko namalayan na naitapon niya na sa tamang lagayan ang trash bag. Bumalik siya sa harapan ko. “What are you doing? Stand up.” Yumuko siya upang abutin ang aking braso at marahan akong hinila para makatayo ako. Nangangapa ako sa mga salita. Hindi ko alam ang gagawin ko. Dapat ba akong magsalita? Do I owe him an explanation? Dahil malakas ang aking pakiramdam na narinig niya ang mga sinabi ni Cassandra at maaaring may ideya na siyang hindi ako parte ng pamilya ng mga Del Valle. “I-iyong mga sinabi ni Cassandra kanina…” Hindi ko sigurado kung kilala niya na ba si Cassandra pero siguro. Naipakilala naman ang mga anak kanina sa party, eh. Doon pa lamang, sa tingin ko ay may ideya na si Gareth. “What? I didn’t hear anything.” Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Gulat na gulat dahil imposibleng kakarating niya lamang sa lugar na ito at nakita akong nakaupo sa sahig. Tinititigan ko lamang si Gareth. Nakatingin siya sa ibang direksyon at hindi sa akin pero sobra-sobra ang kabog ng dibdib ko. “Wala akong narinig, wala rin akong nakita. Anong sinasabi mo r’yan?” Tumingin siya sa aking muli. Ang kanyang iritableng ekspresyon ay muli kong nakita. “Ayusin mo ang sarili mo. Mamaya makita ka nina Mayor, sabihin pa inapi kita.” Ilang sandali pa akong tulala sa kanya bago napayuko at lihim na napangiti. Liar. Alam kong narinig niya at nasaksihan ang mga sinabi at ginawa ng kapatid ko sa akin. Hindi ko lang maintindihan bakit parang pinagtatakpan niya pa ako ngayon. Somehow, I can feel comfort with that expression. Kasi hindi kagaya ng iba na parating mapanghusgang ekspresyon ang ibinabato sa akin o hindi kaya’y awa, naiiba ang kay Gareth. Sa unang pagkakataon ay natuwa ako sa mainiting ulo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD