“NOW, tell me, Serena. Anong gusto mong gawin ko sa kaibigan mo?” Nangingilabot pa rin ako sa kung paano magsalita si Gareth. Pakiramdam ko pa’y hindi ko siya kilala. Panay ang paglagok ko. Ipinipikit ko ang aking mata dahil ayokong makita ang kondisyon ni Luis ngayon. Kinakabahan ako. “Ali, huwag mong pilitin si Serena. Syempre, bago lang sa kanya ang ganito. Takutin mo pa, iwan ka niyan.” Humalakhak si Luciel sa gilid namin. Kahit papaano ay nawala ang mabigat na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Bumuntong-hininga si Gareth. Naramdaman ko ang pagtama nito sa aking leeg. “I’m sorry,” bulong niya sa akin. “I was just so mad.” “Woah, woah! Narinig ko ba nang tama iyon? Did you f*****g apologize to her? f**k! Hindi pa kita naririnig humingi ng tawad. Parating akala mo ay masusunog