“THE princess is coming with us, huh? Ready to meet the family, but this time with the parents?” Iyon ang salubong sa akin ni Luciel nang sumampa ako sa chopper. Katabi ko si Gareth at silang dalawa ni Yago naman sa tapat namin. Kinakabahan na nga ako sa ideyang makikilala ko ang mga magulang ni Gareth ay dumagdag pa ang sinabi ni Luciel. “Shut up!” sigaw ni Gareth sa kanya. Mahigpit na hinawakan ni Gareth ang aking kamay at pinagsalikop ang kamay naming dalawa. Pakiramdam ko ay nararamdaman niya ang panlalamig nito. Humahalakhak si Luciel hanggang sa mapatingin siya sa kamay naming dalawa. Suddenly, his expression changed, and he became quiet. I wonder about that. “Remembering something, huh?” Ngumisi si Yago kay Luciel kaya’t umismid na lamang ang pinsan. Nag-land kami sa helepad ng