KABANATA 7

2754 Words
HINDI na muna ako bumalik sa mansyon ng mga Benavidez. Ilang araw na rin. Okay lang naman daw dahil hindi naman masyadong maraming ginagawa roon kahit na naririyan si Gareth. Nag-focus na lamang muna ako sa ibang trabahong pinasukan ko ngayong bakasyon. Kakatapos ko lamang magpa-enroll. Ilang linggo na lamang ay pasukan na naman. “Hoy!” May humampas sa akin mula sa likod. Tiningnan ko siya at nakita ko ang kaibigan kong si Clarity. Naupo siya sa tapat ko na may ngisi sa kanyang labi. Tipid akong ngumiti sa kanya pero hindi rin iyon nagtagal sa labi ko. “Hindi ka na naman pala pumasok sa trabaho. Akala ko magkikita pa tayo sa mansyon ng mga Benavidez.” Umiling ako. Hindi naman ako required na laging naandoon. Ang sweldo ko ay nakabase naman sa araw na ipinasok ko roon. Kung hindi ako papasok, ibig sabihin ay wala rin akong makukuhang pera. “Bakit? Hindi naman ako kailangan doon ngayon.” Iyon na lamang ang nasabi ko. “Wala naman.” Lumawak na naman ang ngisi niya kaya’t ngumiwi ako sa kanya. Anong ibig sabihin ng mga ngiti niyang iyon. “Hinahanap ka ni Sir Gareth.” Natigilan ako sa pagtingin-tingin sa paligid at pumirmi ang aking mga mata sa nakangising asong si Clarity. Kumunot ang noo ko dahil pakiramdam ko ay inaasar niya ako. Inirapan ko si Clarity. “Bakit niya naman ako hahanapin?” Hindi ako naniniwala. Mas malaki pa ang chance na mag-solar eclipse ngayon kaysa ang hanapin ako ng lalaking iyon, o siguro hinahanap niya ako kasi wala siyang maperwisyo ang buhay roon sa kanila. “Uy! Gusto ring malaman.” Inasar-asar pa ako ni Clarity. Panay lamang naman ang ginawa kong pag-irap sa kanya. “Hinahanap ako, sabi mo; malamang aalamin ko ang dahilan. Pero alam ko rin naman na hindi iyan totoo.” “Hindi, ah! Hinahanap ka niya talaga kay Mama. Sabi nga lang ni Mama na hindi ka pa ulit pumapasok. Bakit? May development ba kayo? Baka pwede mo na siyang tawaging Ali kasi close na kayo.” Humalakhak si Clarity kaya’t sinipat ko siya. Hindi ako nagsalita. Baka nakonsensya siya sa mga sinabi niya sa akin noong nakaraan? Psh, as if naman. Ang lalaking iyon na mas matayog pa sa araw ang tindig ay makokonsensya sa mga binitawan niyang salita? Hindi ako naniniwala. Panay pa ang pangungulit ni Clarity sa akin pero sinabi ko na wala akong ideya kung bakit. Natigil lang siya nang may maglapag ng mamahaling bag niya sa table namin. Pareho kaming nag-angat ng tingin sa may-ari nito at nakita ko si Cassandra. Kasama niya iyong mga barkada niya at isang lalaking naiiba sa lalaking kahalikan niya kagabi. Tumaas lamang ang kilay ko sa kanya. Hindi ko makita ang rason bakit niya ako nilapitan ngayon. “Hindi ko alam na pwede pala sa school ang mga basura.” Ngumisi si Cassandra. Nagtawanan ang mga kaibigan niya. “Oo, nakapasok ka nga, ‘di ba?” Sinipat ko si Clarity dahil sa sinabi niya. Pinandilatan niya lamang naman ako ng mata. “Anong sabi mo?” iritadong tanong ni Cassie sa kaibigan ko. Nag-irap na lamang si Clarity at hindi na kinausap pa si Cassandra. “May kailangan ka ba?” tanong ko. Ayaw niyang lumalapit sa akin dito sa school. She doesn’t want to be associated with me. Ikinahihiya niya ako, eh. Lalapit lang iyan kapag may kailangan o hindi kaya’y iinsultuhin ako. Sanay na ako sa kanya. “Nothing. Nakakabigla lang that you can still afford to study kahit na naghihingalo na ata ang nanay mo.” Ngumisi si Cassandra. Nagtawanan ulit ang grupo niya. Napakuyom ang aking kamay pero hindi ko pa rin pinatulan ang kapatid. Kumalma ka, Serena. Mas lalong walang magandang mangyayari kung aawayin mo pa iyan. Hindi rin naman siya titigil kahit anong sabihin mo sa kanya. Unlike you, she’s spoiled. Natamasa niya ang buhay na ibinibigay sa kanya ang lahat ng ninanais. Nakukuha niya ang lahat ng gusto niya. Kaya kung sasagutin mo pa iyan, baka ikaw lang ang mapasama. “I have scholarship, Cassie. Scholar ako ni Mayor—” “Yeah right. Pera namin ang nagpapaaral sa ‘yo, loser. Kaya aasahan ko na gagawin mo ulit ang lahat ng pabor ko sa susunod na school year, right?” Lumapit siya sa may tainga ko. “Or else, you know what I can do to you. Bukod sa kaya kong tanggalin ang scholarship mo, baka palayasin din kita sa bayan na ito.” Hinawi niya ang kanyang buhok habang may ngisi sa kanyang labi. Hindi ako nagsalita. Nagpanggap na lamang ako na hindi ako naapektuhan sa sinabi ko. Nakita ko ang pagkairita niya nang hindi ko pinansin ang mga pagbabanta niya. “Tss! Let’s go na nga. Nakakasira talaga ng araw ang mga anak sa labas.” At nagmartsa na siya kasama ang mga alipores niya. “Ang kapal ng mukha! Akala mo pera talaga nila ang ipinag-aaral sa ‘yo, pera kaya iyon ng bayan! Nakakainis talaga iyang kapatid mo sa ama. Manang-mana sa nanay niya!” singhal ni Clarity bago tumingin sa akin. “Hindi ko pa rin alam, Serena; bakit hinahayaan mong abusihin ng pamilya ni Mayor ang kabaitan niyong mag-ina? Kung tutuusin, isang buka lang ng bibig mo at pinatulan mo iyang si Cassandra ay iiyak ‘yan. Minsan kasi pagsabihan mo rin. Mamimihasa iyan!” Ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko kanina ay inilabas ko na lamang sa pamamagitan ng pagbuntong-hininga. “Alam mo naman na ayaw ni Mama na inaaway ko ang pamilya ni Mayor, hindi ba? Naalala mo iyong isang beses na pinatulan ko si Cassandra? Kahit siya naman ang mali ay ako ang naging masama. Hinahayaan ko na lang. Napipikon pa rin naman siya kahit hindi ko siya pinapatulan. Sanay na ako,” sagot ko kay Clarity. “Isa pa, kami iyong nakagawa ng mali sa kanila. Hayaan mo na—” “Mali? Hindi ka nakagawa ng pagkakamali sa kanila, Serena! Wala kang ginawang masama. Hindi mo kasalanan na nangaliwa si Mayor sa asawa niya—” “Shh! Clarity, kapag may nakarinig sa ‘yo!” saway ko sa kanya. Marami pa namang sipsip sa pamilya ng mga Del Valle sa paligid. Ayokong pati si Clarity na nag-iisang kaibigan ko ay makatikim sa mga iyon. “Okay lang ako. Huwag mo na akong masyadong isipin. Lumaki na naman akong ginaganito nila ako. Sanay na sanay na ako. Hindi na rin ako nasasaktan.” Ngumiti ako para mas makumbinsi ko siya. Isang pag-iling lamang naman ang natanggap ko kay Clarity, na para bang dismayado siya sa sinabi ko. Maging ako rin naman, dismayado ako na hinahayaan ko silang apihin kami. Pero…ano nga bang magagawa ko. Ayoko nang maulit ang mga nangyari noong nagtangka ako iangat ang sarili ko. Nang mabagot ako sa kakatambay sa school ay umalis na ako. Tapos na rin naman akong mag-enroll. Si Clarity naman ay nakapila pa sa cashier kaya’t nagpaalam na ako sa kanya na mauuna nang umuwi. Hinayaan niya naman ako. Nagdesisyon na lamang akong maglakad dahil hindi rin naman kalayuan ang bahay. Sayang kung gagastos pa ako sa pamasahe. I was humming a song while walking. Napatigil lamang ako sa ginagawa at paglalakad nang mapansin ko ang pamilyar na kotse na naka-park sa may court malapit sa bahay namin. It’s Gareth Benavidez’s car. Bumukas ang pinto ng driver’s seat. Lumabas nga si Gareth mula roon. He’s wearing black shirt and jeans. May suot din siyang mamahaling shades at tinanggal niya lamang iyon nang lumingon sa may direksyon ko. Kinilabutan ako habang pinagmamasdan ko siya. Anong ginagawa ng lalaking ito rito? Baka naman hindi ako ang kailangan niya? Iyon na lamang ang inisip ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Balak ko’y lalagpasan ko na lamang ang kanyang sasakyan. Huwag kang titingin sa kanya, Serena. Huwag kang titingin kahit anong mangyari— “Serena!” Kinilabutan ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Awtomatiko akong napatigil sa paglalakad kahit ang sabi ko ay hindi ko siya papansinin. Narinig ko ang yabag ng kanyang paa na papalapit sa akin. Kailan niya ba ako natawag ng pangalan ko? Bakit nagbubuhol-buhol ang mga bagay-bagay sa isipan ko? “B-bakit?” Dahan-dahan ko siyang nilingon. Hindi ko alam bakit ang bilis ng t***k ng puso ko ganoong hindi naman ako tumakbo kanina. “About the other night,” panimula niya. Naisip ko iyong nangyari noong nakaraaan. Ilang araw na rin ang lumipas mula noon. Magso-sorry ba siya kaya niya ako hinahanap? Naandito ba siya para humingi ng paumanhin? Napalagok ako sa aking laway habang iniisip iyon. “I just want to say that…” Hindi niya pa rin naituloy ang binabalak niyang sabihin sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata habang nakayuko. Inaasahan ko na ang mga susunod niyang salita na humihingi ng paumanhin dahil sa nangyari. “Is this yours? I think you left this inside my car.” Napamulat ako dahil sa sinabi niya. All my hopes were shattered while looking at a hair clip na nasa kanyang palad ngayon at ipinapakita sa akin. Tulala lamang ako roon. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nangyari ngayon. Damn! Akala ko pa naman ay marunong siyang makonsensya. Hindi ata talaga nausuhan si Gareth nito. Suminghap ako. Kinolekta ko ang aking sarili at galit na tumingin kay Gareth. Tumaas ang kanyang kilay sa akin nang mapansin siguro ang ekspresyon ng mukha ko. “You’re not here to apologize?” tanong ko, umaasa pa ring isa iyon sa rason niya kaya siya naririto. Nasaktan din naman talaga ako sa mga sinabi niya noon. Heck, sinabihan niya akong sinungaling! Totoo man na nagsinungaling ako, ang sakit ng pagkakasabi niya nito sa akin. Kumunot ang noo ni Gareth. Para pa siyang nag-iisip sa sinabi ko. “No. Why would I apologize? I didn’t do anything.” Nagkibit-balikat ito. Bakas nga sa kanyang mukha na hindi niya alam na may nagawa siyang kasalanan sa kapwa niya. Nagtangis ang panga ko sa sinabi niya. This man! “Iyan lang ang ipinunta mo rito? Dahil sa hair clip na iyan?” tanong ko. “Oo, ano pa bang ibang rason para puntahan ka rito?” Tinaasan niya ako ng isang kilay. Na para bang ang tanga ng tanong ko sa kanya dahil wala namang dapat ibang rason. Uminit ang mukha ko dahil sa pagkainis sa lalaking nasa harapan ko. Ewan ko ba, ang init lang siguro talaga ng dugo ko sa kanya! “Hindi iyan akin!” Hindi ko mapigilan ang magtaas ng boses habang sinasabi ang mga salitang iyon. “Kung hindi sa ‘yo, kanino ito?” tanong niya na naman sa akin. Na para bang hawak ko ang sagot doon. “Ewan ko! Siguro mula sa isa sa mga babae mo! Bakit ako ang tatanungin mo? Hindi naman aking ang sasakyan kung saan mo nakita ang clip na iyan!” Why am I making this a big deal? Hindi ko rin alam. Basta at naiinis ako sa kanya. “How would I know? Ikaw pa lang naman ang babaeng pinasakay ko sa kotse na iyan.” Halata na rin ang galit sa mukha ni Gareth. Sa tingin ko ay nainis na rin siya sa kakasigaw ko sa kanya. “Malay ko rin ba kung may iba pang sumakay diyan maliban sa akin. Basta hindi akin iyan!” Tinalikuran ko na siya. Kung saan nagmumula ang pagkainis ko kay Gareth is beyond me. “Bakit ba ang init ng ulo mo? I was just asking!” Para akong sinampal ng mga salita niya. Bakit nga ba? Siguro kasi inaasahan ko na magso-sorry siya at ngayong hindi pala iyon ang pakay niya ay nadismaya ako? I shouldn’t make this a big deal! “Kung wala ka nang kailangan ay uuwi na ako.” Nagsimula na akong maglakad. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo sa kinaroroonan ni Gareth ay may dumaang pamilyar pang kotse sa may gilid ko. Bumukas ang bintana nito at laking gulat ko nang may magbuhos sa akin ng tubig. Sa sobrang bilis ng pangyayari at pagkabigla na rin, hindi ako kaagad nakagalaw. Halakhakan nila ang aking narinig bago muling humarurot ang kotseng sinasakyan nila. “Loser!” Dinig ko pang sabi ni Cassandra bago sila tuluyang umalis. Gulat pa rin ako sa nangyari. Hindi ko kasi inaasahan na may ganitong eksena ngayon. Akala ko ang pambu-bully nila sa akin ay sa pasukan pa magsisimula pero…mukhang may opening ceremony sa sila ngayon. Huminga ako nang malalim. Pinunasan ko ang basang-basang mukha ko gamit ang kamay ko. Panay ang pagtulo ng tubig din mula sa ilang hibla ng buhok ko. Hindi ako pwedeng umuwi ng ganito at makita ako ni Mama. Naghanap ako ng panyo pero kapag minamalas ka nga naman, wala kang dalang panyo ngayon! Halos magmura ako dahil ang dami-daming pwedeng masaksihang eksena ng isang lalaki diyan ay ito pa. Mamaya ay gamitin niya pa ito para pagtawanan ako. Napahilot na lamang ako sa batok nang wala talaga panyo. Magpapatuyo na lang siguro ako ng ilang sandali rito. “Here and wipe your face.” Napatitig ako sa isang malinis na panyo sa harapan ko. Ilang minuto ko pa iyong tinititigan lamang bago tingnan ang lalaking nag-abot nito sa akin. Kita ko ang blangkong ekspresyon ng mga mata ni Gareth na nakatingin sa akin habang hinihintay akong kuhanin ang panyo. “Hindi ko kailangan iyan—” “Tsk!” Lumapit siya sa akin at siya na mismo ang nagpunas sa basa kong mukha. Marahan ang bawat paghaplos ng malinis na panyo sa akin. “Ang hirap mo talagang pakisamahan. Alam mo iyon?” Hinayaan ko lang siyang punasan ako. Habang ginagawa niya iyon ay may naramdaman din akong pag-init ng tiyan ko. “Ikaw na ang magpunas ng leeg mo at iyong bandang dibdib mo.” Kinuha niya ang kamay ko at ibinigay sa akin ang panyo. Tumingin ulit ako kay Gareth. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Pinunasan ko ang natitirang basang bahagi ng aking katawan. Habang ginagawa ko iyon ay nag-iisip pa ako kung magpapasalamat ba ako sa kanya. “Who are they and why did they spill water on you?” Nag-angat akong muli ng tingin kay Gareth. He’s looking intently at me. Na para bang obligasyon kong sagutin ang tanong niya. “Si Cassandra, anak ni Mayor, tapos mga kaibigan niya,” sagot ko. “Bakit ka nga nila binuhusan ng tubig?” Hindi niya ata ako tatantanan sa tanong na iyon hangga’t hindi ko sinasagot. “Hindi ko alam. Okay lang iyon. Sanay na ako—” “That’s not okay. It’s bullying. Hindi ka dapat pumapayag.” Napatingin ako sa kanya dahil sa biglaan niyang pagsasabi nito. Kunot ang kanyang noo na parang mas galit pa siya sa ginawa sa akin. “Bullying will never be okay.” Nakaawang ang aking labi habang pinagmamasdan ang mukha ni Gareth. Hindi ko alam bakit…ang bilis na naman ng t***k ng puso ko lalo na nang marinig ko ang galit sa boses niya dahil sa nangyari sa akin. “Never let anyone step on you, Serena. No one deserves to be treated like this.” Tinalikuran niya ako at nagpunta siya sa kanyang kotse. Nang una ay akala ko aalis na siya at iiwan ako rito. Isang multo ng ngiti ang pumorma sa aking labi. “Wear this.” May ipinatong siya sa ulo ko. Nanlaki ang aking mga mata dahil naandito pa rin pala siya at hindi pa umaalis. Kinuha ko ang bagay na ipinatong niya sa ulo ko. It’s his t-shirt! “Okay lang. Malapit na ang bahay namin—” “You don’t want your mother to see you looking like that, don’t you? You can change inside the car. Don’t worry, it’s tinted.” Gusto ko pa sanang umangal sa alok niya pero itinikom ko na lamang ang bibig ko. The side of my lips rose. Pumorma ang isang ngiti sa aking labi. Who would expect this turn of event? Kanina lamang ay nagtatalo kaming dalawa dahil sa hindi ko malamang dahilan, but he was also the one who helped me now. Hindi ito ang unang pagkakataon. Pangalawang beses nang si Gareth ang naroroon nang mga oras na hindi ko magawang makatayo sa sariling mga paa. Why is it always him? When my head was bowing down, Gareth was the one who told me to lift it up and helped me to do so. He’s not a bad person, after all. Napangiti ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD