KABANATA 8

1862 Words
“TELL me again the reason why you’re letting your half-sister to bully you?” Nakaupo na kami sa bleacher sa loob ng court habang hinihintay na matuyo ang buhok ko. Amoy na amoy ko ang kanyang bango sa damit na suot ko ngayon. Amoy pa lamang, expensive na. “Sanay na nga ako.” Kanina niya pa ako kinukulit tungkol doon. Hindi ko nga alam bakit pa siya naandito. Pero nagpapasalamat na rin ako dahil noong akala ko ay aalis na siya, nanatili siya. “Sanay? Samantalang ako noon ay tinitingnan lamang ang kwintas mo, nakatanggap na ng sampal.” Tumingin ako sa kanyang direksyon. Naalala ko iyon. Akala ko kasi talaga ay tinitingnan niya ang dibdib ko kaya’t nasampal ko siya. Magso-sorry sana ako noon kaya lamang ay ginaspangan niya ako ng ugali. “Sorry. Akala ko kasi talaga minamanyakan mo ako,” nahihiyang saad ko sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin nang makita ko ang paninitig niya sa akin. May kung ano talaga kay Gareth na kinakabahan ako kapag nakikita kong nakatitig siya sa akin. He scoffed. Sinilip ko siya at nakatingin na siya sa mga naglalarong kalalakihan sa court. “Hindi ko gawain mangmanyak, Miss. And besides…” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Your body is too young for me.” Napairap ako sa komento niya. Oo na nga! Bata na ako sa paningin niya. Malayo ang agwat ng edad naming dalawa. At nakakasigurado ako na iyong mga babae niya sa Manila o kung saan man siya nagmula ay iyong kay se-sexy. Mga hourglass type ba, ganoon! “Ilang taon na ba ang half-sister mo?” Sinipat ko siya. Now what? Huwag mong sabihin na type niya iyon at kung sakto sa panlasa niya ay papatulan niya? Alam ko na kung makita man siya ni Cassie, magkakagusto kaagad ito kay Gareth. Si Gareth kasi talaga iyong tipong kapag nakita mo sa daan, mababali ang leeg mo kakasunod ng titig sa kanya. Oo, ganoon siya kagwapo! “20. Isang taon lang ang tanda niya sa akin. Malapit na iyong mag-21. Same month pa nga ang birthday namin.” Madalas naiinggit ako kasi ipinagdiriwang nila ang birthday ni Cassie at ang akin ay hindi. Ni hindi nga ako sigurado kung alam ba ng tatay ko kailan ako ipinanganak. Tumaas ang noo niya at tumango-tango. I see him smirking. Uh-huh! Mukhang balak niya pang pormahan ang aking kapatid. “Huwag mong idagdag si Cassie sa listahan ng mga babae mo.” Umismid ako. I mocked him as I turn my head away from him. He laughs, maliciously. “Paano mo naman nasabing marami akong naging babae?” Hindi man ako tumingin ay alam ko na nagtataas siya ng kilay sa akin. Syempre, mabilis namang malaman, hindi ba? Sa mukha niyang iyan? Malamang marami na siyang pinaiyak at iniwang babae. “Wala. Sa tingin ko lang.” Nagkibit-balikat ako. Sinimplehan ko na lamang ang sagot dahil baka isipin niya ay iniisip ko ngang magandang lalaki siya. I won’t admit that! Mayabang na siya ngayon, mas yayabang lang siya kapag pinuri ko siya. “I’m not a playboy.” Umiiling-iling siya habang sinasabi iyon. Tiningnan ko siya na para bang hindi ako naniniwala sa sinabi niya. “Bigyan kita ng piso, humanap ka nang maniniwala sa ‘yo. I won’t buy that.” Pabiro ko siyang inismidan. Humalukipkip ako at sumandal sa itaas na bleacher. “Bilang mo lang sa daliri ang naging girlfriends ko. Hindi ako babaero. Nagkakaroon lang ako ng girlfriend when it’s convenient for me.” Nakuha niya ang aking atensyon. Anong ibig sabihin niya roon? “Huh? What do you mean?” inosente kong tanong sa kanya. Ngumisi si Gareth sa akin. Ngisi niya pa lamang ay ayoko nang pagkatiwalaan. “Naggi-girlfriend lang ako kapag sa tingin ko may pakinabang sila.” Tumingin lang ako kay Gareth na para bang wala akong naintindihan sa sinabi niya. “Naggi-girlfriend lang ako para tumigil ang ibang babae na guluhin ang buhay ko. I rather deal with one nosy woman than a lot of them.” Namilog ang aking bibig dahil sa narinig. Naiintindihan ko na ngayon ang ibig sabihin ng unang statement niya. Oh, so hindi nga siya babaero! “Kung ganoon, mas masahol ka pa sa babaero!” I concluded. Pumalakpak pa ako na para bang may natumbok akong punto. “Kasi gumagamit ka ng babae para layuan ka ng ibang babae. You used woman and make them your girlfriend like a decoration! Grabe!” Akala ko may ikadidismaya pa ako sa lalaking ito pero talaga pa lang ang lala ng personalidad niya. Nginiwian niya lang ako na para bang nasusuka siya sa sinabi ko. “What do you expect? I’ll enter a relationship just because…I have feelings for a certain woman? Come on!” Humalakhak siya na para bang nagsabi ako ng isang joke. “Love doesn't exist, it’s just a work of our brain. Hormones.” “Oo naman! Totoo kaya ang love. Masyado ka lang bitter!” Siguro pangit ang upbringing ng lalaking ito kaya siya ganito mag-isip. Ngunit bakit ako? Hindi rin naman kagandahan ang environment ko habang lumalaki ako pero…naniniwala ako na may pagmamahal. Umiling si Gareth. “You’re just a kid. Hindi mo maiintindihan.” Napatayo ako sa sinabi niya. “Hindi na nga ako bata! Nasa legal age na kaya ako.” Lagi niyang ipinagpipilitang bata ako. Porke’t ba, mas matanda lang siya sa akin? Ano ito? Mag-aaway na naman kami? Lagi na lang kaming nag-aaway. Parating may topic na sisira sa maayos naming pag-uusap. Teka nga, paano ba kasi napunta sa ganito ang usapan? Parang si Cassie lang ang topic namin kanina tapos ngayon mahahantong pa ata kami sa debate kung totoo ba ang love o hindi. Tinitigan lang ako ni Gareth. Ilang sandali pa ay ngumisi siya. “See? Palaban ka naman pero bakit kapag kapatid mo na ang kaharap mo, hindi ka lumalaban?” Ramdam na ramdam ko ang sarkasmo sa kanyang sinabi. Na alam ko naman na hindi niya intensyong hiyain ako pero na-offend ako sa pahayag niya. Natahimik ako at bumalik na lamang sa pagkakaupo ko. Tumingin siya sa akin, siguro ay naghihintay ng sagot ko. “Hindi ba maganda ang pakikitungo sa ‘yo ng pamilya ng tatay mo?” All of a sudden, naging seryoso ang kanyang boses. Sinilip ko si Gareth, hindi na siya nakatingin sa akin, kung hindi ay nakatitig na lang din sa mga naglalaro. Umiling ako. “Hindi. Sino ba namang makikisama sa babae ng kanilang ama at sa anak nito sa labas, hindi ba?” Ngumisi ako sa aking sarili. Naalala ko pa noong gustong-gusto kong maramdaman ang pagmamahal ng aking ama, panay ang pagpi-please ko sa pamilya niya kahit na alam ko na kinasusuklaman naman ako. Gusto ko lang talagang maranasan, kahit isang araw lang ba? Pero hindi talaga kayang ibigay sa akin. “Hindi kayo kayang piliin ni Mayor, ganoon ba?” Tumingin sa akin si Gareth. Kumalabog ang aking puso nang magtama ang paningin naming dalawa. Umiling ako. “Hindi ipagpapalit ni Mayor ang asawa niya para kay Mama. Mayaman ang pamilya ng asawa niya, eh. Kung tutuusin, hindi naman mananalo si Mayor at mauupo ng ilang termino sa pwesto niyang iyan kung hindi dahil sa impluwensya ng asawa niya. Kaya bakit niya ipagpapalit ito, hindi ba?” I smiled, bitterly. Ang mga kagaya kong anak sa labas, walang lugar at karapatan na magkaroon ng pamilya. If my mother happens to marry someone and have a family, alam ko na hindi rin ako magiging belong doon. Ako iyong anak na in between. Parati lamang nasa gitna at kailanman hindi mabubuo ang pamilya. I accepted that fate long time ago. Pero minsan, it’s haunts me, still. Masakit pa rin kapag iniisip mo. Maswerte ka talaga kapag buo ang pamilya mo. Hindi na nagsalita si Gareth. Natahimik na lang din ako. Somehow, nakakagaan ng pakiramdam may pagsabihan ng ganito once in a while. Hindi ko lang inaasahan na si Gareth iyong makakausap ko ng ganito. Gusto kong itanong, why is he being nice to me? One moment, parang gusto niya akong mawala sa harapan niya, mamaya naman siya iyong naandiyan para tulungan ako. Naguguluhan ako sa mga aksyon niya o dahil hindi ko pa siya lubos na kilala kaya nalilito ako? Siguro nga. “I heard a similar story. Not particularly identical, just the part that both of you grew up without a father. Na tanging ina niyo lamang ang kasama niyo habang lumalaki. Na gustuhin niyo mang makasama ang mga tatay niyo, hindi maaari. You, because he has another family. The other woman was because her father is no longer here.” Nakita ko ang pagkawala ng lahat ng emosyon sa mukha ni Gareth. Nakatitig lamang ako sa side features niya. I wonder who is he talking about? “And you also have the same personality. Hahayaan na lamang iyong mga gumawa ng masama sa kanya at hindi na papatulan. Iniisip na mas magandang manahimik na lamang. Naniniwala na kahit naman anong sabihin mo, kung sarado ang isipan ng tao, they will never understand your situation.” Damang-dama ko ang sinabi niyang iyon! Ganoon ako, minsan, eh. Though, most of the time pumapatol talaga ako. The only person who is holding me back is my mother. Ayokong isipin ng ibang tao na palaaway akong pinalaki ng nanay ko. “Sinong tinutukoy mo? Ex mo?” tanong ko. Gusto ko pang biruin siya ngunit nang bumaling siya sa akin at mapansin ko na walang humor sa kanyang mukha ay tinutop ko ang aking bibig. “No, my mother.” Natigilan ako sa sinabi niya. Parang hindi pa magrehistro sa akin iyon. “The first time I saw you, siya agad ang naalala ko.” Tipid siyang ngumiti na lalong nagpatahimik sa akin. “You reminded me so much about her: your personality, the way you talk, and almost everything. Kaya siguro, I’m a little driven to you. Simula nang sampalin mo ako, hindi ko na mapigilang bumuntot sa ‘yo.” Halos wala na akong marinig kung hindi ang mga sinasabi ni Gareth at ang malakas na t***k ng puso ko. At ang walanghiyang pusong ito, bakit ganitong mag-react sa mga sinasbai ni Gareth?! Bakit niya biglaang sinasabi ito sa akin? Hindi ako handa! Mas lalong hindi ko inaasahang may maririnig akong ganoong mga salita sa kanya. “G-Gareth—” Ni hindi ako makapagsalita nang maayos. Tama ba ang iniisip ko? Tama bang bigyan ng kahulugan ang mga sinasabi niya? Umawang ang aking labi. Handa na sana ulit akong magsalita nang may gumulat sa akin dahil sa malakas na pagtawag nito sa pangalan ko. “Serena!” Tumingin ako roon. Nakita ko iyong anak ng kapitbahay namin. Tumayo ako at ibinigay ang atensyon ko sa kanya. “Bakit?” tanong ko. Hinahapo pa siya. Sa tingin ko ay tinakbo niya mula sa bahay nila papunta rito. “Iyong mama mo, nahimatay sa may labas ng bahay niyo!” Para akong nawalan ng dugo sa mukha sa narinig ko. Without a care to my surroundings, tumakbo ako nang mabilis pauwi sa bahay namin upang makita si Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD