KABANATA 9

1999 Words
HINAHAPO ako nang makarating kami sa bahay. Nakita ko si Mama na nakahiga na sa maliit naming sofa. May ilang kapitbahay na pinapaypayan siya at inasikaso naman nang mawalan siya ng malay. Kaagad akong lumapit sa kanila upang malaman ang kondisyon ng aking ina. “Ano pong nangyari?” tanong ko sa aming kapitbahay. “Hindi rin ako sigurado, hija. Lumabas lang siya tapos maya-maya ay nawalan na ng malay. Mabuti na lamang at nasa labas din kami at nakita agad namin. Hindi naman tumama ang ulo niya sahig.” Kabadong-kabado ako. Hindi na rin ako makahinga sa sobrang nerbyos ko nang malaman ang sinapit ng aking ina. “Sige po. Maraming salamat po. Ako na po ang bahala kay Mama.” Buong lakas akong ngumiti sa kanila. Tumango naman ang mga tumulong at umalis na. Mukhang abala rin sila sa kani-kanilang ginagawa. Ayokong makaabala pa. “Ma…” Nagbabaka sakali lamang ako na marinig niya ako. Baka lang gising na siya at may malay. She groaned. Gumalaw din ang kanyang talukap at dahan-dahan na iminulat ang mga mata. Pansin ko ang pagod sa mga ito. “Serena,” bulong niya sa aking pangalan. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak ko roon, na akala mo’y natatakot akong pakawalan si Mama. “Kumusta po kayo? Ano pong nangyari?” tanong ko, nag-aalala. Pagod na ngumiti si Mama sa akin. Iginalaw niya ang ulo niya at umiling. “Okay lang ako, anak. Huwag mo akong alalahanin—” Bigla siyang dilahit ng ubo kaya’t hindi na niya natapos ang pagsasalita. Tumayo ako at kumuha ng tubig upang ipainom sa kanya. Tinaasan ko na rin ang unan na hinihigaan niya para makahinga siya nang maayos. “Ma, magpaospital na po tayo.” Ilang beses ko na itong sinasabi sa kanya. Natatakot ako na hindi na normal na ubo lamang itong sakit ni Mama. “Huwag na, Serena. Sayang lang sa pera. Okay lang ako at gagaling din. Ordinaryong ubo lamang ito at minsan ay lagnat. Iyong pera pampaospital ay gamitin mo na lang sa eskwela mo. Mahirap ang buhay natin ngayon lalo na’t hindi ako nakakapagbenta sa palengke.” Tipid na sinabi ni Mama. Itinikom ko ang aking bibig. Ganito siya palagi. Tatanggihan niya ang pagpunta ng ospital. Kahit pilitin ko ay pinagagalitan lamang ako. Bumuntong-hininga na lamang ako. Sinabi ko sa kanya na magpahinga na sa kwarto. Tinangkang tumayo ni Mama pero nanghihina pa rin siya kaya’t bumalik ito sa pagkakaupo sa sofa. Panay ang pag-ubo niya, pakiramdam ko nga’y hindi na siya makahinga. Natataranta ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gustong-gusto ko siyang madala sa ospital upang matingnan ng doktor pero gusto ko ring respetuhin ang kagustuhan niyang huwag na lamang. “Dalhin na natin siya sa ospital.” May isang lalaking humawi sa akin sa kinatatayuan ko kaya’t umatras ako. Walang kahirap-hirap niyang binuhat si Mama. Napatitig ako sa likod ni Gareth habang naglalakad na siya patungo sa labasan ng bahay. Hindi ko akalaing sinundan niya pala ako. Akala ko kanina’y umuwi na siya. “Serena!” Napukol ng kanyang malalim na boses ang aking atensyon. Tumango ako at kaagad na sumunod sa kanya palabas. Ini-lock ko ang pinto ng bahay bago tuluyang umalis. Isinakay kami ni Gareth sa kanyang kotse. Pareho kaming nasa backseat ni Mama. Doon na rin ako naupo nang sa ganoon ay maalalayan ko siya. Mabilis na pinatakbo ni Gareth ang kotse niya. Gusto ko pang itanong kung alam niya ba kung saan ang papunta sa ospital ngunit nang mapansin ko ang daan ay hindi na ako nagtanong pa. Nakarating kami sa pinakamalapit na ospital pero pinakamahal din dito sa aming bayan. Hindi ko na muna inisip ang maaaring bayaran dahil mas importante ang kalagayan ni Mama. May mga nurses kaagad na lumabas para alalayan kami. Dinala si Mama sa ER dahil sa walang humpay niyang pag-ubo. Kami naman ay naiwan na lamang muna sa labas dahil bawal pa kaming papasukin sa loob. Tahiimik lang ako habang naghihintay ang magiging resulta ng ginagawa kay Mama. Si Gareth ay tahimik lamang din sa gilid ko. Lumabas ang doktor at nilapitan kami. Kilala ko ito kaya’t hindi na nakakapagtakang alam niyang nanay ko ang naging pasyente niya. “Kumusta po si Mama? Ano pong sakit niya?” tanong ko sa doktor. Huminga siya nang malalim. “Maayos naman siya, Miss Fontanez. Kailangan lamang ng tamang pag-inom ng gamot at pahinga. It’s an early stage of Tuberculosis. Mabuti na lamang at nadala niyo kaagad siya rito at nalaman natin bago pa lumala. May gamot na naman diyan kaya’t sinisigurado kong gagaling ang mama mo. I recommend for her to rest 2-3 more days in the hospital para mas ma-monitor ang lagay niya. The rest of her medication will continue at home. Reresetahan ko siya ng gamot. Excuse me.” Nakahinga ako nang maluwag doon. Tama nga ang kutob ko. Na dati pa lamang dapat talaga pinatingnan ko na si Mama sa doktor. Mabuti na lang, maaagapan pa rin. Lumapit ako kay Gareth. Napatingin siya sa akin. As usual, walang ekspresyon ang mukha niya at kay hirap basahin ng iniisip niya. “Thank you, Gareth. Mabuti na lang naandoon ka.” Kung wala si Gareth doon, malamang ay susundin ko lamang ulit ang gusto ni Mama at hindi na naman kami pupunta ng ospital. “Don’t mention it,” tipid niyang sagot sa akin. Nang mailipat na si Mama sa maayos na kwarto ay hinayaan na kaming makita siya. Ilang araw pang nanatili si Mama sa ospital. Napapansin ko naman na kahit papaano ay nag-i-improve na talaga ang lagay niya. May ibinigay na ring reseta ng gamot sa amin na bibilhin ko kapag na-discharge na siya rito mamaya. Nasa cashier na ako ng ospital upang itanong ang babayaran ko sa hospital bill ni Mama. Sa utak ko ay nagko-compute na rin ako. Kinakabahan pa ako na baka hindi umabot ang ipon ko roon. “Ito na Miss,” sabi ng cashier. Tiningnan ko iyon at pakiramdam ko ay binigyan na naman ako ng panibagong isipin. Malaki ang babayaran sa ospital. Hindi na rin ako magtataka dahil mamahaling ospital ito. Ganunpaman mas mahalaga pa rin ang kalusugan ng nanay ko. “Babalik na lang po ako mamaya para makapagbayad.” Nagpasalamat na rin ako roon at bumalik sa kwarto ni Mama. Naabutan ko siyang kumakain ng umagahan niya. Nilingon ako ni Mama. Naalala ko tuloy nang magkamalay siya noon, nagprotesta pa siya dahil dinala ko siya rito. “Ma, uuwi lang po ako para kumuha ng pera pambayad sa ospital. Nang sa ganoon ay pwede ka nang makalabas mamaya.” Pinilit kong ngumiti nang maayos sa kanya para hindi niya mapansin na inaalala ko pa kung saan ako kukuha ng pera. “Magkano ang babayaran natin? May pera ako sa cabinet ko, Serena. Kaunti lang iyon pero baka makadagdag,” saad ni Mama. “Okay lang, Ma, hindi naman kalakihan. Kaya ko na ito.” I need to assure her. Ayoko nang isipin niya pa na namomroblema ako rito. “Basta at huwag mong gagalawin iyong ipon mo para sa review mo at pag-aaral, ha? Kahit may scholarship ka ay may mga bayarin pa rin sa eskwela na hindi sakop ng scholarship mo. Galawin mo na lamang ang pera ko at huwag ang ipon mo.” Tumango-tango ako kay Mama habang nakangiti. Nagpaalam na ako at umalis na doon. Naglaho kaagad ang ngiti ko nang makalabas ng silid ni Mama. Umuwi ako sa bahay at kaagad hinalungkat ang lahat ng sulok ng bahay kung saan kami nagtatago ng pera. Nagbibilang ako ngunit hindi pa rin sapat. Kulang pa ng ilang libo at hindi ko na alam saan pa ako kukuha. Tiningnan ko ang sulok kung saan ko inilalagay ang ipon ko para sa pag-aaral. Naalala kong sinabi ni Mama na huwag ko itong galawin dahil baka magkaroon ng maraming gastusin sa mga susunod na araw o taon. Ngunit mas kailangan ko ito ngayon. Tumayo ako at kinuha ang lagayan ng pera. Binasag ko iyon at isinama sa pambayad sa hospital bill. May kulang pa pero hindi na ganoong kalaki. Inilagay ko ang mga salapi sa isang bag at tumulak na pabalik ng hospital. Siguro ihahabol ko na lamang ang kulang bukas. Mangungutang na muna siguro ako sa mga kakilala. “Hello po. Babayaran ko na po iyong bill para kay Cecilia Fontanez,” pagbanggit ko ng pangalan ng aking ina. Nilingon ako ng nurse at sinabi na titingnan niya lamang ang record niya. Naghintay lang naman ako roon. “Miss,” pagtawag ng nurse sa akin na nasa cashier station. “Fully paid na po iyong bill para sa nasabing pasyente.” Nanlaki sa gulat ang aking mga mata. Lumapit pa ako roon sa babae dahil baka nagkakamali lamang ako ng dinig. “Ha? Paanong mababayaran? Sinong nagbayad? Malalaman niyo po ba?” Tiningnan niya muli ang screen ng computer niya bago umiling. “Hindi po, eh.” “O-Okay, salamat po.” Naglalakad ako papunta sa kwarto ni Mama. Iniisip ko kung sino ang nagbayad ng bill niya. Hindi kaya si Mayor? Baka nabalitaan niya ang nangyari kay Mama. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ni Mama nang makasalubong ko si Gareth mula roon. “G-Gareth, naandito ka pala.” Hindi ko inaasahan na mapapadalaw siya rito. “Oo, kinakausap ko lang ang mama mo.” Isinara niya ang pinto. “Pinapainom siya ng nurse ng gamot kaya’t lumabas na muna ako.” Sumagi sa isipan ko ang ideya na baka siya ang nagbayad ng bill, hindi nga kaya? Pero bakit niya naman gagawin ito kung sakali? “Saan ka galing?” tanong niya nang mapansin siguro ang ayos ko at dala kong bag. “Kumuha ako ng pambayad sana sa bill ni Mama kaya lang…bayad na nang makabalik ako.” Tumango-tango lang siya sa akin. Hindi siya nagsalita. “Iniisip ko kung sino ang nagbayad. Hindi kaya si Mayor?” I was thinking aloud. Na hindi ko napansing narinig pala iyon ni Gareth. “Hindi si Mayor ang nagbayad ng bill ng mama mo kaya huwag kang tatanaw ng utang na loob sa kanila.” Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Bahagya kong nakita ang kunot ng noo niya. Para bang ayaw niya sa ideyang tumanaw ako ng utang na loob kay Mayor. “Kung hindi siya…ikaw?” Gusto kong burahin ang ideyang si Gareth nga ang maaaring nagbayad. Hindi imposible pero babalik ako sa tanong na bakit. Hindi nagsalita si Gareth. Ganoon pa man, nakuha ko ang sagot sa katanungan ko. “Bakit mo binayaran ang bill ni Mama?! Hindi naman dapat iyon. Babayaran ko sa ‘yo,” sabi ko at ibibigay na sana sa kanya ang bag na dala ko. “Hindi ako naniningil, Serena,” malalim na boses na sagot niya sa akin. “Kahit pa. Hindi mo obligasyong bayaran iyon. Isa pa, nakakahiya naman sa ‘yo—” “Hindi ka mahihiya kung hindi mo iisipin.” Parang wala lang sa kanya iyon nang sabihin niya. Hindi lamang iilang libo ang binayaran niya. Malaking halaga iyon! “Babayaran kita! Kahit hindi ngayon, basta babayaran kita!” Nakakahiya talagang isipin na siya na nga ang tumulong sa aming dalhin si Mama rito ay siya pa ang nagbayad. Hinarap niya ako. Ang gilid ng kanyang labi ay umangat sa isang maliit na ngisi. His hands are inside his pockets as he slightly crouched. “Do you really want to pay me?” tanong niya, may panunuya. Napalagok ako sa sariling laway pero tumango bilang sagot. Lalong lumawak ang ngisi niya. “Then, I’ll make you pay for it; but no, I don’t want my money back.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kung hindi pera, ano? “Be my friend, Serena. That’s the p*****t I want.” Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Kung posible lamang magdikit ang baba ko at ang sahig ay nangyari na iyon sa sobrang pagkabigla ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD