KABANATA 2

1675 Words
HALOS maitapon ko iyong panggapas sa sobrang irita ko kay Gareth na iyon. Nakakainis! Pinapakitunguhan mo nang mabuti ay gagaspangan at susupladuhan ka lang. “Don’t call me Ali, we’re not close. Psh! Akala mo kung sino. Gwapo ba siya? Oo! Alam ko, pero tama bang gaspangan niya ako ng ugali? Hindi!” bulong ko sa sarili ko habang ginagapas iyong nagtatayugang mga damo rito sa bakuran nila. “Serena…” Tumigil ako sa ginagawa ko at binalingan si Clarity. Mahina niyang dinali ang aking baywang gamit ang pwet niya at tumawa. “Nagkausap ba kayo ni Sir Ali? Anong sabi? Naiwan kayong dalawa sa hapag-kainan kanina, hindi ba?” excited na tanong sa akin ng kaibigan. Napairap ako nang marinig ang pangalan na iyon. Naalala ko na naman kung paano niya ako ipahiya kanina kahit kaming dalawa lamang naman ang nakarinig no’n. “Huwag mo raw siyang tawaging Ali. Hindi naman kayo close.” Napairap ako sa hangin matapos kong sabihin iyon. Ah! Nakakasira talaga ng araw. Tumawa nang malakas si Clarity kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. “Sinabi niya ba iyan sa iyo? Nako! Mukhang mailap si Sir, ah? Bet ko pa naman siya at alam ko bet mo rin.” Halos sakalin ko siya sa sinabi niya. “Bet? Ayoko sa ganoon. Huwag na lang, ‘no. Ang arte-arte.” Bumalik na ako sa ginagawa ko. Tinawanan lamang naman ako ni Clarity bago siya bumalik sa ginagawa niya sa may swimming pool ng mansyon. Hindi ko pa rin maiwasan ang mainis sa tuwing naalala ko ang pagmumukha ng Gareth na iyon. Kung hindi ko lamang talaga kailangan ng pera para sa gastusin ay aalis ako rito. “Hmm, akala ko ba ay anak ka ng mayor? Anong ginagawa ng isang kagaya mo rito? And you’re mowing our lawn?” Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Ang kanina lamang na malamig na tono ng pananalita nito nang una ko itong makausap ay ngayo’y may panunuya na. Napalingon ako sa kanya at hindi nga ako nagkamali. Si Gareth iyon! Nakapagbihis na siya at naka white t-shirt na lamang habang naka-shorts. Napasinghap at lagok ako sa aking laway nang makita ko ang kabuuang ayos niya. Geez, kung hindi niya lamang sana ako sinupladuhan kanina ay luluhod talaga ako sa harapan niya at sasambahin siya! Inirapan ko siya. “Masama bang tumulong? Gusto kong may gawin, eh.” Napansin ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya. Ngumisi siya! At saan niya nakuha ang lakas ng loob niya upang ngumisi riyan? “Bakit hindi na lang kaya bahay n’yo ang linisin mo? Kung hindi ka nakatira rito o nagta-trabaho…bakit ka naandito? Trespassing ka.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Alam ko na nagsinungaling ako sa kanya at inaakala niya siguro ngayon na mayaman ako or something at masyado ring mataas ang pride ko upang aminin sa kanya ang totoo. Sino ba namang magiging proud na anak ka sa labas at naging kabit ng mayor ang nanay mo? Na halos lahat ng tao sa bayan na ito ay sinusumbatan ako? Ayoko! “Hindi ako trespassing. Matagal na akong tumutulong dito. Masyado na kasing maraming katulong sa bahay kaya’t hindi na ako nangengealam doon. Gusto ko rito kina Aling Leni.” Muli ko siyang inirapan at nag-iwas ng tingin. Mamaya ay malaman niya pang nagsisinungaling ako sa lahat ng sinasabi ko. Ayokong sabihin na nagta-trabaho ako rito. Talagang paninindigan ko na itong pagpapanggap at kasinungalingan binuo ko sa utak niya. Pakiramdam ko kasi ay pagtatawanan ako ng lalaking ito kapag nalaman niya ang totoo. Hindi na siya nagsalita pa at nagpatuloy na lamang sa paninitig sa akin. Inirapan ko siyang muli at nagpatuloy sa aking ginagawa. Tahimik naman ang naging trabaho ko kahit na naandiyan siya sa gilid at pinapanood pa rin ako. Nakakairita lang na patuloy siya sa panunuod sa akin. “Parang sanay na sanay kang kumilos sa bahay, ah? Anak ka ba talaga ng mayor?” Napatigil ako sa aking ginagawa at nilingon siya. Nakakunot ang noo ko dahil nakakairita talaga siya. Kapag hindi siya nagsusuplado ay sobrang daldal niya naman at mapang-asar. Seriously, maging ako ay nalilito sa ugaling mayroon siya. “Ano bang pakealam mo? Masama na ba ngayong may alam sa gawaing bahay ang isang tao?” sarkastikong tanong ko. Hindi siya nagsalita pero nanatili ang mapang-asar na ngisi niya sa kanyang labi. Kabwisit! Binilisan ko na ang paggagapas ng mga damo at inilagay sa isang gilid ang panggapas. Gusto ko na lang umalis dito dahil sa lalaking nagngangalang Gareth na umaaligid sa paligid! “You’re so rude, little girl.” Natigil ako sa paglalakad ko dahil sa sinabi niya. Ano raw? Anong tinawag niya sa akin? Little girl? Excuse me? Nilingon ko siya at nakita ko ang paglawak ng ngisi niya nang makita niya ang reaksyon ko sa itinawag niya sa akin. “I’m not a little girl anymore!” Hindi ko mapigilan ang sumigaw dahil sa sinabi niya sa akin. Tinaasan niya ako ng isang kilay at naglakad papalapit sa kinaroroonan ko. Why is he suddenly acting like this? Kanina lamang ay para siyang yelo sa sobrang lamig ng pakikitungo niya sa mga tao, ah? “Well, you look like a 12-year-old girl to me,” mapanuyang saad niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Lalo lamang akong nabwisit nang makita ko ang nakakalokong ngiti niya sa akin. “Excuse me, 19 na po ako!” muling pagsigaw ko sa kanya. Nakakainis! Ngayon naman ay tinatrato niya akong bata. Nakailang sabi na ba akong naiinis ako sa kanya? Hindi ko na mabilang sa daliri. “Oh? Still, a kid. Ni wala ka pa nga sa bente.” Talaga bang pinupuno ako ng lalaking ito? Hindi nga sabi ako bata! Sa rami nang dinanas ko ay baka mahiya siya. “Malapit na akong magbente! Next month ay magiging 20-years-old na ako. Ikaw? Makaasta ka ay akala mo sobrang matured mo na. Baka nga magkasing-edad lang tayo, eh.” Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Iyong pagtitimpi ko sa lalaking ito ay ubos na. Sinagad na niya ako ngayong araw. “Nope. Malaki ang age-gap natin. 26 na ako, Miss. Bata ka talaga.” Humalakhak niya. Ang paghalakhak niyang nakakabaliw. Ang lalim ng boses niya na kulang na lang talaga ay sambahin ko ang lahat sa kanya—pero no thanks! “Wala akong pakealam sa age-gap. Ang alam ko, hindi nasusukat ang maturity ng tao sa edad! Bahala ka nga riyan.” Umirap ako sa kanya at naglakad na papalayo. Hindi naman talaga ako pala-sigaw. Hangga’t maaari ay maayos akong makitungo pero anong ginawa niya sa akin kanina? “Aling Leni.” Nang makita ko si Aling Leni ay lumapit ako sa kanya. “Pwede po ba akong mag-advance? Sure naman po na papasok ako sa mga susunod na araw hanggang magpasukan. Aagahan ko rin po ang pasok ko simula bukas. Kailangan ko lang po talaga ng pambili ng gamot ni Mama.” Napatigil si Aling Leni sa kanyang ginagawa at tumingin sa akin. Kita ko ang awa sa kanyang mukha kaya matipid na lamang akong ngumiti sa kanya. Ayoko talaga nang kinakaawaan ako pero…wala naman akong magagawa kung maawa sila sa akin. “Huwag ka nang mag-advance. Bibigyan na lamang kita ng pera pambili ng gamot ng nanay mo. Iyong makukuha mo sa swelduhan ay itabi mo na lang para sa pag-aaral mo. Hindi nagtatrabaaho ang nanay mo ngayon dahil may sakit. Walang sumusuporta sa pag-aaral mo. Kaya ipunin mo na lamang iyong sweldo mo rito para roon at makakahiram ka naman sa akin kapag kinapos ka para sa gamot ng nanay mo.” Gusto kong umiyak sa sinabi ni Aling Leni. Alam ko na tinuturing na rin naman niya akong anak pero hindi ko rin kayang umasa sa kanya. “Utang po ito, Aling Leni. Babayaran ko kayo kapag nakaluwag ako,” sabi ko sa kanya matapos niya akong mabigyan ng pera. “Nako! Ito talagang batang ito, oo. Huwag mo nang isipin iyon. Paano pala kapag may pasukan na, anong plano mo?” tanong ni Aling Leni sa akin. “Magbabawas po ako ng part-time job dahil hindi po kakayanin ng schedule ko pero mananatili po ako rito. Baka mga alas-tres na ako makapagsimula ng trabaho rito hanggang gabi kasi may klase po ako sa umaga.” Tumango si Aling Leni sa sinabi ko. Hindi ko rin kasi kayang umalis dito. Maganda ang pakikitungo ng mga tao sa akin—minus iyong lalaking kakarating lang pero kaya ko namang pakitunguhan. Bukod pa roon, malaki-laki rin ang sweldo. “Bakit ba kasi hindi ka manghingi ng suporta kay Mayor? Tatay mo pa rin naman siya—” “Nako, Aling Leni! Alam n’yo naman po ang nangyari noon, hindi ba? Hindi maganda ang pakikitungo ng pamilya ni Mayor sa amin. Galit ang asawa nito kay Mama. Natural lang naman iyon dahil naging kabit si Mama tapos nagkaanak pa. Baka masugod lamang ulit kami at matawag na namang mukhang pera si Mama tapos ay ginagamit ako para makahuthot sa tatay ko. Ayoko po ng ganoon.” Kaya nga ako nagsusumikap, eh. Para hindi kami umasa sa pera ng tatay ko. Pagod na akong makarinig ng panunumbat sa amin ni Mama. Kaya gusto kong mapatunayan na kahit walang suporta ng tatay ko ay makakaya naming mabuhay at maging matagumpay. Isang rason din kung bakit nag-aaral ako kahit kinakapos na. Gusto kong makatapos at makapaghanap ng magandang trabaho para maiahon si Mama sa hirap. Nagpaalam na ako kay Aling Leni at masayang paalis na sana ng lugar na iyon nang makita ko si Gareth na nakahilid sa may pintuan habang may makahulugang titig at ngisi sa akin. Napalagok ako sa aking sariling laway dahil ginapangan ako ng kaba. Narinig niya ba ang pinag-usapan namin ni Aling Leni? Alam niya na bang totoong anak man ako ng mayor ay illegitimate naman? Kailangan ko na bang ihanda ang sarili sa panibagong pagkutiya at pagtawa sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD