MABUTI na lang at nang umuwi ako sa bahay namin ay tulog na si Mama. Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at kumuha ng gamit para makapaglinis ng katawan. Inihatid ako ni Gareth pero umalis din naman siya. He offered me to sleep at their house na agad kong tinanggihan. Masyado na ngang sabog ang utak ko sa rasong nanliligaw siya sa akin ay mas lalo pa kung mananatili ako sa iisang bahay kasama siya. Ang sabi niya kasi ay baka raw magtanong ang mama ko kung anong nangyari kapag nakita ang itsura ko. Mabuti na lamang, tulog na ito. Wala pa akong balak sabihin kay Mama. Masyado rin siyang masaya at sa tingin ko’y umaasang magkakasundo na kaming dalawa ni Cassandra sa wakas. Hahayaan ko muna sigurong paniwalaan niyang maayos na nga ang lahat sa amin kahit hindi. Hindi ako makatulog ng gabi