NANG matapos ko nga ang aking gagawin ay kaagad kong hinanap si Gareth. Hindi ko siya makita sa loob ng bahay kaya’t lumabas ako. Nagtangka na rin akong magtanong sa ibang trabahante nila kung nakita si Gareth. Baka mamaya ay nasa planta iyon or kwadra ng mga kabayo. “Nakita ninyo po ba si Gareth?” tanong ko sa isang matandang lalaki na tingin ko’y mula pa sa kabilang bayan. Tiningnan niya ako bago sumagot. “Oo, hija. Nasa kwadra ng mga kabayo.” At itinuro niya na rin ang papunta roon. Nagpasalamat ako. Alam ko naman ang daan kung saan ang patungo roon dahil nakapunta na ako isang beses. Kaya lang, hindi rin naman masama kung tinulungan ako ni Manong kung saan ang tamang daanan. Napatigil ako nang matanaw ko ang horse stable. Nakakasilaw ang araw kaya’t naningkit ang mga mata ko. May n