“Marami ka bang kaibigan?” Nanatili kami roon habang unti-unti nang dumidilim ang paligid. “Marami rin. But kakaunti in terms of trusted friends,” sagot niya habang nakatingin sa kawalan. “How about you? Aside from your friend na anak ni Manang Susan, may iba ka pa bang kaibigan?” Gusto kong tawanan ang tanong niyang iyon pero alam ko na para sa akin lamang naman ito joke. “Mayroon. Si Luis. Nakilala mo na iyon dati sa bahay namin, hindi ba? Bukod sa kanilang dalawa…hmm, wala na.” Ang hirap makipagkaibigan lalo na kapag may Cassandrang humahadlang para magkaroon ka. “Pero may ilan naman akong nakakausap bukod sa kanila. Halos lalaki nga lang. Mas mabilis kasing i-approach ang mga lalaki sa school kaysa sa mga babae.” Halos lahat kasi ay natatakot nga kay Cassandra. Nilingon ako ni Gare