NAULIT pa ang pagpunta ni Cassandra sa bahay nina Gareth. Madalas ay pag-uwi ko, naaabutan ko na siya roon at nakalingkis ang kanyang kamay sa braso ni Gareth. May mga panahon naman na kahit gabi ay pumupunta pa rin si Cassandra para lamang makita si Gareth. Ang pait ng pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko silang dalawa na ganoon ngunit dahil hindi ko rin naman mabigyan ng eksplanasyon bakit ako nakakaramdam ng ganito sa tuwing nakikita ko sina Gareth at Cassandra na magkasama ay hindi ko na masyadong pinagtutuunan pa ng pansin. Kagagaling ko lamang sa palengke nang makita ko ang sasakyan nina Mayor. Naglakad ako roon at nakita ko si Luis. “Magandang umaga, Luis!” masayang bati ko nang makita ang kaibigan. Ngumiti siya sa akin nang lingunin ako. “Serena! Magandang umaga rin!” bati niya