PASUKAN na namin. Excited ako sa tuwing unang araw ng school. Pakiramdam ko kasi, I am step ahead to reach my dreams! “Ma, aalis na po ako.” Matapos kong magpaalam kay mama ay sinilip ko siya sa kwarto. Napahugot kaagad ako ng hininga nang makita ko ang ginagawa niya. Nilapitan ko si Mama na inaayos iyong mga gamit niya sa pagtitinda sa palengke. “Magtitinda ka na ulit? Kailan?” tanong ko at naupo sandali sa tabi niya. “Mamaya siguro. Maayos na naman ang pakiramdam ko. Sayang naman kung hindi ako kikilos ngayon. Ilang buwan nang ikaw ang nagtatrabaho. Kailangan mo nang mag-focus sa pag-aaral, Serena.” “Ma, magpahinga muna kayo. Gumagaling pa lamang kayo at maaaring mamaya ay magkasakit na naman dahil diyan—” “Anak, okay na ako. Makakapagtrabaho na ako. Huwag ka nang mag-alala at puma