Ika-dalawamput isang kabanata

1495 Words
Third Person’s point of view… Napatingin si Prinsipe Silas sa kanyang ama nang matangap nito ang mensahe galing sa mensaherong ibon na si Tawiti mula sa espiya niya sa Astral Kingdom. “Ama, nakapiit si Asya sa kulungan ngayon dahil nalaman n ani Haring Atlas ang tungkol sa ating plano.” Imporma ni Prinsipe Silas. Kumunot ang noo ng Hari ng Celestria. “Kailangan nating palayain sa piitan si Asya. Nang sa ganun matulungan niya tayo sa pagsakop sa Astral. Kaya ikaw ang inasahan kong magpapalaya sa kanya.” Wika ni Haring Arkan sa kanya. “Ngunit ama, paano kung tumangi si Asya na tulungan tayo? Harapan niyang sinabi sa akin na ayaw niyang makipagdigma dahil napamahal na siya sa Prinsipe Xenos. Nag-aalala ako na sa bandang huli sa Astral kumampi si Asya at malipul tayong lahat—” “Hindi na tayo maaring umatras pa Silas! Malapit na tayo sa Astral at alam na rin nila ang tungkol sa paglusob natin. Kaya nasisiguro kong naghahanda na rin sila sa paglusob natin! Sa simula pa lamang alam mo ang layunin ng ating kaharian. Yun ay palawakin ang ating hukbo at para magawa yun kailangan nating sakupin ang lahat ng kaharian sa buong emperyo nang sa ganun magawa nating mapabagsak si Emperador Adeo, at kunin kung ano man ang dapat ay sa akin!” singhal ni Haring Arkan. Ilang taon din ang hinintay niya upang makipaghiganti sa kanyang kapatid. Siya dapat ang susunod na magiging Emperador ng Guenera ngunit inagaw ito ng kanyang kapatid sa kanya. Namatay sa mahiwagang sakit si Emperador Tarsuk ang kanilang ama at sa iniwan nitong sulat ay iniwan niya ang kanyang trono sa ikalawa niyang anak na si Adeo at hindi ito matangap ni Arkan kaya gumawa siya ng planong paslangin ang punong babaylan sa Yastreo at isisi kay Adeo ang kremin upang magkaroon ng lamat ang emperyo at Yastreo Kingdom. Dahil sa labis na galit ay naghiganti si Selsa kay Adeo. Ang buong akala niya ay nagtagumpay na siya ng bigyan ng sumpa ang anak nitong kambal na isinilang ngunit nanatiling matatag si Adeo at piniling ilayo ang mga prinsesa sa Guenera upang hindi maging banta sa emperyo. Kaya tinangka niyang kunin ang kambal at gawing bihag upang mapababa sa posisyon si Adeo. Ngunit si Asya lang ang napunta sa kanya dahil nakatakas si Maliyah. Kaya ipinahanap niya ito. Nagkita muli si Arkan at ang Prinsesa ng Celestria na nakilala lang niya sa pagtitipon sa Guenera at nalaman niyang nagkaroon sila ng anak sa ilang buwan nilang magkasintahan. Kaya nang malaman niya ang tunay na katauhan nito ay sumama siya dito sa Celestria at ipinagpaliban niya ang plano upang mas mapalakas pa at mapaghandaan ang pagbabalik niya sa Guenera para ituloy ang kanyang paghihiganti. Kaya itinago niya si Asya sa kaharian ng Celestria at kalaunan ay itinuring din siyang anak ng kanyang Reyna. “Pati ba ang utos ko bilang hari ay susuwayin mo Xenos?!” Singhal ng kanyang amang hari nang makiusap siyang muli na palayain si Asya. “Ama, hindi na siya kabilang sa Celestria, tayo na ang kanyang pamilya at nangako siya sa akin—” “Tama na! Inilalagay mo sa panganib ang buong kaharian ng Astral! Hindi mo pa ba naunawaan? Nais sakupin ng Celestria ang Astral at kung hindi natin nalaman ng maaga ang lahat baka bangkay na tayo bago sumikat ang araw!” Magsasalita pa sana siya ngunit dumating si Cyrus at Prinsipe Orion. “Ano na ang nangyari sa paghahanda?” tanong ng Hari sa kanila. “Mahal na Hari, nakahanda na bilang depensa ang sampung libo nating mandirigma.” Imporma ni Cyrus sa kanila. “Ama, lalaban din ako para sa Astral.” Seryosong saad ni Prinsipe Orion. “Hindi, ako at Xenos ang mangunguna sa hanay ng digmaan. At ikaw ang nakatalaga sa kaligtasan ng yung ina at kapatid. Inasahan ko na makakaya mo silang protektahan habang nasa pakikipaglaban kaming dalawa.” Utos ng hari. “Opo ama!” pagpayag ni Prinsipe Orion. Bumaling ang hari kay Cyrus. “Nais kong magpunta ka sa Emperyo ng Guenera sa mabilis na paraan na kaya mo. Humingi ka ng tulong sa kanila. Hindi natin kakayanin mag-isa dahil siguradong maraming inosenteng buhay ang madadamay at ayokong maubos ang lahat ng ating nasasakupan bago pa namin matalo ang kanilang hukbo. Kaya umalis ka na ngayon din heneral.” Utos sa kanya ng hari. “Masusunod po mahal na hari!” Kaagad na umalis si Cyrus dahil sa kanyang utos. “Anak, sa ngayon wala na tayong magagawa pa kundi ang lumaban at isa alang-alang ang kapakanan ng ating kaharian. Pakiusap makinig ka sa yong ama.” Pakiusap ni Reyna Auria kay Prinsipe Xenos. “Ngunit ina, mahal ko si Asya. Hindi ko kayang mawala siya sa akin.” Patuloy na paki-usap ni Prinsipe Xenos. Bumaba sa upuan ang hari at matalim ang tingin na ipinukol kay Xenos. “Alam mo ang batas ng ating kaharian. Ngayon pa lamang tangapin mo na. Dahil kamatayan ang kanyang magiging hatol dahil sa kanyang naging kasalanan—" “Ama!” hindi makapaniwalang sambit ni Prinsipe Xenos. “Subukan mong suwayin ang utos ko. Mas pipiliin ko pang malagutan ng hininga kaysa makita kung paano mo sirain ang pagiging prinsipe mo dahil sa babaeng yun.” Banta ng kanyang ama bago siya talikuran nito. Sumunod sa kanya si Reyna Auria. “Mahigpit kong pinag-uutos na huwag palapitin si Prinsipe Xenos sa kulungan! Naunawaan niyo?!” utos ng kanyang ama sa mga kawal. “Opo mahal na Hari!” Napaluhod nang tuluyan si Xenos sa sahig dahil sa kanyang narinig mula sa kanyang ama. Hindi niya akalain na mauuwi sa malagim na katapusan ang kanilang pagmamahalan. Samantala pumuslit si emma sa kulungan upang dalawin ang kanyang kaibigan. Pinagmasdan niya itong nakaupo sa mga dayami manipis ang kasuotan at nakatali ang magkabilang kamay nito sa kanyang likuran. Sa madilim na piitan. “Maliyah…” naawang sambit niya. Nag-angat si Maliyah ng kanyang mukha. “Emma…” sambit niya. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa kahoy na kulungan upang makalapit kay Emma. “Sa huli, ikaw pa rin ang nagdusa.” “Hindi pa tapos ang laban Emma.” sambit niya. “Ngunit paano ka na? Ipinagbawal ng hari na makita ka ng Prinsipe. Siya na lamang ang pag-asa mou pang makalaya ka. Ngunit dahil sa banta ng Digmaan laban sa Celestria nagmatigas ang hari na palayain ka.” Imporma nito sa kanya. “Alam ko, maaari ba akong humiling sayo?” tanong ni Maliyah sa kanya. “Magkaibigan pa rin tayo. Ikaw ang tumulong sa akin noon kaya ako napunta dito at namuhay ng masagana. Kaya kahit ano pang hilingin mo. Gagawin ko para sayo.” Sagot ni Emma sa kanya. “Bago pumutok ang araw. Magpunta ka ulit dito. Saka mo malalaman kung ano ang huling kahilingan ko.” “Masusunod.” Inabot niya ang dala niyang makapal na kumot kay Maliyah. “Gamitin mo yan dahil maraming insekto at malamok din dito.” Wika niya kay Maliyah. “Salamat, asahan ko ang pagtupad mo Emma.” Tumango si Emma at nagpaalam sa kanya. Muli siyang bumalik sa pagkakaupo at sumandal siya sa pader. Tatangalin na sana niya ang makapal na rehas na nakatali sa kanyang kamay nang mapansin niyang may nakatayo sa labas ng kanyang piitan. “P-Prinsipe Xenos? B-bakit ka nandito?” maang na tanong niya. Kumuha siya ng susi at binuksan ang pinto ng kulungan. Pumasok siya sa loob at naupo sa kanyang tabi. “Patawarin mo ako Asya…ginawa ko na ang lahat ngunit—” “Wala kang kasalanan.” Nilingon siya nito. “Hindi, kasalanan ko ang lahat. Ipinangako ko sayo na mabubuhay ka ng matagal. Ipinangko ko sayo na tutulungan kitang mawala ang sumpa. Dahil gusto kong makasama ka at aking maging Reyna. Ngunit kabaliktaran ang lahat. Hindi kita kayang protektahan. Dahil kapalit nito ay ang pagkalaban at pagtalikod ko bilang prinsipe ng Astral.” Paliwanag niya dito. “Huwag kang mag-alala. Kagaya ng unos. Matatapos din ang lahat. Mag-iwan man ito ng pighati sa ating mga puso. Maghihilom din ang sugat. Masaya ako Xenos. Wala akong pagsisisi sa kung ano man ang mangyayari sa hinaharap. Ang maranasan ang lahat ng ito ay labis na kaligayahan na para sa isang tulad kong ilang taon na nabuhay sa madilim na mundo. Kaya huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo. Mahal kita…piliin mo ang maging magiting na Prinsipe at balang araw. Makukuha mo din ang kaligayahan na ninanais mo.” Nakangiting sambit ni Maliyah sa kanya. Tumayo si Xenos at mabigat ang hakbang na nilisan ang piitan ni Maliyah. Ibinalik ng kawal ang pagkakasara nito. Tuluyang nagbagsakan ang luha ni Xenos nang makalabas siya sa kulungan. Masakit para sa kanya ang naging pamamaalam niya para dito. Ngunit pakiramdam niya wala siyang karapatan na yakapin at halikan ito dahil siya ang dahilan kung bakit nahihirapan ngayon ang babaeng pinakamamahal niya na inakala niyang si Asya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD