"Grabe naman.. kayo pala talaga!" Sabi ng kaibigan kong si Katie pag upo ko sa tabi niya.
"Is it true na magpapakasal na kayo?" Napatingin ako kay Abi. Gusto ko sana yun sagutin kaso bigla akong napaisip sa sinabi ni Greyson. Tama naman na pwede din kaming maghiwalay kung magpakasal kami. Makukuha ko yung mga pinangako ng magulang ni Greyson na pera at house and lot matapos ng kasal namin at pagkatapos ay maghihiwalay kami. Bigla akong napaisip sa idea na yun.
Matapos ang klase, pagdating ko sa gate ay nandoon na si Gio. Medyo magulo pa ang sitwasyon dun dahil nandoon na naman yung mga fans ng Oh4 malamang hinihintay nila yung paglabas ng apat. Hindi ko na sila inintindi, binilinan ko na lang yung guard na huwag silang papasukin sa loob. Pagsakay ko sa motor ni Gio ay saktong papalabas na yung apat ng gate. Pinaandar na ni Gio yung motor kaya hindi ko na nakita yung sumunod na ganap. Kumain muna kami sa isang fastfood bago niya ko hinatid sa bahay.
Sa kanto na lang ako bumaba sa motor niya. Siguradong mapapagalitan ako ni Mama kung makikita na naman niyang hinatid ako ni Gio. Naisip ko na kung magdesisyon akong magpakasal kay Greyson kailangan kong umiwas na kay Gio. Gustong gusto ko siya. Gusto ko na nga siya sagutin kaso dahil sa kinakaharap ko ngayon kailangan ko muna yun pigilan.
Nasalubong ko si Raine habang naglalakad.
"Hana sama ka mamaya?" Pagyaya niya sakin.
"Saan?" Agad kong tanong.
"Night out.. friday naman ngayon walang pasok bukas."
Mukhang gusto ko yun. Gusto kong marelax ang isip ko kaya nagdecide akong sumama.
Matapos ko kumain ng hapunan at maghugas ng pinggan ay pumasok ako sa kwarto at nahiga sa kama. Alas dose pa ng hatinggabi yung sinabi ni Raine na night out. Nagtataka ko kung bakit masyado ng gabing gabi yun. Sabagay night out nga eh. Nagfacebook muna ko habang naghihintay ng oras.
Pinanood ko yung uploaded video sa f*******: page ng Oh4 nang mag appear yun sa newsfeed ko. 20 minutes pa lang pero nasa thousands na agad yung views nun, ganun din ang comments at shares. Umabot na din sa 1 million yung followers nila dun at maging sa lahat ng socmed account nila.
Sa video makikita yung apat na parang may inaayos na sasakyan. Si Craig yung una kong napansin nasa harapan siya ng kotse at parang may tinitignan na makina katabi niya si Axel. Walang suot na pantaas yung dalawa at tanging ripped jeans lang ang suot. Ang ganda pala ng abs ng dalawang yun wala kang itatapon sa kagwapuhan at kakisigan nila. Hindi ko mapigilan mapangiti habang pinapanood si Craig na nakangiti, napaka smiling face talaga niya. Naalala ko na parati siyang nakangiti sakin sa tuwing nagkikita kami. Si Axel naman ay yung tipong badboy look, bukod sa mga tattoo niya ay nasa itsura nyang marami ng pinaiyak na babae. Biglang sumulpot si Lucas. Siya naman yung tipong suplado type pero nasa itsura din ang pagiging babaero. Biglang may hinanap yung paningin ko. Parang lumukso yung puso ko ng ifocus si Greyson. Tumayo siya mula sa ilalim ng sasakyan. Mukhang may tinignan siyang makina doon. Naka topless din siya at ripped jeans ang yummy din niya tignan. Ang ganda din ng abs niya. May mga grasa siya sa katawan dahil sa makina, kung sa iba yun ang dugyot siguro tignan pero sa kanya nakadagdag pa sa hotness niya. May tattoo din siya sa tagiliran niya at sa likod. Ang sarap niyang panoorin. Kapag kinasal na kami makikita ko ng malapitan yung katawan nyang yun. Bigla ko tuloy naalala yung niyakap at hinaplos haplos niya yung katawan ko habang kumakanta sya. Pano kung ulitin niya uli yun kapag mag asawa na kami tapos hindi lang yun ang gawin niya. Nasampal ko bigla yung sarili ko sa naiisip ko. Pinanood ko pa yung video nila tapos nagbasa ako ng comments.
Karamihan sa comments ay mga kabaliwan ng mga babae sa apat. Bigla akong nainis sa mga babaeng nagko-comment ng pagkabaliw kay Greyson. May mga nagcomment din tungkol sa kasal naming dalawa. May nabasa pa kong comment na sinabing hindi maganda yung mapapangasawa ni Greyson tapos maraming nag agree dun. Siraulo tong mga bitter na to. Hindi ko tuloy napigilan magcomment sa video. "Whatta bitter b***h, magpapakasal kami ni Greyson. Magiging asawa niya ko at kayo hanggang fantasy na lang. Pag inggit pikit, loser!"
Inexit ko na yung video matapos ko magcomment. Makaraan ang ilang minuto ng puntahan ako ni Raine sa bahay.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Raine habang nasa kotse kami. May kasama pa kaming isang babae na may ari ng kotse, si Valerie, siya din yung nagda drive. Classmate siya ni Raine.
"Saan nga ba tayo pupunta Val?" Tanong din ni Raine kay Valerie.
"Basta, masaya yun mag eenjoy kayo." Sagot ni Val.
Huminto kami sa isang lugar. Highway yun. Maraming sasakyan sa paligid. Akala ko ay sa bar kami pupunta. Bigla ako nailang sa suot ko. Pinilit kasi ako ni Raine na magcrop top at skirt. Parehong kulay black yun. Hanggang tuhod naman yung skirt ko pero may slit na mahaba. Feeeling ko nakikitaan ako kapag naglalakad ako. Mabuti na lang maganda ang katawan ko. Pansin kong puro lalake dun. Naiilang ako dahil pinagtitinginan kami. May ilan ding kababaihan sa paligid.
May kinausap si Val na lalake tapos sinamahan kami sa isang establishment. Pumasok kami sa loob at umakyat kami sa taas.
"Raine ano bang gagawin natin?" Bigla akong kinabahan na baka mapahamak kami
"Hindi ko din alam eh. Kilala ko naman si Val hindi niya tayo ipapahamak. Don't worry!"
Pagdating sa second floor ay pumunta kami sa balcony. May ilan pang kababaihan ang nandoon. Nakikita mula doon yung kaganapan sa baba. Maraming sasakyan sa baba. Tingin ko mga racing car yun. So nandito kami para lang manood ng karera ng sasakyan.
"Raine umuwi na lang tayo. Hindi naman ako mahilig manood ng ganyan." Bigla akong nayamot.
"Ano ba kayo ang Kj nyo!" Sabi ni Val ng marinig ang sinabi ko. "Masaya yan mamaya, mag eenjoy kayo. Tsaka hindi na kayo pwede umalis."
"Bakit naman?" Tanong ni Raine.
"Look, they're already choosing!"
Napatingin ako sa baba ng makita ko yung ilang kalalakihan na nakatingin samin. Natigilan ako ng makita ko si Craig at mas nawindang ako ng makita ko si Greyson. Nakatingin din siya sakin. Tinititigan niya ko na parang sinisigurado na ako nga yung nakikita nya. Maya maya ay parang nandilim ang mukha niya. Matalim siyang tumingin sakin.
Umalis na sila sa kinatatayuan nila at sumakay sa kotse. Napansin kong panay ang himas ni Greyson sa batok niya habang papasakay siya sa sasakyan niya. Isa siya sa kasali sa drag racing na yun. Hindi ko alam kung ano ba tong nangyayari at kung ano ba tong pinasok ko.
Dalawang sasakyan ang nasa unahan na maglalaban at isa si Greyson dun. May tumayong lalake sa harap na taga senyas ng pagsisimula ng karera. Pagkababa niya ng flag ay mabilis na umandar yung dalawang sasakyan. Halos lumipad sila sa bilis. Bigla akong nag alala na baka magbanggaan sila. Ilang beses na napagpabalik balik at umikot ang mga yun. Pagkaraan ng ilang minuto ay tumigil sila sa line. Si Greyson ang unang dumating, so siya yung nanalo. Sa pangalawang set ay dalawang racer uli ang maglalaban, isa si Craig dun at siya ang nanalo. Ilan pang set ng sasakyan ang naglaban laban. Sa final round ay si Greyson at Craig ang naglaban. Pareho silang mabilis na parang buhay nila yung nakataya sa laban na yun. Sasakyan ni Craig ang unang dumating sa line, siya ang nanalo. Nilapitan siya ng ilang kalalakihan, tuwang tuwa din si Axel at Lucas na lumapit sa kanya. Si Greyson naman ay mukhang dismayado. Siguro dahil pangalawa lang siya.
Ilang minuto pa ng umakyat sila sa taas papunta samin.
"Pupunta sila satin?" Sabi ni Raine.
"They will choose from us as their prize."
"What?? Tayo yung prize nila." Nagulat kong sabi.
Nakita kong papalapit si Greyson. Nakatingin siya sakin. Ako ba ang pipiliin niya?!
"Why the fvck are you here?" Matalim yung tingin niya sakin. Hinawakan niya ko sa braso.
"I won, I'm gonna choose first." Napatingin ako kay Craig. Nakangiti siya sakin.
"Of course I'll choose the president." Lumapit sya sakin at kumapit sa bewang ko. Dahil croptop ang suot ko ay naramdaman ko yung init ng palad niya sa balat ko. Napabitiw si Greyson sa pagkakahawak sa braso ko.
"You're mine tonight!" Mahinang sabi ni Craig.
Napatingin ako kay Greyson. Mas dumilim yung mukha niya, galit siya at iba yun sa itsura niya sa tuwing nag aaway kami.
♥️