(Grey's POV)
It was like cold water was poured on me when I saw Hana upstairs with those girls. Bakit siya nandoon? Kahapon lang at kanina sa school ng makita ko siyang may kasamang lalake na hindi ko alam kung bf ba niya. And now she's here with the prize girls.
Hindi ko maalis sa sistema ko yung nararamdaman ko. Wala na dapat akong pake kung ano pa siya o kung sino ba talaga siya but I'm damn affected.
I got into the car when the race started. I took a deep breath to get rid of my feelings. I need to focus.
Mabilis kong pinatakbo yung sasakyan ko nang makita ko yung signal. I feel like I have to win this race.
I won the first set in the first round. I also won the second round. For the last round I had to beat Craig to win the race. Alam ko mahirap talunin si Craig bihira lang siya matalo sa race.
Pagka signal ay pinaandar ko ng mabilis yung sasakyan ko. Alam kong hindi magpapatalo ngayon si Craig. The winner will be the first to choose the prize. I notice the way he looks at Hana so for sure he's going to choose Hana if he wins. Tangina talaga bakit ba apektadong apektado ako sa monkey na yun.
Tumingin ako sa sasakyan niya. Halos sabay lang kami. Malapit na kami sa finish line ng paandarin ko pa ng mas mabilis yung kotse. Pero ganun din ang ginawa niya. Hanggang sa mauna siya ng ilang segundo sakin. Napahampas na lang ako sa manibela matapos ang laban. I am usually not affected if I lose. Okay lang sakin yun. But now i felt different. Lumabas na ko ng kotse. Binati ko si Craig. Pinilit kong ngumiti kahit mabigat yung pakiramdam ko.
"Take home your prize!" The organizer said. Umakyat kami ni Craig sa taas. Hindi ko nacontrol yung sarili ko ng makita ko si Hana kaya nilapitan ko siya.
"Why the fvck are you here!" Hinawakan ko siya sa braso. Natigilan ako ng magsalita si Craig.
"I won, I'll be the first to choose!" Tumingin siya kay Hana. "I'll choose the president." Hinawakan niya si Hana sa bewang.
"You're mine tonight!" He whispered to Hana.
Mahina lang yung pagkakasabi niya pero malinaw kong narinig. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Kahapon pa ko nakakaramdam ng ganito mula ng makita ko si Hana kasama ng ibang lalake at hanggang ngayon ay hindi na yun nawala.
What did this woman do to me and I feel like I'm losing my mind now.
(Hana's POV)
"Craig saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Nag alala ako bigla na baka kung saan nya ko dalhin, kahit gwapo siya at siya ang favorite kong member ng Oh4 ayoko din naman sumama sa kanya. Palabas na kami mula sa establishment.
Ngumiti siya. "You're my prize. I usually bring my prize to the hotel. But I'll let you choose. I'll take you anywhere you want?"
"Eh kasi hindi ko alam na ganito, sumama lang ako sa friend ko kaya ako nandito! Wala akong idea na gagawin kaming prize sa mananalong racer." Paliwanag ko sa kanya.
"Yeah I know, obvious sa itsura mong walang alam sa ganito." Ngumiti siya. "Just stay with me until sunrise, then I'll take you home!" Binuksan nya yung pinto ng kotse nya. Sumakay ako sa loob.
"I'm hungry, samahan mo na lang ako kumain!" Sabi niya pagsakay niya sa kotse niya. Nakita ko yung paglabas ni Greyson sa establishment kasama ang isang babae bago kami umalis ni Craig. Tumingin sya sa sasakyan namin pagdaan sa harapan niya.
"Are you and Grey really going to get married?" Tanong niya.
"I'm not decided yet?" Sagot ko.
"Oh so there's a plan talaga? I thought nagti-trip lang si Grey eh." Tumawa siya.
"Yun kasi yung gusto ng magulang namin."
"Arranged marriage?"
"Ganun na nga!" Sagot ko.
Pagkaraan ng ilang minuto nang huminto si Craig sa isang resto.
Hindi ko alam kung anong kakainin ko dahil hindi naman ako nagugutom. Pinilit niyang kumain ako para may kasama daw siya kaya hinayaan ko na lang siya umorder ng para sakin.
"You really look like her!" Nakatitig siya sakin.
"Ha sino?" Nagtataka kong tanong.
"My special someone, nasa States na siya ngayon. Same kayo na palaban, kahit kanino hindi nagpapatalo." Ngumiti siya.
"GF mo?" Tanong ko.
"My childhood friend. Hindi naging kami kasi she's into someone." Biglang lumamlam yung mata niya. Parang may tinatago siyang kirot sa puso niya. Hindi ko alam na may ganito siyang side. Parati kasi siyang nakangiti at mukha siyang masayahin kaya parang hindi ako sanay na nakikita syang ganun.
"Kung hindi naging kayo baka hindi lang talaga kayo. Maybe, you belong to someone else. " Nginitian ko siya.
"Yeah I think so. Baka nasa harap ko lang pala yung para sakin." Tumitig siya sakin. Feeling ko uminit yung pisngi ko. Nag blush ako.
Ilang minuto kaming nag stay sa restaurant. Panay ang kuwentuhan namin habang kumakain. Umalis na kami pagkaraan ng ilang minuto.
May tinetext siya sa cellphone niya pagsakay namin sa kotse niya.
"Do you want to come with me pa or I'll take you home na?" Tanong niya. Feeling ko gusto ko pa siya kasama kaya sumama pa din ako sa kanya.
Huminto kami sa isang bar.
"Wear this." Binigay nya sakin yung jacket niya bago kami pumasok sa loob ng bar. Sinuot ko naman yun dahil parang masyadong revealing yung suot kong spaghetti strap croptop, mababa yung neckline nun kaya medyo kita yung cleavage ko.
Hawak niya yung kamay ko pagpasok namin sa loob, may nilapitan kaming isang table. Si Greyson agad yung una kong nakita. Nakatingin siya sa kamay namin ni Craig na magkahawak tsaka siya tumingin sakin. Ganun pa din yung mga tingin niya kagaya kanina, matalim. Lumagok siya ng alak at panay ang hithit niya ng sigarilyo. Katabi niya yung babaeng kasama niyang lumabas sa establishment kanina.
Nagpalakpakan si Lucas at Axel pagkakita samin na parang nang aasar.
"Bakit ngayon lang kayo? Akala namin nag eenjoy na kayo eh kaya hindi kayo pupunta." Sabi ni Lucas mapanukso yung mga tingin niya samin ni Craig.
"Nakailang round kayo ni pres!" Panunukso ni Axel.
Inirapan ko siya. Umupo kami sa tapat nila Greyson. Katapat ko siya. Iniwasan ko ng tumingin sa kanya pag upo ko.
"Wala naman talaga ko planong pumunta pa dito. Ang kukulit nyo, text kayo ng text. Istorbo kayo!" Nairitang sabi ni Craig.
"Si Greyson yung nangungulit na itext kita ha." Sabi ni Lucas.
"Diba may gig tayo. Pano yung piano walang ibang tutugtog dun." Napatingin ako kay Greyson ng sabihin niya yun. May pagbabago na sa mood niya.
"Pwede namang wala yun eh!" Nilagyan ni Craig ng alak yung isang baso at binigay sakin.
"Ano yan?" Tanong ko
"Whiskey!" Inabot niya yun sakin.
"Huwag na yan ang inumin mo diyan ka nga nalasing last time eh." Nagsalin ng alak si Greyson sa isang baso, nilagyan niya ng lime at salt yung palibot ng rime at inabot sakin. "Ladies drink yan, Margarita. Mild lang!"
Ininom ko yung inabot ni Greyson. Mas masarap nga yun. Lasang lime juice na medyo may pait pero nawawala din kapag sinamahan ng salt.
"Masarap nga!" Sabi ko sa kanya. Nginitian ko siya pero umiwas siya agad ng tingin sakin.
"Timplahan mo din ako nun!" Narinig kong sabi ng babaeng katabi niya. Agad naman siyang nagsalin ng alak sa baso at inabot sa babae.
"Pigaan mo na lang ng lime tapos lagyan mo ng salt sa rime." Nilapit sa kanya ni Greyson yung lime at salt.
Pansin kong nakasimangot yung babae habang nagpipiga ng lime.
Tinawag ng dj yung pangalan ng group nila. Magpeperform sila. Nabingi ako sa hiyawan ng mga babae pagkatawag ng pangalan nila. Tumayo sila at pumunta sa stage. Naka set up na dun yung instruments nila. Halos mabingi ako ng magsimula na silang tumugtog at kumanta. Slow rock naman ang tugtugin nila pero dahil sinabayan yun ng mga naghihiyawan ay grabe ang sakit sa ulo at tenga halos hindi ko na marinig yung boses ni Greyson na kumakanta. Tatlong rock songs ang kinanta nila, yung panghuli ay pop song kaya medyo magaan na sa pakiramdam.
(Song title: Mahika, by Adie)
Giliw 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapa-amin mo amin mo
Giliw nagpapahiwatig na sa'yo
Ang damdamin kong
Napagtanto na gusto kita
Gusto kita
Gusto kita
Gusto kita
Gusto kita
Ano'ng salamangkang meron ka (gusto kita gusto kita)
Binabalot ka ng mahika (gusto kita gusto kita)
Ano'ng salamangkang meron ka (gusto kita gusto kita)
Ako'y nabihag mo na....
♥️