Tinawag na kami ng kasambahay nila Mom para sa dinner kaya pumunta na kaming tatlo sa dining room.
"Grey finally, you've made up your mind. Salamat naman..... Yung magpakasal kay Hana ang pinakamagandang desisyon na ginawa mo. At last may desisyon ka din na natuwa ako. Masaya kami ng Dad nyo." Halata sa mukha nila na masaya sa desisyon ko.
I feel also happy that they're happy. I feel at ease. Parating sama ng loob ang binibigay ko sa kanila kaya pakiramdam ko napakagaan ng loob ko ngayon.
"How's your studies?" Dad asked.
"Ahm okay lang po!" Sagot ko. Nasa 4th year na ko sa dentistry course. 6 years course yun. Dalawang taon na lang ang bubunuin ko. Kahit naman puro kalokohan ang ginagawa ko hindi ako nagpapabaya sa pag aaral ko. Alam ko hindi sila naniniwala dun. Ang tingin nila sakin ay puro katarantaduhan lang ang ginagawa. Hindi ko naman sila masisisi dahil ganun ang nakikita nila.
"Ah Kiel where's Desiree? bakit hindi mo kasama dito." Mom asked
"She's with Dahlia. Sinamahan niya sa mall may bibilhin daw. Importante siguro. Susunduin ko po sila after this." Kiel replied.
"Okay! Wait, 5 months na kayong kasal wala pa ba kong ieexpect na apo?" Mom asked.
Kiel shook his head "We're trying po!"
"Grey, the next time we have family dinner, take Hana with you okay." Dad said.
"I don't know if I can do that. Hindi pa siya pumapayag sa kasal."
"Suyuin mo!" Kiel said.
"Ligawan mo!" Alex said.
"No way!" Agad kong sabi. Kahit kailan hindi ko pa nasubukang manligaw ng babae. At hinding hindi ko yun gagawin lalo sa unggoy na yun. Pakakasalan ko na nga liligawan ko pa. Sineswerte na siya masyado.
"Paano papayag na magpakasal sayo kung hindi mo lalambingin." Alex said.
"Kung ikaw kaya ang magpakasal. Ikaw ang panganay satin dapat ikaw ang mauuna." Sinamaan ako ng tingin ni Alex.
Kiel chuckled. "Yeah, Right!"
"Grey yung buhay mo yung ayusin mo. Huwag mo pakealaman yung Kuya Alex mo!" Mom protested.
"Kasi naman yung mga nagugustuhan mong babae kung hindi jowa ng tropa mo, jowa ng kapatid mo. Parati ka tuloy broken hearted!" Mahina kong sabi sa kanya. Gusto ko lang syang asarin. Sinipa niya yung paa ko. Sinipa din ako ni Kiel. Nasa gitna nila kong dalawa kaya siguro narinig din niya.
Hindi na ko nagsalita pa at tinapos na ang pagkain ko.
Pagkatapos magdinner, umalis na agad si Kiel. Ilang minuto lang ng magpaalam na din ako sa parents ko. Papasakay na ko sa kotse ko sa garahe ng makita ko yung Tatay ni Hana.
"Magandang gabi po!" Bati ko sa kanya. Nagmano din ako. Ngumiti siya sakin at binati din ako tsaka ako pumasok sa kotse. Bakit ba pakiramdam ko kailangan kong magmukhang mabait sa harap niya. Nainis na naman ako na affected na naman ako sa unggoy na yun.
Inistart ko na yung kotse at pinaandar.
May nadaanan akong lugar na pamilyar sakin. Yun yung way papunta kina Hana. Naalala ko na naman ng ihatid ko sila ng pamilya niya sa bahay nila kagabi dahil sa kalasingan niya. Binuhat ko pa siya at hiniga sa kama niya. Hay bakit ba naisip ko na naman siya.
Habang nagmamaneho napatingin ako sa sidewalk. Nakita ko siyang naglalakad. May kasama siyang lalake.
Sino yun? Bf ba niya yun? May bf siya? Bakit may bf siya?
Fvck ano bang pake ko kung may syota siya?!
Isang beses ko pa siya sinulyapan tsaka ko mabilis na pinaandar yung sasakyan.
(Hana's POV)
"Congrats Pres!" Sinamaan ko ng tingin si Tracy pagbalik ko sa SSG office. Mula sa campus kung saan nagpeperform yung Oh 4 hanggang sa pagbalik ko sa office ay ilang estudyanteng nasasalubong ko ang bumati sakin. Naka live sa f*******: ang performance ng oh4 kung saan sinabi ni Greyson na soon to be wife niya ko kaya madaling kumalat ang balita.
"Bakit ka galit. Dapat nga masaya ka. Mapapangasawa mo si Greyson Lorenzo at pinangalandakan pa niya yun sa buong mundo. Nakakakilig kaya." Parang kinikiliti sa kilig na sabi ni Tracy.
"Bakit hindi namin alam na kayo pala ni Grey... Grabe ka pres.. Secret affair ba yun?" Sabi naman ni Maggie na Vice president.
"Kailan lang nung nagtrending yung pananapak mo sa kanya eh. Yun mo pala secret jowa mo. Ano bang trip nyong dalawa?!" Sabi ni Tracy.
"Hindi kami magjowa. Hindi naman kami magpapakasal pinagti-tripan lang niya ko." Dahil sa nangyari buo na talaga ang pasya kong huwag magpakasal sa kanya. Siguro nga pinagti-tripan niya ko. Hindi ko alam kung anong nasa isip ng gagung yun, alam kong gagantihan niya ko kaya hanggat maaari ay iiwas na ko sa kanya.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag. Naririnig ko yung sunod sunod na pagtunog nun. Nang tignan ko yung f*******: ko ay halos sumabog ang cellphone ko sa dami ng notification ko. May mga nagmemention sakin sa live video ng Oh 4. May mga nagpo-post din sa timeline ko. Maging sa i********: at iba pang socmed account ko ay ganun din. May mga nagme-message sa messenger na bumabati sakin pero karamihan ay mga babaeng nagagalit sakin dahil ako ang pakakasalan ni Greyson.
Last time na nangyari ang ganun ay nung magtrending din ang video namin na sinipa at sinuntok ko siya sa mukha at ngayon ay naulit na naman.
In-off ko na lang yung cellphone ko dahil parang sasabog na yun sa mga notifications ko. Nag ayos na ko ng gamit at inayos ang sarili ko. Susunduin ako ni Gio. Friend at classmate ko siya nung high school. May kakaiba na kong feelings sa kanya noon hindi ko lang sineryoso dahil high school pa lang kami. Sa college sa magkaibang school kami nag aral kaya nagkahiwalay kami. Pero 2 months ago ng nagtagpo uli ang landas namin sa batch reunion namin nung high school. Nagkausap kami at nagtuloy tuloy yung communication namin hanggang sa nagconfess siya na gusto niya ko. Gusto ko din siya kaya iniisip ko ng sagutin siya. Ngayon pakiramdam ko parang napipigilan ako at siguro ay dahil sa kasal.
Habang naglalakad nakita ko si Greyson kasama si Samantha, yung dating Ms. Lateneo. May ilang beses ko na silang nakikitang magkasama kaya malamang gf niya yun. May gf siya tapos in-announce nyang magpapakasal siya, ano kayang feeling ng gf niya ngayon? Siguro balewala lang sa kanya yun. Tingin ko kay Greyson ay sanay na sanay ng manakit ng babae. Mas lalong sumidhi ang desisyon ko ngayon na huwag siyang pakasalan.
Diretso na kong naglakad hanggang sa main gate ng School. Napawi ang inis ko ng makita ko si Gio na naghihintay sa gate. Ngumiti siya ng makita ako.
"Han!" Ngumiti siya paglapit ko sa kanya. "Is it true?" Tanong niya. Biglang nagbago ang mood niya. Alam kong yung trending video ang tinutukoy niya.
"Yung kasal? Ofcourse not!" Nginitian ko siya. "Let's go na." Niyaya ko na siyang umalis. Birthday ng isa naming kaibigan nung high school na si Raine, doon kami dumiretso. May motor siya kaya umangkas ako sa kanya at umalis.
May ilang oras kaming nag stay doon dahil nagkasiyahan at nagkuwentuhan pa kami kasama ng iba pa naming kaklase at kaibigan noon. Uminom din sila ng alak pero hindi na ko uminom ayoko ng maranasan yung kagabi na nalasing ako at sumuka. Pag uwi, hinatid ako ni Gio hanggang sa bahay namin. Malapit lang ang bahay namin kina Raine kaya naglakad na lang kami. Nakainom din si Gio kaya hindi ko na pinagamit sa kanya yung motor niya. Iniwan na lang niya yun sa bahay nila Raine. Pagkahatid niya sakin sa bahay namin nagtaxi na lang siya pauwi sa bahay nila.
Kinabukasan, paglabas ko ng bahay ng saktong dumating si Gio. Kinuha daw niya yung motor niya kina Raine kaya dumaan siya sa bahay. Ihahatid daw muna niya ko sa School bago siya pumasok sa school niya. Sinamaan ako ng tingin ni Mama ng magpaalam ako sa kanyang papasok na. Naalala kong kagabi ng pagalitan niya ko dahil hinatid ako ni Gio. Baka raw magalit si Greyson kapag nalaman niyang may naghahatid saking ibang lalake sa bahay. Malamang naman kahit malaman niya walang pakealam yun. Palabas lang naman niya yung sinabi niyang magpapakasal kaming dalawa. Sumama pa din ako kay Gio kahit tutol doon si Mama.
Hinatid ako ni Gio hanggang sa gate ng school. Bumaba na ko sa motor niya pagdating namin dun.
Hinubad niya yung suot kong helmet at hinaplos yung buhok kong nagulo dahil sa helmet.
"Take care! Sunduin uli kita mamaya". Ngumiti siya.
"Okay, ingat ka din!" Ngumiti din ako. Agad nawala yung ngiti ko ng may bumusinang kotse sa likod. Pamilyar sakin yung kotse. Bumukas yung bintana ng kotse at nagsalita yung taong nandoon.
"Guard paalisin nyo nga yung mga nakaharang sa daanan. Hindi ako makadaan eh!" Tumingin samin si Greyson pagkasabi nya nun sa guard.
Hindi naman kami masyadong nakaharang sa gate at pwede pa rin siya dumaan. Napakaluwag ng kalsada. Alam kong sinasadya niya lang yan para mang asar.
Nagpaalam na sakin si Gio. Bago siya umalis ay napansin ko yung matalim na tinginan nila ni Greyson. Pumasok na ko sa gate pagkaalis ni Gio. Nagulat ako ng patakbuhin ng mabilis ni Greyson ang kotse niya papunta sa parking. Alam naman niyang bawal magpatakbo ng mabilis sa loob. Napaka pasaway talaga ng siraulong yun.
Binabati ako ng mga estudyanteng nadadaanan ko habang naglalakad sa campus.
'Congrats pres!'
'Engaged na pala kayo ni Greyson'
'Bagay kayo pres'
'kailan ang kasal nyo?'
Sasagutin ko sana yung huling tanong na narinig ko ng may umakbay sa balikat ko, si Greyson.
"Thank you!" Nakangiti niyang sabi sa mga bumabati habang nakaakbay siya sakin at naglalakad kami sa campus.
"Anong thank you!?" Agad kong sabi sa kanya. "Hindi tayo magpapakasal." Hinawi ko yung kamay niya sa balikat ko.
"Hey monkey, ano namang feeling mo, gusto kong magpakasal sayo?! Napipilitan lang ako dahil yun yung gusto ng magulang ko."
"Kaya huwag na tayong magpakasal. Bawiin mo na yung announcement mo kahapon."
"Hindi ko na yun mababawi. Sundin na lang natin yung gusto ng magulang natin para matuwa din sila. Pwede naman din tayo maghiwalay eh madali lang yun. Sa ngayon sumunod na lang muna tayo." Sabi niya.
May mga nasalubong kaming kumpulan ng mga estudyante na binati kami, panay naman ang ngiti at pasasalamat ni Greyson sa kanila.
Hinatid nya ko hanggang sa classroom ko. Nagtilian pa yung mga kaklase ko pagkakita samin ni Greyson na magkasama. Umalis na siya pagpasok ko sa loob ng classroom. Bigla ako nakaramdam ng kakaiba na parang ang sarap sa pakiramdam.
♥️