(Hana's POV)
Nakahawak sa palapulsuhan ko si Greyson habang papunta kami sa condo unit niya. Huminto kami sa tapat ng isang pinto. Yun na siguro yung unit niya. Inenter niya yung passcode. Ngumiti siya sakin bago niya buksan yung pinto. Ibang iba na yung mood niya ngayon kumpara kanina sa racing hanggang sa bar. Maaliwalas ang mukha niya, mukha siyang masaya.
Napansin ko agad yung maayos at malinis niyang condo pagpasok namin. Inayos niya yung isang throw pillow na nasa couch na wala sa ayos.
"Pasensya ka na magulo yung condo ko!"
"Ha? Malinis nga eh." Napangiti siya sa sinabi ko.
Pinaupo niya ko sa couch.
"What do you want? Do you like something to eat or drink? Nagugutom ka ba? O gusto mo humiga na sa kama."
"Gusto ko na lang magpahinga. 3am na!" Tumingin ako sa oras. Grabe na yung antok ko.
"Ah okay, wait!" Pumasok siya sa kwarto. May ilang minuto siya dun. Siguro inaayos niya. Ilan na kayang babae ang nadala niya sa condo niya. Paglabas niya sa kwarto ay may bitbit siyang paper bag. Parang mga damit yung laman nun. Pinasok niya yun sa trash bin.
"Come to my room!" Tinawag niya ko "Make yourself comf'table!"
Malinis yung kwarto pagpasok ko. Mukhang bagong palit yung cover ng bed at mga unan. May napansin akong parang sandals ng babae na nakausli sa ilalim ng kama. Agad niya yun sinipa papunta sa ilalim. Napakamot siya ng ulo niya.
"Gusto mo ba magpalit ng damit?" Lumapit siya sa closet niya. May kinuha siyang white shirt. Inabot niya yun sakin.
"Yan lang ang mapapahiram ko sayo. Hindi ka naman pwde magbrief o boxer short!" Tumawa siya. Natawa din ako.
Lumabas na sya ng kwarto. Napatingin ako sa study table na nasa gilid. Katabi ng study table yung 4 layer bookshelf. Karamihan sa libro ay about dental. May mga dental materials at instruments din na nakapatong sa study table. Naalala kong dentistry ang course niya. Binuklat ko yung isang libro. Clinical science for dentistry. May nakaipit na notebook sa libro at may ballpen. Binuklat ko yung notebook halos half na ng notebook yung may sulat. Nag aaral talaga siya. Hindi ko maimagine na nag aaral siya. Parang malayo sa pagkatao ng Greyson na kilala ko. Sabagay don't judge the book by it's cover nga. Siguro marami pa siyang personality na hindi ko pa alam.
Sa top ng bookshelf ay mga picture frame. Sa isang picture frame ay may dalawang batang lalake at may baby sa gitna nila. Alam ko may dalawa siyang Kuya, kaya malamang silang tatlo yun nung bata. Nasabi sakin ni Tatay na isang taon lang pagitan ng dalawang Kuya niya at si Greyson ay limang taon ang pagitan dun sa sinundan niyang Kuya. Nakuwento din sakin ni Tatay na tumira sila sa States, bata pa lang si Greyson ng magpunta sila doon. At noong bumalik sila sa Pilipinas nasa highschool na si Greyson. Kaya siguro may pagka liberated din ang attitude niya dahil naadapt niya yun sa ibang bansa. Tinignan ko pa yung ibang picture frame. Sa isang picture frame ay picture nilang tatlong magkakapatid na malalaki na sila. Tingin ko close din silang magkakapatid. Sa isang picture frame ay family photo nila. Mukhang wedding yun ng isa niyang Kuya sa simbahan kasama sa picture yung wife. Naalala ko yung sinabi ni Tatay na ilang buwan na ang nakakaraan nang magpakasal yung isa niyang Kuya.
Nilibot ko pa yung paningin sa paligid. Natigilan ako sa tapat ng pinto nang parang bubukas yun. Bumukas yun. Bumungad si Greyson na bagong ligo. Nakatapis pa siya ng tuwalya. Hindi ko napigilan yung mga mata kong tignan yung katawan nya. Kanina lang ng makita ko sa video sa f*******: yung abs niya. Ngayon ay nakikita ko na yun ng malapitan. Napatingin ako sa mukha niya nakangiti siya.
Umiwas na ko ng tingin sa kanya. Bumalik ako sa pwesto ko kanina sa gilid ng kama.
"Okay lang kahit titigan mo pa ko." Sabi niya pagtalikod ko sa kanya.
Feeling ko nagba blush ako. Bigla ako nailang. Mabuti na lang tumunog yung cellphone ko sa bag kaya naiba ang ihip ng hangin. Tumatawag si Gio. Sinagot ko yun.
"Hey Hana, where are you? Nakwento sakin Raine yung gimik nyo kanina. Nasan ka? Sabi niya sumama ka daw sa isang member ng Oh4"
"Ha oo. Eh nandito ako sa ano sa..." Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko. Kahit hindi pa kami ni Gio officially mag on. Ilang beses na kaming nag date. Malamang nararamdaman din niyang gusto ko siya. Yung sagot ko na lang yung kulang para maging officially kami na talaga.
"Why are you still awake? Akala ko magpapahinga ka na!" Napatingin ako kay Greyson na umupo sa kama. May suot na siyang boxer short. Nagpupunas siya ng towel sa basang buhok.
"Sino yun?" Tanong ni Gio. Narinig niya yung boses ni Greyson.
"Nasa labas kasi ako ng bahay. Yung kapitbahay namin yun. Sige lowbat na kasi yung phone ko icha-charge ko muna." Inoff ko na yung tawag.
"Who's that?" Tanong niya.
Hindi ko siya sinagot.
"Bf mo?"
"Hindi."
"So ano mo.. fubu?" Sarkastiko siyang tumawa.
"Grabe ka!" Sinamaan ko siya ng tingin. Matalim din yung tingin niya. Bumalik na naman yung kaninang itsura niya.
Sinandal niya yung likod niya sa headboard ng kama.
"Dito ka ba matutulog?" Agad kong tanong sa kanya.
"This is my bed."
"Ah so sa labas na lang ako matutulog, sa couch." Akala ko dito niya ko patutulugin at siya naman ay sa couch. Well aasa pa ba ko na gentleman siya. Bumalik na naman ang inis ko sa kanya.
"You sleep here. Let's sleep together. I wanna sleep beside you."
"Ano?" Nabigla ako sa sinabi niya.
"Why? Isn't that your purpose for joining as a prize girl? To sleep next to the racer." Sarkastiko siyang ngumiti. "Wait, have you done it with Craig? I'm sure may nangyari sa inyo kanina." Mas lalo syang nandilim.
"Ano bang pinagsasasabi mo. Wala kaming ginawa ha. Tsaka fyi kaya ako nandoon kanina dahil sinama ako ng friend ko akala ko magba-bar lang kami dahil sabi niya night out. Hindi ko alam na doon kami pupunta at gagawin pala kaming papremyo sa racing na yun."
Hindi siya nagsalita pero pansin kong medyo nabawasan ang pandidilim niya. Nagagalit ba siya dahil nandoon ako. Bakit naman siya magagalit ng dahil dun?! Ano bang pake niya dun. Humawak siya sa batok niya parang nag iisip siya.
"Sa labas na lang ako matutulog!" Kinuha ko yung bag ko. Palapit na ko sa pinto ng magsalita siya.
"No. Dito ka na, ako na lang dun!" Naglakad siya papunta sa pinto hanggang sa lumabas na siya. Grabe ang weird niya. Bakit kaya parang iba siya ngayon. Parang mas okay pa yung dati na pasaway siya at nag aaway kami, mas madaling intindihin yung takbo ng utak niya kaysa ngayon.
Hinubad ko yung pantaas ko at sinuot yung binigay niyang damit. Medyo mahaba yung tshirt. Parang naka oversized tshirt lang ako. Hinubad ko na din yung skirt ko, pati yung bra ko hinubad ko para komportable ako. Sasampa na sana ko sa kama ng magbukas yung pinto. Parang humahangos pa si Greyson na pumasok sa loob.
"Tangina may ipis sa labas."
"Ipis?"
"Oo. Hindi ako makakatulog dun. Dito na lang ako." Pumwesto siya ng higa sa kama.
"Ano ka ba para ipis lang eh."
"Eh takot nga ako sa ipis. Kung gusto mo ikaw na lang ang matulog sa couch."
"Ano bang itsura ng ipis. Lumilipad ba?" Tanong ko.
"Oo. Dumapo nga sa buhok ko eh. Nataranta ko kaya pumasok ako dito."
Okay lang sana kung gumagapang lang yung ipis pero kung lumilipad takot din ako dun.
"Takot ako sa ipis na lumilipad. Ikaw na humiga dun. Napaka angas mo para sa ipis lang takot ka." Sabi ko. Gusto kong matawa.
"Dito ako matutulog. Kung ayaw mo ko katabi doon ka sa couch. Paggising mo puro kagat ka na ng ipis." Tumawa siya.
"Pwede naman tayo magtabi eh. Maluwag naman tong kama. Wala naman akong gagawin sayo hindi nga kita type eh " Tumagilid siya ng higa sa kama.
Tinignan ko siya habang nakahiga ng patagilid. Nakapikit na siya. Mag aalas kwatro na rin naman hindi na lang siguro ako matutulog. Hihintayin ko na lang mag umaga tapos aalis na ko. Umupo ako sa kama at sinandal ang likod ko sa headboard. Napatingin ako kay Greyson, hindi na siya gumagalaw. Tulog na siguro. Malamang napagod siya. Naalala ko yung napanood kong video nila kahapon na nag ayos siya ng sasakyan. Tapos nag car racing siya. Uminom siya ng alak at kumanta pa siya. Kaya malamang nga napagod siya.
Inaantok na ko pero kailangan ko yun labanan. Kahit naman mukha talagang walang interes sa'kin si Greyson, ayoko pa rin magtiwala sa kanya.
♥️