Habang naghihintay ng oras bigla kong naalala yung kumakanta siya sa bar. Panay yung sulyap niya sakin habang kinakanta yung huling kanta nila na parang sakin niya sinasabi yun. Naalala ko din yung panay na tingin niya habang katapat ko siya sa table sa bar. Agad ko na yun inalis sa isip ko. Nag aassume lang siguro ako. Gaya nga ng sabi niya, hindi nya ko type. Yung katabi niyang babae kanina maganda siya at sexy. Walang wala ako dun. Maganda din naman ako pero kung ikukumpara dun napakalayo ng ganda niya sakin. Naalala ko si Samantha na napaka ganda din. Kaya imposible talagang magkagusto siya sakin. Kinuha ko yung cellphone ko sa bag. Nagfacebook na lang ako. Halos sumabog na naman ang f*******: ko sa notification ko. Ang dami palang nagreact at nagcomment dun sa kinoment ko kanina sa