Hindi ako pamilyar sa kantang kinakanta ni Greyson pero gusto ko kung paano niya yun kantahin. Hindi ko mapigilan mapatitig sa kanya habang kumakanta siya. Malapit ang pwesto ng table namin sa stage kaya nakikita ko yung mga mata niyang panay ang sulyap sakin. Gusto ko mag assume na para sa akin ang kinakanta niya pero alam ko namang hindi. Napakalabo naman na gusto niya ko. Pakiramdam ko nga ay sagad hanggang buto ang inis niya sakin. Habang kumakanta siya, may babaeng umakyat sa stage. Nagulat ako ng halikan niya sa lips si Greyson. Halos mabingi na naman ako sa hiyawan at tawanan sa loob. Parang wala lang kay Greyson yun siguro sanay na sanay na siya sa ganun.
Bumalik na sila sa table matapos ng huling kanta. Pinunasan ng babaeng ka-table ni Greyson yung lips nya ng tissue. Iniwas ko na lang ang paningin sa kanila.
Mahigit isang oras ang nakalipas may mga tama na sa alak ang mga kasama ko. Pansin kong nagiging clingy na si Craig. Yung akbay niya ng kamay sa balikat ko may kasama ng haplos. Kinakapitan din niya ko bewang at may halong haplos din yun. Hinahawi ko na lang yung kamay niya.
Pansin kong madalas bigyan ni Greyson ng alak si Craig kaya mas lalo tuloy siyang nalalasing. Ilang baso na rin ang nainom ko pero dahil mild lang naman yun hindi naman ako nakakaramdam ng pagkalasing na kagaya nung uminom ako last time. May konting hilo lang ako na nararamdaman.
Napapansin ko yung babaeng katabi ni Greyson na panay ang lingkis sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng makita kong hinaplos ng babae yung nakaumbok sa gitna ng pantalon niya tapos hinalikan siya sa leeg. Tumingin at ngumiti si Greyson sa babae tsaka uli binaling yung paningin sakin. Kanina ko pa napapansin na panay ang sulyap niya sakin. Napatingin uli ako sa kamay ng babae sa pantalon niya. Bigla niyang hinawi yung kamay ng babae. Nahiya siguro siya sakin.
Binaling ko na lang yung paningin ko sa iba. Si Axel at yung babaeng katabi nya yung nakita ko. Naghahalikan sila. Nakahawak pa si Axel sa dibdib ng babae. Plano ba nilang magsex sa harap namin?!
Kay Lucas naman ako napatingin, tumayo na sila ng katabi niyang babae at nagpaalam ng aalis samin.
Napatingin ako kay Craig na nakasubsob na ang mukha sa table mukhang tulog na. Ginising ko siya. Binangon niya yung ulo niya pero bumagsak uli sa table.
"Wala na yan bagsak na yan madali yan malasing eh!" Sabi ni Axel.
"Iuwi mo na yan bro." Nakatingin si Axel kay Greyson.
Nagpaalam ng umalis si Axel. Si Greyson naman lumapit kay Craig. Kinapitan niya si Craig sa balikat at inakay para makalakad.
"Just follow us!" Tumingin siya sakin.
"How about me?" Tanong ng babaeng kasama niya.
"Ahh just go home!" Sagot ni Greyson.
Napatingin ako sa babae. Bigla siyang namula. Mukhang nagalit. Magsasalita pa sana siya pero dire diretso ng naglakad si Greyson akay si Craig. Sumunod ako sa kanila.
Sinakay niya si Craig sa backseat ng kotse niya. Ako naman sa harapan niya pinasakay.
"Saan na tayo ngayon?" Tanong ko kay Grey pag andar niya ng sasakyan.
"Ihahatid ko lang siya sa condo niya." Sagot niya.
"And then?" Tanong ko pa.
Hindi niya ko sinagot.
"Pwede naman ako magtaxi na pauwi. Sana pala hindi na ko sumunod sa inyo." Nainis akong ngayon ko lang yun naisip.
"Delikado magtaxi ng ganitong oras. Tapos ganyan pa ang suot mo!" Tumingin siya sa suot ko. Kanina ko pa hinubad yung jacket ni Craig dahil nainitan na ko.
"Kung hindi mo kasi nilasing si Craig, kanina pa niya ko hinatid sa bahay!" Nairita kong sabi.
Tumingin siya sakin.
"I didn't know you were like that! I'm surprised" Pasarkastiko siyang ngumiti.
"Like what?"
"You made yourself a prize. What the fvck!" Bumalik uli yung kaninang matalim niyang tingin sakin. Alam kong ganun yung iisipin niya. Kung kanina kay Craig ay inexplain ko kung bakit ako nandoon, pero kay Greyson pakiramdam ko ay wala akong pake kung ano pang isipin niya sakin.
Pumikit na lang ako dahil nakaramdam ako ng hilo. Hindi na rin nagsalita pa si Grey.
Ilang minuto lang ng pumasok kami sa isang condo. Sumunod ako sa kanila pagkababa sa kotse. 7th floor ang pinindot ni Greyson sa elevator. Pagdating dun, may inenter siyang passcode sa pinto. Bumukas yung pinto.
"Mabuti alam mo yung passcode niya." Sabi kong nakasunod pa rin sa kanila sa loob ng unit.
"Madali kasi siyang malasing kapag nag iinuman kami. Everytime nalalasing siya inuuwi ko lang siya dito."
"Alam mo palang madali syang malasing tapos panay ang bigay mo ng alak sa kanya." Nairita kong sabi.
Tumingin siya sakin at ngumiti. Hindi ko na lang pinansin yung nakakaloko niyang ngiti.
Pinasok niya si Craig sa loob ng kwarto at hiniga sa kama. Tulog na tulog pa rin siya. Narinig kong may tinatawag syang pangalan. Carrie.
"Sino yung Carrie?" Bigla akong nacurious.
"Yung friend niyang nasa States!" Sagot ni Grey. Naalala ko yung kinuwento niya kanina na childhood friend niya na special sa kanya. Siya siguro.
Lumabas na kami ng unit ni Craig.
"Ihahatid mo ba ko sa bahay!" Tanong ko. "Okay lang kung hindi, pwede naman ako umuwi mag isa. Yung babaeng prize mo kanina pinauwi mo na."
"She's not the prize I want." Tumingin siya sakin.
Pumasok kami sa elevator. Pinindot niya yung 9th floor.
"Why 9th floor?" Tanong ko. Expect ko kasi lalabas na kami ng condo.
"My unit is there!"
Tumunog yung elevator nasa 9th floor na kami. Lumabas kami ng elevator.
"Unit mo? Uuwi ka na. Pano ko? Uuwi na lang din ako." Tumalikod ako at akmang babalik sa elevator.
"No, you will come with me." Hinawakan nya ko sa braso.
"Ano? Ayoko. Magpapasundo na lang ako kay tatay!" Kinuha ko yung cellphone ko sa bag. Saktong tumatawag si Mama. May sinasabi si Greyson pero hindi ko na siya inintindi. Ayokong sumama sa kanya sa unit niya.
"Ma. Si tatay, pasabi po pasundo ako." Agad kong sabi pagkasagot ko ng phone.
"Nasan ka ba?" Tanong ni Mama.
"Saang lugar to?" Baling ko kay Greyson. Kinuha niya sakin yung cellphone.
"Hello po Tita, si Greyson po to magkasama kami ni Hana."
Hindi ko naririnig yung sinasabi ni Mama sa kabilang line. Pero may kutob ako sa mangyayari.
"Opo tita.. bukas ko po siya ihahatid... Thank you po!" Nakangiti niyang binalik sakin yung cellphone ko.
"Ano yun?"
"Tuwang tuwa yung Mama mo na magkasama tayo kahit huwag na daw kita iuwi sa inyo dahil magpapakasal naman din daw tayo... So let's go!" Hinawakan niya ko sa braso at hinila sa unit niya.
Hays sabi ko na nga ba ganun ang magiging reaction ni Mama eh.
"Greyson!" Sambit ko. Pinigilan ko yung paghila niya sakin.
"Hey monkey ano bang iniisip mo? Na may gagawin ako sayo. Huwag kang feeling. Hindi kita type."
Natigilan ako sa sinabi niya. Sa inis niya sakin at sa dami ng babae niya malamang wala talaga siya interest sakin. Gumaan ang loob ko kaya sumama na ko sa kanya.
♥️