"Ayan na yung husband to be mo." Napatingin ako sa entrance door ng canteen ng marinig ko yung sinabi ni Abi. Paparating yung Oh4. Pumwesto sila sa isang table katabi ng table ng varsity players ng basketball. Lumapit at tumabi si Greyson kay Abel na star player ng basketball. Last saturday yung huling nakita ko sya nung hinatid niya ko sa bahay. Nagdecide akong magpakasal na sa kanya at alam na yun ng mga magulang namin. Yung Mommy ni Greyson ang nag aayos ng kasal namin. Nagdecide kaming civil lang at simple lang, hindi naman kailangang engrande pa yun. "Trip lang niya yung announcement na ikakasal kami. Hindi talaga kami ikakasal. Wala yun." Sabi ko kay Abi. Nagdecide kasi ako na isekreto na lang yun. Para saan pa kung ipagsasabi ko yun. Maghihiwalay din naman kami. Pumayag naman