CHAPTER 2: Disaster

1180 Words
"Natuwa kami ng malaman naming ikaw ang anak na parating kinukuwento ni Naldo. Parati ka niyang kinukuwento samin kaya nagka interes kami sayo. Nung mapanood namin yung video mas lalong tumindi yung eagerness namin na maging manugang ka. Ikaw ang kailangan namin para sa anak namin" Hinawakan ng babae yung kamay ko. Hindi man niya diretsang sabihin nase-sense ko na kaya nila gustong mapangasawa ko yung anak nila dahil tingin nila ay mapapatino ko yung gagung yun. At papano kung hindi ko magawa, habambuhay magiging miserable ang buhay ko sa lalakeng yun. Gusto kong mainis sa dalawang kaharap ko, sila yung magulang kaya responsibilidad nila yun. Pero nakikita ko sa kanila yung pagiging desperado at hopeless, mukha naman silang mabubuting magulang siguro wala na silang choice kaya nila to ginawa. Feeling ko sila yung tipo na gagawin ang lahat mapabuti lang ang lagay ng anak nila. Napatingin ako sa magulang ko dahil ganun din sila sakin. Gusto nilang maging maganda ang buhay ko. May dumating na babae at lalake. Mukhang kakilala sila ng mag asawa kaya napunta doon ang focus nila. Si Mama at tatay naman ay seryosong naguusap. Umalis ako sa kinauupuan ko. Naglakad lakad ako sa labas para magpahangin. Pagkaraan ng ilang minuto ay pumasok na ko sa loob ng resto, umupo ako sa bar counter. Ayoko muna bumalik sa table namin. Napatingin ako doon wala pa si Greyson, malamang hindi niya matanggap na ako yung mapapangasawa niya kaya wala siyang planong pumunta. Umorder ako ng alak. "Kuya bigyan mo ko yung pinakamatapang na alak." Sabi ko sa barista. Tumingin siya sakin maya maya ay may inabot na isang baso ng alak. Tinikman ko yun napakatapang ng lasa hindi ko alam kung anong klaseng alak yun. Hindi ko na yun ininda. Dire diretso ko yun ininom. Umorder uli ako nang maubos yun. "Nakikita mo yung dalawang mag asawa dun. Sila yung magbabayad nito!" Sabi ko sa barista pagkaabot niya sakin ng pangalawang baso ng alak. Dire diretso ko uli yun ininom. Naiisip ko yung mga pangyayari. Si Greyson na gagung member ng Oh 4 band ang lalakeng gustong ipakasal sakin ng magulang ko. Ang Oh 4 band. Mula ng magtransfer sa Lateneo yung apat na member ng grupo na yun ay parati ng magulo ang sitwasyon sa school. Nagtransfer yung apat matapos nilang makick out sa dati nilang school dahil sa mga kalokohan nila. Naiinis ako sa management ng university namin dahil pinayagan nila yung apat na makaenroll at lumipat samin. Bilang president ng SSG ay prinopose ko sa management ang pagpapaalis sa kanila. Masyado kasing magulo. Ginagawa lang nila kung ano yung gustuhin nila. Nagpeperform sila sa school para sa content nila sa socmed at youtube. Yun yung dahilan kaya sumikat sila. Ganun ang gawain nila sa dati nilang school at ngayon ay ginagawa din nila sa eskwelahan namin. Ang problema ay nagkakagulo yung mga kababaihan sa tuwing nagpeperform sila at ako ang binabalikan ng management. Sa kasamaang palad ay nadeny lang yung petition ko sa pagpapatalsik sa kanila. Dahil nadeny ang petition ko, nagpadala ako ng notice sa apat na bawal sila magperform sa kahit saang parte sa school pero patuloy pa rin nilang ginagawa. Hindi nila pinapansin yung mga warning letter na pinapadala ko. Ang masama pa nun ay pinupunit yun ng gagung leader nila na si Greyson at patuloy pa rin sila sa pagpeperform sa eskwelahan. Sa sobrang pagkadesperada ko na tumigil sila ay dumating nga sa point na hindi ko nakontrol ang sarili kong lumaban. Napatingin ako sa mga baso ng alak sa counter. Hindi ko namalayan na marami na pala kong nainom na alak. Umiikot na yung paningin ko. Pakiramdam ko masusuka ako. Tumayo ako para pumunta sa CR, papunta pa lang ako ng mapansin ko yung pagdating ni Greyson. Pumunta siya, ibig sabihin ba gusto niya magpakasal. Susuray suray akong lumapit sa kanya na papalapit sa table ng mga magulang namin. "Husssbaaaand!" Malakas akong sumigaw. Lumingon siya sakin. Bakas yung pagkagulat sa mukha niya habang papalapit ako sa kanya, nararamdaman ko ng lalabas yung suka ko. Nahihilo ako kaya hindi ko napigilan ang mapayakap sa kanya. At hindi ko na din napigilan yung kanina pang gustong lumabas sa bibig ko. Sumuka ako sa jacket niya. "Hana ano ba yan!" Narinig ko yung boses ni tatay. "Tay, siya yung mapapangasawa ko diba!" Tumawa ako ng malakas. "Yung lalakeng to ang mapapangasawa ko." Sinapo ko yung palad ko sa pagmumukha niya tsaka ko sumubsob sa leeg niya. Na out of balance ako ng hawiin niya ko kaya napaupo ako sa sahig. Lumapit sakin si tatay at pilit akong tinayo pero hindi ko na kayang itayo yung mga paa ko. Gusto ko na lang humiga. Naramdaman ko ng buhatin ako ni Tatay. Narinig ko si Mama na nagpaalam ng umalis sa mga magulang ni Greyson. "Bye parent in law." Paalam ko rin sa kanila habang karga ako ni tatay at humahagikgik. Kinabukasan, nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Sobrang sakit ng ulo ko. Gusto ko pa sanang umidlip pero naririnig ko yung ingay na nanggagaling sa kusina. "Ma bakit tinapa na naman ang ulam natin!" Reklamo ni Angelo. Katabi lang ng kwarto ko ang kusina kaya rinig na rinig ko ang mga ingay na nanggagaling dun. "Anong masama sa pag uulam ng tinapa masarap yan masustansiya sariwang isda yan eh." Sabi ni Mama. "Mag steak naman tayo. Gaya ng kinain natin kagabi sa restaurant, ang sarap." "Hayaan mo kapag napangasawa na ng ate mo yung anak ng mayamang amo ng Tatay nyo parati ng masarap ang uulamin mo." Kinikilig na sabi ni Mama. Naalala ko na naman yung pangyayari kagabi sa restaurant. Bumangon na ko ng kama dahil nawala na yung antok ko. Lumabas ako ng kwarto ng makaramdam ng gutom. Naalala ko na ilang beses akong sumuka kagabi. "Kumusta na pakiramdam mo nak. Masakit ba ulo mo?" Agad na tanong ni Mama pagkakita sakin. Umupo ako. "Opo!" Sagot kong panay ang masahe sa ulo ko. "Ano pong nangyari kagabi!" "Ayun dahil sa nagpakalasing ka at sinukahan mo si Greyson nagdecide yung Mama niya na i-set uli sa ibang araw yung dinner natin, baka nextweek." Bigla akong nawalan na ng gana sa kasal na yun. Kung nung una ay pinag iisipan ko pang magpakasal para sa pamilya ko pero mula kagabi na malaman kong si Greyson yun ay biglang gusto ko ng umayaw. "Parang mukha namang mabait si Greyson nak humingi sya ng pasensya samin ng tatay mo kahit wala naman siyang kasalanan, ikaw nga yung sumuka sa jacket niya eh. Nakatulog ka na kasi nun kaya hindi mo alam. Hinatid pa niya tayo hanggang dito sa bahay kasi nahirapan kaming kumuha ng taxi. Pinagamit ng Dad niya yung kotse nila. Tapos binuhat ka niya hanggang dito sa kwarto mo." Panay ang ngiti ni Mama habang nagkukwento. "Binuhat niya ko?" Bigla kong naisip yung kagabi. Naramdaman kong may bumuhat sakin mula sa sasakyan hanggang sa kwarto ko pero si tatay ang nasa isip ko nun. Inalis ko na yun sa isip ko. Malamang naman ay napilitan lang siyang gawin yung mga yun. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD