CHAPTER 1: Greyson Lorenzo

1344 Words
(Hana's POV) "Ma nilabhan mo ba tong jacket ang kati eh". Napalingon ako kay Tatay sa backseat ng taxi na panay ang kamot sa katawan. "Oo naman pagkabili ko niyan sa ukay ukay nilabhan ko agad pati itong dress ko at yung dress ni Hana." Sagot ni Mama. "Itong spiderman ko Ma nilabhan mo din?" Tanong ng sampung taong gulang kong kapatid na si Angelo. "Syempre pati yan!" Sagot ni Mama. "Bakit kasi ganyan pinasuot mo sa anak mo. Hindi naman children's party ang pupuntahan natin eh!" Protesta ni tatay sa suot ni Angelo. "Eh yan ang pinili niya eh!" Sagot ni Mama. "Tsaka burahin mo nga yang make up mo baka imbes na magustuhan ka ng mamanugangin mo matakot pa sayo pag nakita ka. Tanggalin mo na din yang guwantes mo hindi naman kailangan na may guwantes ka eh ang init init." Tumawa si tatay. Napatingin ako sa itsura ni Mama hindi ko din napigilan ang matawa. Nagpa makeup siya sa baklang kapitbahay namin kaya ang kinalabasan ay para siyang sasali sa gay contest. "Hay huwag mo na nga pakealaman yung ayos ko. Maganda naman eh. Diba nak ang ganda ng Mama mo. Mana ka sakin kaya maganda ka rin." Ako naman ang binalingan ni Mama. "Syempre Ma maganda ka." Tumawa ako. Dumiretso na ko ng tingin sa kalsada. Sa harap ako ng taxi nakaupo. Naririnig ko yung mga usapan ni Mama at Tatay sa likuran tungkol sa pananamit nila. Mabuti na lang maayos ayos yung napili ni Mama na dress ko. Spaghetti strap white dress na hanggang tuhod. White ang pinili ni Mama dahil daw ngayon ko makikilala yung pakakasalan ko. Tinignan ko yung oras sa cellphone ko. 6pm na. 7pm ang usapan ni Tatay at mga magulang ng lalake na family dinner namin. Biglang nagsink in sa isip ko na ngayon ko na siya makikilala. Curious ako kung sino siya. Ang sabi ni tatay ay sa Lateneo din siya nag aaral at kaedad ko. Bihira lang daw nya yun mapansin sa bahay ng amo niya dahil sa condo nakatira. May dalawang kuya daw yun at sila yung madalas makita ni tatay. Kahit kailan ay hindi pa daw niya nakakaharap yung bunsong anak simula ng magtrabaho siya dun ilang buwan na ang nakakaraan. Isang linggo na yung nakakaraan ng kausapin ako ni tatay tungkol sa kasal. Sabi niya nagustuhan daw ako ng mag asawang amo niya. Madalas kasi ako ibida ni Tatay sa mga amo niya. At ngayon gusto nilang mapangasawa ko yung anak nila. May ipinangako pa silang bahay at lupa at pera pakasalan ko lang yung anak nila. Gusto kong mainsulto dun dahil parang binibili nila ko. Hindi ko alam kung anong gustong mangyari nung mag asawang yun para ipakasal sakin yung anak nila. Anong sense nun?? Nasisiraan na ba ng ulo yung mga mayayaman na yun. Ang masama pa nun gusto nila na ikasal kami sa lalong madaling panahon. Hindi pa ko pumapayag sa kasal dahil gusto kong pag isipan mabuti. May isang parte sa isip ko na gusto kong tanggapin yung kasal para sa mga magulang ko. Ayoko na silang mahirapan pa sa buhay mula pa noon kitang kita ko kung paano sila naghirap mabuhay lang ako at nadagdagan pa yun ng dumating sa buhay namin si Angelo. Pagtitinapa ang negosyo ng mga magulang ko mula pagkabata ko ay yun na ang nakalakihan kong hanapbuhay nila pero ngayon sa dami ng gastusin namin ay suma-sideline na din ang tatay sa pagiging driver. Mabuti na lang scholar ako sa Lateneo kaya discounted ang tuition fee ko magmula nung 1st hanggang ngayon na nasa 4th year na ko. Education ang course ko. Graduating na ko, kaya isa din sa pinag aalala ko ay baka makaapekto yung pag aasawa ko sa pag aaral ko. May parte din sa isip ko na ayoko yun tanggapin. Ayoko pang mag asawa at lalong hindi ako mag aasawa ng kung sino sino lang. I believe in true love kaya yung true love ko yung gusto kong pakasalan. 22 pa lang ako, it's not the right age para mag asawa. Marami pa kong pangarap at gustong gawin sa buhay ko. "Anak napag isipan mo na ba mabuti?" Napalingon ako kay Mama ng magsalita siya. Matagal bago ako sumagot. "Hindi pa po Ma." Napatingin naman ako kay tatay ng magsalita siya. "Hindi ka naman namin pipilitin ng mama mo nak kung ayaw mo talaga. Ang akin lang mababait yung mag asawang amo ko. Maganda ang pamilya nila. Kaya sigurado mabait din yung lalakeng anak nila. Alam mo naman na hangad din namin ng Mama mo yung mapapabuti ang buhay mo." "Alam mo Nak kaya nagtyaga din kami ng Tatay mo na pag aralin ka sa La Teneo kahit mahal ang tuition fee, bukod sa maganda ang education system dun eh mga mayayaman ang mga nag aaral. Gusto namin na doon ka makahanap ng mapapangasawa mo. At siguro ito na yung pagkakataon na yun." Ngumiti si Mama. "Kapag nakagraduate na ko Ma at nakahanap ng trabaho mapapayaman ko yung sarili ko hindi ko kailangan ng mayamang asawa." Sabi ko kahit alam ko naman na kahit ilang taon akong magtrabaho imposibleng mapayaman ko yung sarili ko. Siguro mabubuhay ko yung sarili ko pero yung mapayaman ay napaka imposible. Mas lalo ko tuloy naiisip na pumayag na sa inaalok na kasal sakin kapalit ng magandang buhay para sa pamilya ko. "Nasayo ang desisyon anak. Kaya nga tayo makikipagmeet ngayon sa kanila para makilala mo siya ng mabuti at makapag desisyon ka." "Tay ano po bang pangalan ng lalakeng yun?" Tanong ko. Ilang beses ko ng tinanong yun kay tatay pero parati niyang nakakalimutan. Napakamot ng ulo si tatay malamang hindi na naman nya maalala. "Basta Lorenzo ang apelyido nila." Sagot ni tatay. Lorenzo?? Familiar yung last name pero hindi ko matandaan kung kaninong apelyido yun. Malamang hindi lang din isang estudyante yung may ganung apelyido sa Lateneo. Naputol ang pag iisip ko ng makarating kami sa restaurant. May reserved na table para samin pero pagdating doon ay wala pa ang pamilya nila. Napatingin ako sa oras 6:30. Maaga pa. Ilang minuto ng may dumating na mag asawa. Sila na malamang yung magulang ng lalake. Nakipag shakehands si tatay sa dalawa tapos pinakilala niya si Mama, kinamayan din nila si Mama. Pinakilala nila si Angelo at ako yung panghuli. Hindi ko alam kung paano sila babatiin. Nagmano na lang ako sa kanila. "Good evening po Mam, Sir!" Bati ko sa kanila pagkatapos ko magmano. Nagulat ako ng yakapin ng babae. "Call me Tita... Ay no, Mommy!" Ngumiti siya. "Po?" Nasabi ko na lang. "We finally met you!" Sabi ng lalake. Ngumiti siya. Ngumiti na lang din ako. Magaan ang loob ko sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko tama yung sinabi ni Tatay na mababait yung mag asawang amo niya. "I know you're still thinking if you will agree to the marriage." Agad na sabi ng babae pagka upo nila. "We really like you. Unang kita ko pa lang sayo sa video I know you're the one para sa anak namin." "Video?!" Nagtataka kong tanong. Anong video ang pinagsasabi nito. May kinuha yung babae sa bag niya, yung cellphone niya. Maya maya ay nilapit niya sakin yun. May nagpe-play na video. Makikita sa video na nagpeperform yung isang sikat na grupo sa campus ng eskwelahan namin. Pamilyar sakin yung tagpong yun. Sa video makikita yung pagdating ko habang nagpeperform sila. Alam na alam ko yung eksenang yun. Maya maya ay makikita yung pagsipa ko sa mukha sa isang myembro, yung gagung si Greyson. Tumalsik pa siya at napaupo sa sahig. Tumawa yung babae matapos ang video. May isa pa siyang pinanood na video. Alam ko nung isang araw lang nangyari yun. Nagpeperform uli sila sa campus ng bigla akong dumating. Makikita sa video yung pagsuntok ko sa mukha ni Greyson. Tumawa uli yung babae matapos ang video. Hindi ko maintindihan kung bakit niya yun pinapanood sakin. Bigla akong nagkahinala. Pakiramdam ko nangatog yung tuhod ko. "That man you punched and kicked is our son." Napatingin ako sa lalake ng sabihin niya yun. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD