CHAPTER 3: The Announcement

1250 Words
Matapos ko kumain ay gumayak na ko para sa pagpasok ko sa school. Pagdating ko sa gate ng school ay naabutan ko na naman yung mga kababaihang nag aabang doon para sa pagdating ng Oh 4 band. Sobrang sikat din kasi ng grupo na yun sa social media dahil bukod sa magagaling silang tumugtog at kumanta ay hindi maikakaila ang kagwapuhan nila, sobrang lakas ng dating nilang apat, makalaglag panty ang appeal kaya maraming kababaihan ang baliw na baliw sa kanila. Halos mabingi ako sa tilian ng mga babae sa gate ng dumating yung apat. Natigil ako sa paglalakad at tumayo sa gilid ng gate habang dumadaan sila. Sinabihan ko yung guard na isara agad yung gate dahil magpupumilit yung mga babae na pumasok sa loob. Karamihan sa kanila ay nakasuot pa ng uniform ng ibang school. Dumadayo talaga sila samin para lang sa apat na yun. "Good morning Pres!" Napatingin ako ng batiin ako ng isang member nila, si Craig. Natuwa din naman ako na sa dami ng babaeng nandoon napansin at nakilala niya ko. Tingin ko sa kanilang apat ay siya ang pinakamatino. "Good morning!" Bati ko din sa kanya. Nginitian ko din siya. Nawala agad ang ngiti ko ng maghiyawan yung mga babae sa gate. Pagtingin ko ay nandoon si Greyson, nagpapapicture siya sa ibang babaeng nandoon. Nabablock na yung daanan sa gate kaya hindi makapasok yung mga estudyante. Lumapit ako sa kanya. Nagse-selfie siya sa isang phone kasama ang ilang babae. Habang papalapit sa kinatatayuan nya ay naalala kong siya yung gustong ipakasal sakin. Hindi ko maiwasan mapatitig sa kanya, nakangiti siya habang nagpipicture. Parang ngayon ko lang siya nakitang ngumiti madalas kasi kapag naeencounter ko ang grupo nila sambakol agad ang mukha niya. "Hey tama na yan." Hinablot ko sa kanya yung hawak niyang cellphone. Naririnig ko yung mga protesta ng mga babaeng kasama ni Greyson sa picture pero hindi ko na yun inintindi. Kinuha sakin ng isang babae yung cellphone. Sa kanya siguro yun. "Bawal kayo dito sa loob! Eskwelahan to please naman nakakaistorbo kayo dito" Tumingin ako sa guard. "Kuya pakisara na po yung gate." "Monkey!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. May ilang beses ko na yun naririnig sa kanya. "Yes mamah!" Mapait akong ngumiti sa kanya. Naalala ko yung nakita ko sa backstage ng auditorium last week, nagpunta ako doon para pigilan silang magperform. Pagpasok ko sa backstage ay nakita kong naghaharutan si Greyson at isang ka-member niyang si Axel. Parang nagbibiruan at may pinag aagawan sila noon na papel. Nakita kong nakayakap si Greyson sa likuran ni Axel dahil pilit niyang kinukuha yung papel. Ang sagwa nilang tignan sa pwestong yun kaya naisip ko silang picturan. Tapos inupload ko yun sa socmed syempre gumawa ako ng dummy account. Ginawan ko sila ng issue. Yung pursigido talaga kong mapatalsik din sila sa school namin kaya ko yun ginawa. Nagviral yung post ko na yun. Todo explain pa silang dalawa sa socmed. Ginamit ko yung issue na yun para gawan uli ng petition sa management na paalisin na sila sa school pero nabalewala din agad. Hanggang ngayon wala silang kaalam alam na ako yung may kagagawan nun. "Mamah!" Inulit ko yung sinabi ko. Mapang asar akong ngumiti sa kanya. Napansin kong namula at nandilim ang mukha niya. Galit siya. Nakaramdam bigla ako ng takot. "You know what? I know you're the one who posted the picture on f*******:, once I prove it, I'll make sure you get what you deserve. Remember that Ms President." Hinaplos niya yung buhok ko habang pasarkastikong nakangiti. "So akala mo natatakot ako sayo. Oo sige ako yung nagpost ng picture at pinalabas kong baklush ka. Anong gagawin mo ngayon? Ano?" Kahit gusto kong hinaan lang ang pananalita ay hindi ko na yun nakontrol. Feeling ko narinig yun ng mga babaeng nasa malapit samin. Mas lalong dumilim ang mukha niya. "Ako yung Presidente nyo dito kaya wala kang magagawa sakin!" Dagdag ko pa tsaka ako umalis na sa harap niya. Nagpupuyos ako sa galit habang naglalakad. Nilingon ko yung gagung Greyson na nakangiti habang kumakaway sa mga babaeng nasa labas ng gate. Hanggang sa talikuran na niya yung mga yun. Umalis na siya kasama yung tatlo pa niyang kamiyembro. Nakita ko yung masama niyang tingin sakin. Inalis ko na lang yung paningin sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Matapos ang klase ko ay dumiretso ako sa SSG office. "Hana nakita mo na to?" Tanong ni Tracy na secretary namin. "What's that?" Tanong ko. Kauupo ko pa lang ng mapatayo agad ako ng makita ko sa f*******: na nagla-live yung oh 4 band. Magpeperform na naman sila sa campus. Sinabihan ko na silang bawal yun dahil magkakagulo lang yung mga estudyante. Ako na naman yung malilintikan sa management nito. Agad akong lumabas ng office. Hindi ko rin kasi maintindihan yung management, nagpetition ako para mapatalsik yung apat pero dinedeny nila. Tapos kapag ganitong gumagawa sila ng kaguluhan ako naman ang babalikan nila. Trabaho ko raw na mapanatili yung kaayusan ng mga estudyante kaya responsibilidad ko yung apat na yun. Nakita ko yung kumpulan ng mga estudyante habang tumutugtog yung apat. Yung nakakabwisit na pagmumukha agad ni Greyson na singer-guitarist ang bumungad sakin. Tumingin siya sakin na parang nang aasar at dahil naasar ako ay hindi ko nakontrol ang inis ko sa kanila. "Stop!" Sigaw ko sa kanila. Tinignan lang ako ng apat. "Pres huwag ka na makealam, just get out of here!" Sabi ni Axel habang patuloy sa pagtugtog ng drums. Tumingin sakin yung isa pang guitarist na si Lucas. Si Craig ay tumingin din pero may halong ngiti yung tingin niya. "Itigil nyo na to bawal nga eh!" Hindi nila ko pinansin. Nagulat ako ng lumapit sakin si Greyson habang kumakanta, hinawakan niya yung isang kamay ko. Hinila niya ko hanggang sa gitna. Ano bang ginagawa ng pakshit na to!? Nagtitilian yung mga estudyante na parang kinikilig. Naririnig ko yung mga sinasabi ng ilan. "Ang swerte mo pres!" "Yiiieeeh kilig si Pres!" "Bagay kayo!" "Sana all president! (Uhaw song) Bakit uhaw sa'yong sayaw? Bakit ikaw? 'Di bibitaw, sa'yong sa'yo, laging ikaw Ako'y giniginaw, halika rito Dito ka lang sa tabi ko Mananatiling uhaw, uhaw, uhaw? Nakatitig siya sa mga mata ko habang kumakanta. Hindi na siya tumugtog ng gitara dahil hawak niya yung isa kong kamay, hinigpitan pa niya yung kapit dun. Maya maya ay binitawan niya yung kamay ko. Niyakap niya ko mula sa likuran ko. Pinulupot niya yung isa niyang braso sa bewang ko. Hinapit niya pa ko papadikit sa katawan niya habang patuloy pa rin sa pagkanta. ... (Hindi na mapakali Puso'y nagmamadaling lambingin at suyuin ka Oh, aking giliw, ako'y iyo Kahit pa matalisod, mapagod, at bumigay ang tuhod 'di ako hihinto. Ikaw aking dulo?) Alam ko namang nang aasar lang siya at naglalaro pero bakit ganito yung nararamdam ko. Naiinis ako na parang nagustuhan ko yung paghaplos niya sa kamay at bewang ko at yung pagdikit ng katawan ko sa katawan niya. Natapos na yung pagkanta nila pero parang hindi ko magawang kumilos. Gusto ko ng umalis sa kinatatayuan ko. "Guys. I would like to introduce my soon to be wife.. Hana Ramirez." Napatingin ako sa kanya matapos niya yun sabihin. Naririnig ko yung komosyon sa paligid pero wala na dun ang isip ko. Nakatitig siya sakin. Nakangiti siya. Bakit niya inannounce yun?! Pumayag na siya sa kasal. Alam kong nagpapanggap lang siya. Hindi ko alam kung anong nasa isip at pinaplano niya. Kung ano man yun alam kong hindi yun maganda. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD