Chapter 4//

2103 Words
Chapter four LANCE’S POV’S My sister went back to the Philippines last week. Kahit madaldal yun nakakamiss pa rin, pupunta dito si papa dahil kailangan niyang magpatingin sa mga magagaling na doctor dito. Sana hindi niya kasama yung step mother ko dahil kung isasama niya? Tsk. Uuwi ako ng Pinas agada gad. “ Dude, umuwi na ate mo? Saying naman hindi man lang ako nakapagconfess ng feelings sa kanya.” “ Wala kang pag asa doon.” “ Hindi mo kase ako nilalakad.” “ I’m dead serious, she doesn’t like you.” “ Awtch naman Lance.” Albert is my bestfriend here. “ How about you? Sino nanaman ba yung kasama mong babae kahapon?” “ Hahaha wala lang yun.” “ Pang ilan?” “ Twenty two?” “ You’re the man!” “ Hahaha.” I’m not a collecting stamp nor a two timer,  I’m just flirting with girls who flirted with me first. Isa isa lang naman hindi ko pinagsasabay hahaha. I’ve never been in love. Unlike my sister, she always talking about her first love and first boyfriend, nakakairita kung minsan, kaya nga hindi pa yun nag kakaasawa dahil umaasa pa rin na magkakabalikan sila ng ex boyfriend niya s***h! First love. “ Dude may sexy na babae na nakatitig sayo kanina pa.” “ Hayaan mo siyang lumapit.” “ Are you sure na siya ang lalapit sayo?” “ Twenty two out of twenty two girlfriend that I had, sila ang nanligaw sa akin.” “ Wow! You’re the man! Hahaha.” Im serious, wala akong niligawan dahil ang mga babae ang lumalapit sa akin, kapag nagsawa sila iniiwan din naman nila ako agad. Mabuti na lang wala pa ni isa ang nakakapasok sa matino kong puso hahaha, I mean hindi pa ako naiinlove talaga. At tama nga ang hinala ko, yung babae ng ana sinasabi ni Albert ang lumapit sa akin, She’s from Philippines I think? “ Hi? Pinoy kayo diba?” “ Oo.” Sagot ni Albert. “ And you?” “ Yeah.” Sa akin siya tumabi, maganda siya pero mukhang mas matanda ata kesa sa akin. Nakipagkwentuhan at inuman yung babae sa amin kahit hindi pa niya nalalaman ang mga pangalan namin. Ang nakakatawa pa, may lahing gagamba si ate hahaha yung kamay niya ang bilis gumapang sa may hita ko. Hinayaan ko na lang kase baka mapahiya, alam niyo naman gentleman dapat tayo. Nagkatitigan kaming dalawa ng maitaas niya yung kamay niya sa bandang ari ko, hindi ko siya type pero pwede na rin. Alam na ni Albert yung ibig sabihin ng titig ko sa kanya. “ Gotta go dude.” May katable din siyang babae. Hindi ata makapagpigil itong babae kaya nilalandi ako, mabait tayo kaya kailangan natin silang pagbigyan. May hotel malapit dito kaya doon kami pumunta, pero pagpasok pa lang namin sa loob ng hotel ay napahinto siya bigla. “ Johnny?” “ Maria?” “ Anong ginagaw amo dito ha!” “ Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” “ Ano bang pakealam mo! Sabi ko diba bantayan mo anak natin!” Putang ina may anak! At mukhang asawa niya itong nakita namin sa hotel, kailangan kong umarte na hindi kilala itong babae kung hindi mapapahiya ako. Lagot ako kay papa nito kapag nalaman niya. Dahan dahan akong naglakad palayo at naghanap ng matataguan, halata naman sa dalawa na magkaaway sila dahil pareho pa sila ng hotel na pinuntahan? Maglokohan kayo sige lang. Wrong timing bullshit! Muntik na ako doon, mabuti na lang hindi agad tumayo itong alaga ko kung hindi baka sa sasakyan pa lang natuklaw na yung babae. Malay ko ba kung may asawa o wala, pareho naman silang naglolokohan. Hays, makauwi na nga lang, baka madamay pa ako sa kalokohan nilang dalawa. ******* JAKE’S POV’S Hindi pa rin ako makapaniwalang ang magiging boss ko na ay ang ex girlfriend ko na si Ava. Iniisip ko palang noon nab aka matanggal ako sa trabaho pero ngayon parang gusto ko na magresign. “ May problema ba?” nilapitan ako ng asawa ko. “ Wala naman, napagod ako sa trabaho.” “ Magpahinga na tayo.” “ Hindi pa ako inaantok, mauna ka na susunod na ako.” Nasa labas ako ng pinto at nag iisip, paano na lang kaya kapag nagkita na kami ni Ava, hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. May asawa naman na ako. Kasal na ako at matagal ng hiwalay kay Ava pero bakit naiilang ako na makita siya? Siguro dahil sa nangyari noon sa amin, siya kase ang unang girlfriend ko, first love ba, ganito ba talaga yung sinasabi nilang first love never die? Hindi naman ako naniniwala doon noon kaso ng makita ko si Ava parang totoo ata yung kasabihang yun. Hindi ko naman masabi sa asawa ko an tungkol dito, baka kase kung ano ang isipin niya, alam ko ang ugali ng mga babae pagdating sa mga ex. Lalo pa at hindi ko mapigilan ang emosyon ko ngayon. Bahala na bukas kung anong mangyari, kailangan kong magtrabaho para sa amin ni Fhaida. [ Kinabukasan ] Pagpasok ko pa lang sa trabaho ay naaasiwa na ako, hindi ako mapakali dahil ano mang oras ay magkikita nanaman kami ni Ava. At hind inga ako nagkamali, kakarating lang din niya dito pero hindi niya ako napansin, derederetso siya sa paglalakad hanggang sa may elevator. Mabuti na lang hindi niya ako napansin, mas mabuti na rin ito. Kulang kami sa tao ngayon kaya naman inutusan ako ng mas mataas sa akin na tulungan ang iba sa may third floor. May sakit kase ang iba naming empleyado kaya kahit hindi namin trabaho ay kailangan namin silang tulungan. Kakatapos lang ng lunch at tumulong ako sa paglilinis ng mga hotel rooms. May tao naman sa front desk kaya ayos lang na dumito ako. Palabas pa lang ako sa nilinisan kong kwarto ay may naririnig akong boses ng babae na parang may kaaway. “ I said no! ano ba?” “ You’re single at ganun din ako, anong mal isa ginagawa natin.” “ Stop it, I don’t like you.” “ Oh common, hindi ka na bata Ava.” “ I said stop!” Papunta pa lang sana ako doon sa lugar kung saan naririnig ko yung ingay ay biglang nakasalubong ko si Ava kaya natigilan ako. “ Jake?” “ Ava!” sigaw ng lalaki at biglang nagtago si Ava sa likuran ko. “ Ava! Ano ba? Ikaw umalis ka dito.” “ No! He’s my boyfriend.” Pakilala sa akin ni Ava. “ Ano? Boyfriend mo itong staff mo? Nahihibang ka na ba? Ako ang may pera, mayaman kami, mas angat naman ako diyan pero paano nangyari yun na siya ang gusto mo kesa sa akin?” “ Leave us alone Jun!” “ Hindi pa tayo tapos.” Umalis agad yung lalaki na nagngangalang Jun. Nawala yung hiya ko kay Ava ngayon at napalitan ng pagtataka, sino yung lalaking yun? Mukha siyang mayaman. Teka? Bakit niya ako ipinakilala bilang boyfriend niya. Humarap ako kay Ava at tsaka lumayo ng kaunti. “ Kailangan ko na umalis.” “ Jake teka!” hinila niya ako para pahintuin na maglakad. “ Pwede ba tayo mag usap?” “ May trabaho pa kase ako.” “ Ako ang may ari nito, okay lang naman kahit huwag mo muna gawin mga gawain mo basta makausap lang kita.” Hindi ako nakaimik, ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin? “ Please?” “ Ano ang sasabihin mo?” “ Hindi ka ba masaya na nagkita tayo ulit?” nagtaka ako sa sinabi niya. “ Alam kong galit ka sa akin pero pinagsisihan ko talaga mga nagawa kong desisyon noon.” “ Yun lang ba ang sasabihin mo sa akin?” “ Nahihiya ako sayo ngayon, nagbakasakali lang naman ako na makita ka pero ang saya saya ko na dito ka pala nagtatrabaho.” Halata sa kanya ang pananabik pero hindi ko siya maaaring ientertain. “ Gusto ko magsorry sayo.” “ Ayos lang naman ako, hindi mo naman kailangan magsorry.” “ Hindi, kasalanan ko talaga kung bakit tayo naghiwalay.” “ Matagal na kase yun Ava, ilang taon na ang nakalipas.” “ Kahit na, hindi ka pa rin nawala sa isipan ko simula ng umalis ako ng bansa Jake, ikaw lang ang lalaking minahal ko ng sobra, wala akong nahanap na kagaya mo sa ibang bansa at simula ng pumunta ako doon ikaw lang ang nasa isip ko, dahil ikaw pa rin ang mahal ko.” Nagcoconfess siya ng feelings. Nakakailang dahil ngayon na nga lang kami nagkita tapos magcoconfess pa siya ng feelings sa akin, hindi ito pwede, may asawa ako. “ Jake?” tinawag niya ang pangalan ko dahil hindi ako nagsasalita, nahihiya talaga ako. “ May asawa na ako Ava.” Ang mga ngiti sa kanyang labi ay biglang nawala. “ Ma-may asawa ka na?” nagulat siya sa sinabi ko, alam kong hindi niya ito inaasahan. “ Oo, kasal na ako Ava.” “ Kelan pa? ba-bakit?” “ Matagal na akong kasal.” Hindi na siya nakapagsalitang muli, halata sa mga mata niya ang pagkadismaya, naluluha siya habang nakatitig sa akin. Ako ang nahiya dahil hindi ko naman gawain ang ganito, yung mamahiya ng babae lalo at si Aviana pa, pero may asawa na ako at kailangan niya itong malaman. Ayoko naman itanggi si Fhaida, napakabait ng asawa kong yun. “ Kasal ka na.” rinig kong banggit niya. “ Pasensya na pero kailangan ko na bumalik sa trabaho ko.” Iniwan ko siya doon at hindi pa rin siya kumikibo, napaisip ako sa sinabi niya kanina na ako pa rin ang mahal niya kahit noong nasa ibang bansa siya? Imposible yun, bakit ko ba inaalala ang mga sinabi niyang yun, may asawa na ako at kailangan ko magfocus sa pamilya na bubuuin namin ni Fhaida. Pagkabalik ko sa front desk ay siniko ako ng kasama ko. “ Bakit ba?” “ Si maam nakatingin sayo.” Napalingon ako sa tinutukoy niya, si Ava nakahinto sa may gilid at nakatitig sa akin. Halata sa kanyang mga mata ang lungkot, hindi ko naman sinasadyang maging malungkot siya, nagsabi lang naman ako ng totoo. “ May ginawa ka bang kalokohan ha? Bakit nakatitig dito si madam Ava?” “ Wala akong ginawang masama, bumalik ka nan ga lang sa trabaho mo.” “ Wala rin naman akong ginagawang masama, ikaw talaga ang tinititigan niya eh halata naman.” Hindi na ako muling umimik pa. Hindi dapat ako maguilty dahil nagsabi lang naman ako ng totoo, hindi ko naman pwedeng ideny si Fhaida bilang asawa ko. Umalis din lang si Ava kaya napabuntong hininga ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagconfess sayo ang ex mo pagkatapos niyong magbreak sa phone lang at hindi an nagkita personal. Gusto ko na lang mawala, magfocus sa trabaho ko, ayoko isipin ang tungkol sa nakaraan namin ni Ava dahil kailangan ko maging matatag para sa bubuuin naming pamilya ni Fhaida. Pag uwi ko hindi ko maiwasang isipin yung mga sinabi ni Ava, kaharap ko na ang asawa ko pero yung sinabi ni Ava kanina ang naaalala ko. “ Ilanga raw ka ng ganyan, hindi ka magsabi sa akin kung may problema ka ba sa trabaho o wala.” “ Wala naman akong problema sa trabaho.” “ Baka natanggal ka na hindi ka lang nagsasabi?” “ Wala namang tatanggalin kahit nagpalit kami ng boss.” “ Edi dapat magsaya ka, hindi ba matagal mo ng pinagdadasal na hindi ka matanggal sa trabaho? Ang hirap na kaseng mag apply sa ngayon ang daming fresh graduates.” “ Mas may experience naman ako kesa sa kanila.” “ Tama ka.” Sumandal sa balikat ko si Fhaida.. “ Sorry.” “ Hmm? Sorry saan?” “ Ah eh, pinag aalala kita.” “ Ano ka ba, gusto ko lang malaman kung ano iniisip mo, ayoko naman na mag isa ka lang lumulutas ng problema, asawa moa ko kaya magsabi ka lang.” “ Salamat mahal ko.” Napakabait niya sa akin, simula noon hanggang ngayon hindi nagbago ang pakikitungo niya, kaya naman hindi ko sisirain ang pangako ko sa kanya na bibigyan ko siya ng magandang buhay. Magsisikap talaga sa trabaho. Sana naman, hindi na ako madistract ng dahil sa ex girlfriend ko. Nailang lang ako dahil siya ang boss ko, siya ang may ari ng pinagtatrabahuan ko. Tapos kanina umamin pa siya na may feelings pa siya sa akin. Sinong hindi maiilang doon? Hays. Magfofocus  na talaga ako sa trabaho ko kahit na araw araw kaming nagkikita ni Ava.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD