Chapter 5//

2116 Words
Chapter five AVIANA’S POV’S Naninikip ang dibdib ko tuwing maaalala ko ang sinabi sa akin ni Jake. Kasal na siya? May pamilya na? Hinintay ko ang pagkakataon na ito, ang saya saya ko kanina dahil yung lalaking hinahanap ko ay dito rin pala nagtatrabaho sa kompanya namin. Kinapalan ko talaga ang mukha ko dahil ayaw kong palampasin ang pagkakataon na magsabi sa kanya ng totoong nararamdaman ko, nagsisisi kase ako noon sa nangyari sa aming relasyon. Wala kase akong magawa noon dahil wala pa akong kakayahan para maging independent. Natuwa pa ako dahil sa oras na kailangan ko siya ay bigla siyang nagpakita kaya naman sinabi ko kay Jun na si Jake ang boyfriend ko. Si Jun ay matagal ng nanliligaw sa akin, nakilala ko siya sa ibang bansa at hanggang dito ay sinundan niya ako, nagmamanage din siya ng family business nila at hindi ko akalain na malalaman niyang umuwi ako dito sa bansa. Ayoko kay Jun dahil mahal ko pa rin si Jake kahit na ilang taon na ang nakalipas, oo taon na pero hindi ko pa rin siya makalimutan Yung lalaki kanina matagal ko ng itinataboy at nirereject pero gusto pa rin niya akong ligawan kahit sabihin kong ayoko sa kanya. Ganyan ang mga lalaki sa akin, ang iba ay pera lang ang habol, ang iba naman katawan ko lang, si Jun naman ewan kung anong habol niya sa akin kahit makailang beses ko na siyang nirereject. Back to Jake. Mas lalo talaga akong nalungkot ng malaman kong may asawa na siya, hinintay ko siya tapos ganito ang mangyayari. Ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit kami nagkahiwalay, aminado ako doon pero bakit ganun? Hindi ba niya natatanggap mga sulat ko sa kanya? Pinapadalhan ko pa nga siya noon ng mga chocolate pero hindi man lang niya ako hinanap mask isa mga social media sites. Ngayon alam ko na ang sagot, dahil may iba na siyang niligawan kaya binalewala niya ako. Ang sakit nito sobra. Ako lang ang umasa. Karma ko bai to dahil iniwan ko siya? “ Miss isa pang alak.” Nandito ako sa isang club, mag isa ko lang na umiinom ng alak dahil gusto kong makalimutan yung sakit na naramdaman ko kanina ng umamin si Jake na may asawa na siya. Pero mas lalo akong nasasaktan ngayon. Umiiyak ako habang umiinom dito sa may counter ng club. “ Maam, nakarami na po kayo, baka gusto niyong tumawag na kami ng taxi para makauwi na po kayo.” “ No, give me my drink.” Pakiramdam ko hindi ko na kayang mag asawa, kay Jake lang ako sumaya ng todo at siya lang yung nagbigay ng lahat ng pangangailangan ko noon. Kahit hind financially alam niya kung ano ang mga kailangan ko, napakabait niya kaya ang swerte ng asawa niya. Ang swerte swerte talaga niya kay Jake. “ Bakit hindi ako ang pinili.” Banggit ko habang umiiyak. “ Bakit may iba na.” Tinawagan ko ang secretary ko para maiuwi ako sa bahay, nakatulog agada ko ng makarating ako sa kwarto ko. Pero pag gising ko, madaling araw pa lang tulala na ako. “ Ang sakit ng ulo ko s**t!” dagdag mo pa tong pagiging broken hearted ko. Gusto kong yakapin si Jake ngayon. Gusto ko akin lang siya. Pero anong gagawin ko? Ikinasal na siya, may asawa na. “ Madam Ava may bisita po kayo.” “ Sino?” “ Besty! Kamusta ka na!” “ Oh my God Jovi! I’m happy to see you again.” “ How are you? Bakit parang umiyak ka ata? Mugto mata mo?” “ No, napagod lang ako kagabi.” “ Aysus, kilala kita Ava, bakit ka umiyak? Tell me.” Jovi is a friend of mine, nagkita na kami sa new York dati and last month lang din siya umuwi dito sa bansa. Classmate ko siya noong college sa ibang bansa, as in best friend in hell kami mask isa mga kalokohan katuwang ko yan. “ Wala to.” “ Baka iniisip mo nanaman yung first love mo?” “ Hindi ah.” Bukambibig ko kase noon pa si Jake sa kanya, pero hindi pa niya nakikita si Jake. “ O baka naman may bago ka na tapos nabroken ka?” “ Hindi rin, none of the above.” “ Nako Ava, ayaw pa umamin, tayong dalawa na nga lang ang nandito sa kwarto.” Nahihiya ako, alam kase niya ang plano ko noon na makipagbalikan kay Jake. “ Wala to.” “ Tell me, nagkita na ba kayo ng first love mo?” wala akong mailihim dito sa kaibigan ko. “ Uy ano? Sumagot ka naman.” “ Yes.” “ Anong sabi? Nakipagbalikan ba siya sayo? Ano na? mahal ka pa ba niya? Grabe lang ilang taon na rin yun siya pa rin mahal mo, malamang magugulat yun.” “ Ako ang nagulat hindi siya.” “ Ha? Bakit?” “ May asawa na siya.” “ What? Oh my God, kaya ka siguro ganyan dahil nalaman mong may asawa na siya noh? Nako get up girl, marami pa diyang iba.” “ I love Jake, hindi ko kaya maghanap ng iba.” “ Obsess ka na sa kanya.” “ Maybe, nahihirapan akong makalimutan siya.” “ Try mo kaya.” “ Ginawa ko na noon diba? Kaso waley, hindi ko magawang magmahal ng iba, maraming nanliligaw sa akin pero si Jake lang talaga ang mahal ko.” “ Just move on girl, kaya mo yan.” Move on? Hindi ko kaya. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito tapos magmomove on lang ako? Hindi pwede, ayoko. Ayokong magpatalo lang kung kanikanino. “ Whats wrong? Ano inisip mo? Huwag mong sabihing may balak kang agawin si Jake sa asawa niya, nako Ava.” Naisip ko nay an kahapon pa, kung mahal talaga ako ni Jake siguradong ako ang pipiliin niya, kaya gusto kong malaman kung sino ba talaga ang totoo niyang mahal. Baka ginawa niya lang panakip butas yung babae para kalimutan ako. Hindi talaga ako mapakali, hindi rin ako papayag na maging talunan. “ Ang sakit kase Jovi.” “ Ava, ilang taon na simula ng naghiwalay kayo ni Jake, imagine doon ka nagcollege sa New York and then pareho na kayong hindi nag aaral siya pa rin ang mahal mo? Hindi mo ba naisip na mangyayari ito Ava?” “ Ang alin?” “ Na maghahanap ng iba si Jake after how many years, lalaki siya besty kaya imposibleng maging kagaya ka niya na naniniwala sa first love never die.” “ Pareho naman naming mahal ang isat isa noon.” “ Sa bibig mo na galing, noon pa yun Ava, wake up girl ang dami dami diyang lalaki na mas hihigit kay Jake, huwag ka na malungkot diyan, get up may pupuntahan tayo.” “ Ayoko.” Simula ng naghiwalay kami ni Jake wala na akong nahanap na lalaki na gusto ako hindi dahil sap era o sa katawan. Hindi ko talaga kayang magmove on. “ Anong ayaw mo? Don’t tell me papatol ka sa may asawa?” hindi ako nakaimik. Sigurado naman kase ako na mahal pa ako ni Jake, imposibleng hindi na, noong nagkita kami halatang naiilang siya sa akin. It means may nararamdaman pa siya para sa akin. “ Basta.” “ Ava, huwag kang gagaya sa iba na pumapatol sa may asawa, remember ikaw na ngayon ang acting CEO sa kompanya niyo.” “ Ano naman kung mataas ang posisyon ko?” hindi ko naman makuha ang lalaking gustong gusto ko, wala ring kwenta ang kayamanan ko. “ Hays, pinagsasabihan lang kita, basta magsabi ka lang sa akin kung anong problema mo, nandito lang ako okay?” “ Salamat.” Bakit ganito yung pakiramdam ko ngayon, gusto kong agawin si Jake sa asawa niya kaso hindi ko naman siya maagaw kung hindi niya ako gusto. Gagawa na lang ako ng kundisyon. Titigil ako kapag nalaman kong hindi na niya ako mahal at ayaw na niya sa akin, hindi niya yun masabi kahapon kaya nararamdaman ko na may pag asa pa ako sa kanya. Desperada na kung desperada, kahit taon na ang lumipas ay hindi nagbabago ang pagmamahal ko kay Jake lalo pa at yung hiwalayan namin ay biglaan lang. Pumasok ako sa trabaho para makita si Jake. Naghahalo ang masamang naiisip ko sa dapat ay tamang gawin ko sa buhay. Ano ba tong nangyayari sa akin? “ Kainis!” nasipa ko yung upuan sa harapan ko. Ang saya saya ko pa ng makauwi ako dahil akala ko ay wala pang girlfriend si Jake. Nangako kami sa isat isa noon na maghihintayan pero ako lang pala ang tumutupad ng pangakong yun. Naiiyak ako pero hindi pwede, ayoko talaga maging talunan. Naiinis ako dahil hindi ko makontrol ang sarili ko, ako lang naman pala ang naghihintay saw ala, samantalang siya nagpapakasaya na pala sa iba. Ang tagal ko siyang hinanap sa social media maski pagdating ko siya una kong pinahanap, sobrang sama talaga ng loob ko ngayon. Pagpasok ko sa hotel siya ang unang una na bumungad sa akin, malamang sa front desk siya nagtatrabaho. Hindi siya makatingin sa akin ng deretso. May meeting ako ngayon kaya hindi ko siya nakausap, mamaya na lang tayo mag uusap Jake, uunahin ko muna itong mga kameeting ko. Lahat sila nakatingin sa katawan ko. Kaso may isa dito na palagi akong binabara at halos pahiyain ako sa lahat ng mga kameeting namin, humihina na daw ang negosyo namin dahil nagkasakit si papa. Kaya nga nandito ako para ayusin lahat ng nangyari noon dahil hindi naasikaso ni papa ang negosyo namin. Kainis lang ayoko ng dinodown ako ng ganito. Nagmumukha akong kaawa awa, yan talaga ang pinaka ayaw ko sa lahat, ang pagmumukhain akong kawawa ay mahina. “ Hi Ava!” nandito nanaman si Jun. “ How’s your day? Kameeting mo daddy ko diba? I’m sure pinagtatanggol ka niya sa iba dahil magbestfriends ang mga parents natin right?” “ I don’t care, get lost.” Kung pwede lang kitang sampalin ngayon kanina ko pa ginawa, wala akong mapagbuntunan ng galit. Kulang pa kami sa staff ngayon at ang bagal nila maghired ng mga tao. Pumunta ako sa HR department para kausapin sila about sa paghihired ng ibang staff at pagbalik ko sa opisina ko ay may napansin akong room na bukas at nasa loob si Jake nag aayos ng kama. Nagdalawang isip ako na kausapin siya dahil naalala ko na may asawa siya. Kahit ganito ako alam ko naman ang tama kaso nga lang ang puso ko hindi ko mapigilan, si Jake lang talaga ang gusto nito. Pumasok ako sa kwarto kung saan nag aayos si Jake. “ Jake?” “ Maam, bakit nandito kayo?” “ Bakit nandito ka rin? Hindi ba sa front desk ka?” “ Kulang po tayo sa staff kaya ako na po ang gumagaw ang ibang gawain.” “ Ah ganun ba, tutulong ako.” “ Hindi na.” hinawakan niya ang kamay ko dahil gusto ko sanang abutin yung pillow case. “ Sorry.” “ Okay lang, parang hindi mo naman hinahawakan dati ang kamay ko, bakit naiilang ka diyan.” “ Ah eh, iba naman na kase tayo ngayon.” “ Wala namang nagbago sa akin Jake, ako pa rin ito, ikaw diyan ang parang nahihiya na makipag usap sa akin, hindi naman ako nangangain.” Hindi siya nakaimik. Pareho kaming nakatayo lang at hindi nagsasalita. Mukhang naghihintayan kami ng may magsalita. “ Ah eh—” “ Ano kase—” “ Sige, ikaw na muna magsalita.” “ Nako maam ikaw na.” “ Huwag mo na ako tawaging maam, Ava na lang please.” “ Hindi ko pwedeng gawin yun, ikaw pa rin ang boss ko.” “ Okay sige, kapag dalawa lang tayo huwag mo na ako tawaging maam.” “ Okay.” “ Ano pala yung sasabihin mo?” tanong ko sa kanya. “ Umm, lalabas na ako.” “ Yun lang?” “ Marami pa kase akon trabaho maam, este Ava.” “ Ganun ba.” Hindi siya makatingin sa akin ng deretso, bakit nauutal siya sa pagsasalita, umaasa talaga ako na may gusto pa rin siya sa akin. Nakaharang kase ako sa pinto kaya hindi siya makalabas kaya naman gumilid ako para makadaan siya. Iba yung ambiance talaga kapag kami lang ni Jake ang magkausap, walang istorbong iba. “ Teka sandal.” “ Bakit?” tanong niya sa akin. Nahihiya ako magtanong, kaasar naman nasa isip ko na yung tanong kulang na lang sabihin pero umaatras ang dila ko. “ Sasabay ako sayo.” Wala na, hindi ko na natanong sa kanya kung mahal pa niya ako. Kainis!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD