Chapter 3//

1124 Words
Chapter three JAKE’S POV’S Natatakot talaga ako na mawalan ng hanap buhay lalo pa at napakasipag ng asawa ko, nakakahiya na maging palamunin lang niya May edad na rin ako kaya napakahirap maghanap ng ibang mapapasukan kaso baka magtanggal na sila ng empleyado ngayon dahil nagkakaskait na nag may ari ng hotel at napabayaan na niya ito mga ilang buwan na Sana yung anak niyang papalit dito ay maawa sa amin, kahit na luhuran ko pa sya basta hwag lang ako mawalan ng ikabubuhay Pangarap ko rin kase magkaanak na Kaya gusto ko makapag ipon ayoko naman iasa sa asawa ko lahat, kapag mag aapply nanaman ako ng ibang trabaho panibagong gastusin nanaman Nandito nanaman ako sa hotel at ang balita ko mamaya daw ay ipapakilala na nila kung sino ang magpapatakbo nito Baka mamaya rin ay magsabi na sila na magtatanggalan sila sana naman hindi totoo yung balibalita sana rin ay mabait ang magiging boss namin “ Pre kinakabahan talaga ako mamaya” “ Ako rin naman baka magtanggal na sila” “ Ang hirap makahanap ng trabaho ngayon lalo pa pareho tayong may binubuhay na pamilya” Yung kaibigan ko sa trabaho pareho kaming nag aalala, yan si Allan matagal na kaming magkaibigan niyan at kilala rin sya ni Fhaida May isa pa akong kaibigan dito babae naman at yun ay si Regine kasama ko sila ni Allan dito sa front desk papalit palit lang kaming tatlo ng shift Kung minsan kasama ko si Allan minsan naman si Regine kaso nga lang si Regine ay hindi kaibigan ni Fhaida dahil may pagkamaldita ito medyo masungit Sana naman hindi mabawasan yung mga kasama ko sa front desk para naman may makausap pa ako at nakakaawa din sila kapag natanggal “ Hoy kayong dalawa pinapatawag na tayo dun sa lobby” Ayan na mukang imemeeting na kaming lahat dito, ilang araw din akong hindi makatulog dahil sa kakaisip sa trabaho ko Hindi pa bayad ang ibang mga utang namin kailangan pa ni Fhaida ng makakasama sa pagbabayad nito ako pa naman ang lalake Ayoko maging pabigat Matapos namin mag umagahan ni Allan ay dumiretso na kami sa may lobby, maaga pa naman at wala pang gaanong tao Lahat halos ng staff ng hotel ay naroon na mukang may ipapakilala ata silang bagong boss namin dahil lahat ay pinatawag Nasa likurang bahagi kami nakapwesto ni Allan yung mga nasa harapan mga manager at mga office staff ng hotel “ Okay making ang lahat, attention please!” yug manager namin ang nagsasalita pumunta sya sa harapan “ Hindi na makakapagpaalam sa atin si boss dahil nasa New York na sya at kakarating lang din ng kanyang anak na papalit ngayon bilang bago nating boss” Lahat ng mga kasama ko nagbubulong bulungan na “ Maya maya lang ay bababa na si madam” madam? Ibig sabihin babae nga Tama hinala nila babae ang papalit ibig sabihin tama rin ba ang chismis dito na magtatanggalan ng empleyado dahil nalulugi na ang hotel “ Ayan na pala si madam” nakatingin ang lahat sa labas Hindi ko makita yung itsura ng bago naming boss dahil matatangkad ang mga nasa harapang empleyado kaya hindi ko masyadong masilip “ Umabante nga tayo” reklamo ni Allan sa akin dahil gusto rin niyang makita ang bago naming boss Maski naman ako curious sa kanya kaya umabante kami paharap para makita ang mukha niya, kita ko lang naman dito ay ang mahabang buhok niya at ang kanyang suot na fit na fit kaya kitang kita ang hubog ng katawan niya “ Mukang bata pa si boss” “ Patingin naman ako” “ Meet miss Aviana Marquez ang panganay na anak ng CEO natin at sya ngayon ang mamamahala ng hotel “ pakilala sa kanya ni manager Teka? Aviana Marquez? Mas lalo akong lumapit sa harapan ng marinig ko ang kanyang pangalan Totoo ba tong nakikita ko? Si Ava ang magiging boss ko? “ Ava na lang for short” “ Yes madam Ava, oh ayan nakita niyo na ang sexy at maganda nating boss kaya mas lalo niyong pagbutihan ang trabaho niyo” “ Maam may tatanggalin po ba kayo sa amin?” buti may nagtanong niyan “ Sino naman may sabing may tatanggalin?” tanong naman ni Ava sa isang empleyado dito sa hotel “ Yun ang balita po dito maam dahil nalulugi na daw ang kompanya” “ Wala akong tatanggalin at isa pa hindi naman nalulugi ang hotel natin” Mukang nabunutan ng tinik ang mga kasama ko maski ako ganun din kaso nga lang may isa akong problema Si Ava na boss ko sya ang ex girlfriend at first love ko Nagtago ako ng kaunti dito sa likuran ni Allan upang hindi niya ako makita, bakit nakaramdam ako ng hiya ngayon Dapat hindi ganito ang mindset ko dahil may asawa naman na ako pero Si Ava kase sya ang babaeng pinangakuan ko ng kasal noon at makasama habang buhay kaso iniwan niya ako para mapaganda ang buhay niya at ngayon napaka successful na niyang babae Hindi ko akalain na itong hotel na pinagtatrabahuan ko ng ilang taon ay pagmamay ari pala ng ex girlfriend ko Nahihiya lang ako sa sarili ko dahil ganito lang ang narrating ko Hays ano ba tong naiisip ko, nabigla kase ako kay Ava ngayon hindi ko inaasahan na matapos ang ilang taong hiwalayan namin dito ko pa talaga sya makikita Hinabol ko sya noon kaso narealize ko para rin sa kapakanan niya yung gagawin niya kaya ang sabi ko noon sa sarili ko hihintayin ko syang makabalik kaso natagpuan ko si Fhaida kaya nawala na sa isip ko si Ava pero ngayon nakita ko syang muli Hindi ko alam bakit bigla akong nahiya “ Back to work na” utos ni Ava sa aming lahat Hindi ako nagpahalatang nagtatago binilisan ko na lang maglakad papunta sa may front desk kasama ko naman si Allan ngayon kaya ginagaw ako syang harang upang hindi ako mapansin ni Ava Umalis na si Ava mukang dederetso na sa opisina niya Nagkakasala na ang mga mata ko kakatitig sa kanya hindi ko rin kase maiwasan lalo pa at mas lalo syang gumanda ngayon Ibang iba na sya ngayon Sigurado naman ako na makikita at makikita niya ako lalo pa at nasa front desk ako, nabigla lang siguro ako kaya ganito ang pakiramdam ko ngayon “ May problema ba pare bakit parang namumutla ka?” “ Wala to” Kailangan ko lang gawin ngayon ay maging normal ang kilos kahit na sa tagal ng panahon kong nagtrabaho dito ay ngayon ko lang nakilala kung sino ba talaga ang tunay na nagmamay ari ng hotel na ito At kanila Ava pala ang hotel na to.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD