Hindi na muling nagsalita si Olivia. Natulala lang siya sa kama niya at nakatitig sa dingding habang si Kristoff ay nakaupo sa kama niya at nakatitig sa likuran ng dalaga.
'She is Senator Eduardo Villafuerte's daughter? Anong nangyari?' tanong niya sa kaniyang isipan.
He's too curious to stop thinking about what she said. Alam niyang hindi nagsisinungaling si Olivia. Sa maikling panahon, ay kilala na niya ang emosyon ng dalaga.
Maya-maya pa ay tumaas baba ang balikat ni Olivia at rinig ang mumunting hikbi nito. Hindi na napigilan ni Kristoff ang sarili at bumangon siya para silipin ang orasan.
Alas singko y media na ng magaling araw. Bumangon siya at kinuha ang wallet niya.
"Stand up," utos niya kay Olivia.
Tumigil sa paghikbi si Olivia. Akala niya ay tulog na ang Kapitan kaya hindi siya nagdalawang isip na umiyak. Pero tila nabato siya sa kinahihigaan ng narinig ang tinig nito.
"W-What?" nanghihinang sabi nito.
"Stand up, Olivia. Sumunod ka sa akin kung ayaw mong buhatin kita." sabi nito muli at tinuro ang pintuan.
Hindi na nakagalaw si Olivia dahil hindi siya hinintay na makatanggi ng binata at lumabas agad sa kanilang kuwarto.
Napahinga siya ng malalim at kinuha ang kaniyang jacket. Nakita niya ang malapad ba likuran nito, naghihintay sa elevator.
Nagtama ang tingin nila. Minuwestra ni Kristoff na tumabi ito sa kaniya. Sinara na ang pintuan ng elevator at tanging sila lang ang laman dahil halos lahat ay nagpapahinga sa oras na ito.
"Where are we going?" tanong ni Olivia.
"Coffee." sagot ni Kristoff.
Kumunot ang noo ni Olivia. Coffee? Sinilip niya si Kristoff na diretso ang tingin sa kawalan.
"You can grab your coffee. Bakit sinama mo pa ako?" tanong niya.
She's drained. Mas gugustuhin na lang ni Olivia ang mahiga kaya lumabas at makihalubilo sa iba. Ito na lang kasi muli ang pagkakataon na nanaginip siya ng ganito.
"Sa tingin mo, makakaalis ako doon nang umiiyak ka?" tanong ni Kristoff.
Bumukas ang elevator at diretso silang naglakad sa double doors. Sinalubong sila ng malamig na hangin. May ilang turista na ang gising pero tahimik pa din ang paligid.
Tumungo sila sa isang breakfast stall sa loob ng isang open restaurant.
"One Americano and one," Tumigil si Kristoff at tiningnan si Olivia. Kinagat ni Olivia ang labi niya dahil sa klase ng tingin na ibinibigay ni Kristoff sa kaniya.
"Uh... One hot choco na lang." She answered.
"Yeah. And one hot choco. Please give us pancakes with chocolate toppings. That's for take out." utos ni Kristoff sa babaeng nasa counter.
Ilang sandali ay nag-abot na ito ng paperbag. Tinanguan naman siya ni Kristoff. Sumunod siya hanggang napadpad sila sa dalampasigan.
Umupo si Kristoff sa buhangib kaya umupo na rin siya. Malamig ang simoy ng pang-umagang hangin. Unti-unti na ding lumiliwanag at tumataas ang tubig.
Kinuha niya ang hot choco at hinigop iyon dahil sa lamig. Nakasuot siya ng manipis na T-shirt, di gaya ni Kristoff na naka-hoodie.
"Are you cold?" tanong ni Kristoff nang mapansin ang sunud-sunod na paghigop nito sa kaniyang inumin.
"I can handle." sabi niya at tinitigan ang unti-unting papasikat na araw. Ngayon lamang nakakita noon si Olivia, simula ng nawala ang kaniyang ina.
Hinubad ni Kristoff ang hoodie niya, now exposing his black T-shirt. Iniabot niya iyon kay Olivia pero tinitigan lamang niya iyon at umiling.
"Stop. If you're only doing this because you pity me after what I said... Please, stop. Pity is the last thing I need." matapang na sagot ni Olivia.
She knew that she's being too vulnerable right now pero hindi niya mapigilan ang sarili. With Kristoff, she always opted to be honest. At hindi niya alam kung bakit.
Umigting ang panga ni Kristoff at pilit na sinuot ang jacket niya sa balikat ni Olivia.
"I am not pitying you. Do not insult me when I am trying to be a gentleman." preskong sagot nito at uminom na din sa kape.
Pareho silang natigilan. Ninanamnam ni Olivia ang init na nagmumula sa jacket at ang kakaibang bango nito na umaatake sa kaniyang ilong.
"Tch. 6:30 AM." bulong ni Kristoff habang binabasa ang kaniyang relo.
"Yeah. It's sunrise already." sagot ni Olivia at gumuhit ng mga hugis sa buhangin.
The sunrise's the combination of red, yellow and blue. Malaki iyon at sa dulo ng dagat nagmumula kaya naman kung titingnan iyon, para isang painting na napakaganda.
Hindi maitago ni Olivia ang pagkamangha. Napangisi si Kristoff dahil sa kainosentehang pinapakita noon. If the girl's always like this... Aakalain niyang mas bata pa ito sa edad niya.
"You like sunrise?" tanong ni Kristoff.
Hindi alam kung bakit mas gusto niyang magsalita na magsalita kahit hindi naman niya ugali.
Alam niyang sa sarili niya, ginagawa niya iyon dahil ayaw niyang maisip ni Olivia ang mga nangyari kanina. He likes her to be a cheeky, loud and brat this time.
"No... First time ko na lang ulit makakita. This feels new to me." sabi nito at agad na kinuha ang cellphone sa bulsa pero hindi makapa ito.
"Oh my gosh ..." bulalas niya ng ma-realize na naiwan niya ang phone niya sa kuwarto. Gusto pa naman niyang kuhanan ang posisyon ng araw ngayon.
Nangangambang pagbalik niya mula sa pagkuha niya sa cellphone ay ang siyang ganap na pagsikat nito.
"What's the problem?" tanong ni Kristoff at kunot noong pingmamasdan ang pagkapa nito sa bulsa niya.
Ngumuso si Olivia at nagkibit balikat.
"I just left my phone on our room. Gusto ko sanang kunan ng picture ang sunrise." sagot niya.
Tiningnan ni Kristoff ang araw. Tila nakukuha kung bakit malungkot iyon para kay Olivia. Ilang sandali na nga lang ay tuluyan nang sisikat iyon.
"You can use mine." Ssabi niya.
Halos maibuga ni Olivia ang kaniyang iniinom.
'Use his what?' Isip niya.
'Use his phone? He'll lend me his phone?'
Tila nagbubunyi ang kalooban niya doon.
"Your phone?" tanong niya para mas malinawan.
Tumango si Kristoff na parang normal iyon.
"Yup. It's in my hoodie's pocket. If you want to snap pictures you must do it right now." sabi ni Kristoff.
Kinuha niya ang cellphone ng binata. Nanginginig ang kamay niya hindi dahil sa gusto niyang nakakuha ng picture kundi dahil sa katotohanang mahahawakan at magagamit niya ang cellphone nito.
"Password?" tanong niya.
Kulay itim ang background nito. Masyadong plain para sa cellphone.
Umiling si Kristoff.
"Walang password." sagot nito.
Tama iyon. Walang password ang kaniyang cellphone. Tinapat ni Olivia iyon sa langit at kumuha ng pictures. Matapos iyon ay binisita niya ang gallery nito.
Walang laman iyon. Maliban sa mga kuha niya at sa isang picture doon ng tatlong bata. Dalawang lalaki iyon at sa gitna ay isang batang babae.
Napansin iyon ni Kristoff kaya tumikhim siya.
Nag-angat ng tingin si Olivia para mag-sorry pero inunahan siya ni Kristoff.
"That's me and my siblings." tukoy ni Kristoff sa larawang tinitingnan ni Olivia.
"Ang cute niyo pala ano?" tanong ni Olivia.
Umiling si Kristoff. Hindi niya inaaasahan na sasabihan siya nito ng cute.
"Close kayo?" tanong ni Olivia.
May kung anong kirot sa kaniyang dibdib. Dati ay pinangarap niya na maging ganito din sila ng mga tunay na kapatid niya.
"Yeah. But sometimes, 'di maiiwasang na mag-away over petty things. Lalo na si Felicity at Gregory. May pagka-isip bata kasi iyon." kuwento niya.
Hindi makapaniwala si Olivia sa pag-iiba ng hangin. Ito ang unang beses na ganito sila katagal nag-usap nang tungkol sa pamilya. She can say na talaga ng proud si Kristoff sa pamilya niya.
"Mukha ngang makulit si Greg. Based on what I remembered noong una ko siyang makita, he looked carefree. Ilang taon na ba si Greg?" tanong ko.
"Greg? Nickname basis kayo? Tss. Masyado kang curious sa isang iyon." ani Kristoff.
Nagtataka si Olivia sa sinabi ni Kristoff. Maigting ang panga nito at nakatitig sa dalampasigan.
"Oo. Iyon ang tawag sa kaniya ng mga tao, 'di ba? Saka nagtatanong lang naman ako." depensa niya.
Hindi sumagot si Kristoff. Umirap si Olivia sa ipagpapalit na naman nito ng emosyon.
"By the way, you should put a password on your phone. Hindi ba sundalo ka? And sometimes classified ang informations?" tanong ni Olivia.
"You really studied, huh?" tanong ni Kristoff pabalik, may multong ngiti sa labi. "Wala namang nakakahawak ng cellphone ko maliban sa akin." aniya.
"Wala lang. I just think for privacy on your phone. Kahit pa walang nakakahawak ng phone mo. If I were you, I don't want anyone to scan my phone that easy." pangaral ni Olivia.
"Then can you put one for me, then?" hamon ni Kristoff kay Olivia.
"Huh? Bakit ako? Come on, that's just on your settings." sabi ni Olivia at pumunta pa sa settings para ilahad iyon kay Kristoff.
Umiling si Kristoff at giniya ang cellphone kay Olivia. Umupo ulit ng maayos si Olivia sa ginawang iyon ng binata.
"I want you to choose my password." sabi ni Kristoff.
"Why me?" tanong ni Olivia.
"Just do it, brat. Gutom na ako. We will grab a decent breakfast after this." utos nito at nilaklak ang natitirang kape bago niyupi ang papercup nito.
Pumindot si Olivia ng numero na puwedeng passcode ng binata. Nilahad niya iyon sa kamay ni Kristoff pagkatapos.
"What's my password then, huh?" tanong nito sa mababa at tila mababang boses.
"M-My birthday." sabi ni Olivia.
Tumango si Kristoff at nilagay iyon sa bulsa niya.
"Your real birthday?" tanong nito.
Tumango si Olivia. Well, wala siyang alam na magaling tandaan bukod sa birthday niya...
'Okay lang kaya iyon?' she thought.
"Better. Now, let's eat?" tanong ni Kristoff at naglahad ng kamay.
Sa isang kamay ang paperbag na may lamang basura.
"Woah. Coffee date ng ganito kaaga?" mapanuksong boses ni Paris ang narinig nila sa kanilang likuran.
"First Lieutenant Silvejo, gusto mong magpush-up ng ganito kaaga?" may talim ang boses ni Kristoff.
Tumayo ng matuwid si Paris at nilagay ang mga kamay sa likuran.
"Sir, No Sir!" sigaw nito.
"Then, f*****g leave." utos ni Kristoff. Sumaludo si Paris nang may malaking ngisi at patakbong umalis doon.
Napatawa na lang si Olivia doon. Pinagmasdan ni Kristoff ang nakangiting mukha nito.
She's beautiful.
A beautiful mess.
Tumikhim siya at pinigilan ang mga iniisip. Naglakad sila papunta sa restaurants. Um-order si Kristoff ng tapsilog para sa kanila. Tumaas ang kilay ni Olivia.
"What?" tanong nito.
"I didn't know na kumakain ka ng tapsilog." saad ni Olivia.
"Tch. I eat anything. I am not a picky eater. Walang masarap na pagkain ang ihahain sa'yo habang nasa giyera ka." sagot ng binata at sumubo na ulit.
Tumango si Olivia.
Ngayon, bigla naman siyang naging kuryuso sa trabaho nito.
"Paano ka natutong humawak ng baril?" tanong niya.
"I play airsoft noong highschool. Binigyan din kami ni Pocholo ng training sa firing. Me, Gregory and our cousin." sagot ni Kristoff.
"May isa pa kayong cousin?" tanong ni Olivia.
Dumilim ang mga mata ni Kristoff.
"Yeah. Are you interested?" tanong nito at hiniwa ang karne sa plato.
"Hmmm. What's his name? Bakit 'di ko nakikita sa mansyon?" sunod-sunod na tanong ni Olivia.
Gregory and Kristoff are both good looking. Now, she can bet that their cousin is good looking too.
"Nasa Visayas nakadestino ang isang 'yon. Dalawang taon ang tanda niya. May girlfriend iyon kaya huwag ka nang umasa." sabi nito.
"What? Ako, umaasa? Hindi ko nga kilala 'yon eh." pag-irap ni Olivia at sumubo na ulit.
"You always have your ways with boys, Olivia." puna ni Kristoff at tinaas ang braso ng tubig para silipin siya doon.
"Sila ang lumalapit, Captain. As you can see, wala akong boyfriend. If I always have my ways with boys, eh 'di sana boyfriend na kita ngayon." hamon ni Olivia.
Binaba ni Kristoff ang braso at nakipagtitigan sa dalaga. Huminga siya ng malalim na parang nahihirapan.
"No. If you stop being a brat, first. I don't like hard headed and aggressive girls. Not in this life," seryosong sabi ni Kristoff.
Umiling si Olivia at uminom na rin ng tubig. She just tried. Alam naman niyang wala pa rin talaga siyang pag-asa. She can't help it. She really admires the Captain.
Nagkibit balikat si Olivia at tinakipan ang pagkapahiya. She keeps on getting rejected by the same man.
"Very well, Captain. I'm done eating, so I'll go..." preskong sabi niya na parang wala lang iyon.
Ngunit ng tatalikod na siya ay nagsalita ito.
"I am not saying that I hate you, Olivia. You are beautiful, strong and very young for me. You don't deserve someone like me." sabi nito.
Nilingon siya ni Olivia. Gulat sa sinabi pero agad ding nakahanap ng isasagot.
"You don't tell me who's deserving for me, Kristoff. I like you and you can't do anything about that." pag-amin niya.
Tumayo si Kristoff at binunot ang wallet niya para maglapag ng pera sa lamesa. Dali-dali itong naglakad sa direksyon ni Olivia at hinigit ito sa palapulsuhan.
"Saan mo ba ako dadalahin?" tanong ni Olivia.
Pumasok sila sa hotel room at agad na binitiwan ni Kristoff si Olivia para isandal ito sa pintuan. Kinulong niya sa pagitan ng mga braso niya si Olivia at mariing tiningnan ito.
"Kaya mo bang magtiis na palagi akong wala sa tabi mo?" tanong nito sa nakakapanindig balahibong boses.
Napalunok si Olivia sa sinabi nito.
"I will be always not around because of my job. I will be destined to very very far places, in no definite time. Olivia, oras at panahon ang kalaban mo rito." pagpapatuloy niya.
Ramdam na ramdam ni Olivia ang hirap ni Kristoff na magsalita. Mainit na din ang pakiramdam niya dahil sa katawan ng binata na halos dumikit sa kaniya.
She's stunned to speak and lost for words. Tanging sa mga mata lang siya ni Kristoff nakatingin.
"If you're not up for that bull, ngayon pa lang tumigil ka na. Stop teasing me, Olivia. Before I really lose it." banta nito.
Unti-unting kinalas ni Kristoff ang braso nito para pakawalan si Olivia. Natigilan siya ng hinaplos nito ang braso niya.
May nangingilid na luha sa gilid ng mga mata ni Olivia. At namumula na rin ang kaniyang ilong.
"Kapag ba sinabi kong kaya ko... Magugustuhan mo ba ako?" tanong ni Olivia.
Pumikit ng mariin si Kristoff bago siya sinulyapan. Ramdam ni Olivia ang paninigas ng braso nito sa palad niya.
Naputol lamang iyon ng nay kumatok sa hotel room nila.
"Olivia! Open this goddamned door!"
Boses iyon ni Bernice na nasundan ng ilang katok mula sa pintuan. Hinawakan ni Kristoff ang tungki ng kaniyang ilong at minasahe ito. Inayos naman ni Olivia ang sarili niya bago binuksan ang pintuan.
"Akala ko naman ay napaano ka na diyan! Bakit ang tagal niyo magbukas ng pintuan?" tanong ni Bernice at nagpabalik-balik ang tingin sa kanila ng dalawa.
Tipid na ngumiti si Olivia.
"Ah, ano bang kailangan mo?" tanong niya.
Umirap si Bernice.
"Nakalimutan mo na ba? May pupuntahan tayo for our last day. Naiwanan ako ng bus, sabi ng classmates ko 'di ka pa nakakaalis kaya makikisabay ako." sabi niya,
Nagkatinginan sila ni Kristoff. Nakangisi naman si Bernice.
"Okay. We'll meet you downstairs. Magbibihis lang kami." sabi ni Kristoff na lalong nagpalaki ng ngisi at nakakapanlokong tingin ni Bernice.
"Okay. Whatever."
Tumalikod na si Bernice at umalis.
Nagkatinginan sila ulit.
Tumikhim si Kristoff bago sinara ang pintuan.
"Fix yourself. Saka tayo mag-uusap pagkatapos nito."