Mabilis pa sa kidlat na humiwalay si Olivia kay Kristoff. Napahawak siya sa labi niya habang napatingin sa bumabangon ngayon na si Kristoff.
"Sir, p-patayin niyo po..." utos ni Dylan sa naestatwang si Paris.
Nagkukumahog namang hinanap ni Paris ang switch ng kaniyang flashlight. Natagalan siya dahil sa nanginginig na kamay.
"B-Boys, tara na." sabi ni Paris at naglakad na papalabas ng kuwarto na tila sila pa ang nahihiya.
Nang matinding katahimikan at tanging dilim na lang ang namumutawi ay tumikhim si Kristoff.
"Are you okay?" tanong nito.
Hiyang hiya si Olivia doon. Hindi niya alam ang gagawin. It was an honest mistake. Balak sana niyang tumakbo papunta kay Kristoff nang naramdaman niyang bumangga siya sa matigas na bagay dahilan kung bakit sila nahulog. Hindi niya akala in na si Kristoff iyon at nagtama ang labi nila.
"I-I'm okay." sagot niya.
Lumunok si Olivia. Naging maingay ang mga tao sa corridor sa biglang pagkawala ng kuryente.
"Lumabas na muna tayo doon." sabi ni Kristoff at lumiwanag sa kaniyang kama.
Binuhay nito ang flashlight ng kaniyang cellphone at lumapit sa kaniya.
Naglahad siya ng kamay kay Olivia. Naguguluhang nilagay ng dalaga ang kamay niya sa palad nito. Natatakot siya sa dilim. Bata pa lang siya hanggang ngayon ay natatakot pa rin siya.
Mahigpit na hinawakan ni Kristoff ang kamay niya papalabas. Nadatnan nila ang ilang turista sa labas na nag-uusap usap tungkol sa pagkawala ng kuryente. May ilang staffs din na punta doon para ipaliwanag ang sitwasyon.
Sa dulo ng corridor ay nadatnan nila ang apat na lalaki na tahimik na nakasandal pero ng namataan sila ay dumapo ang mga malalagkit na tingin sa kamay nilang magkahawak.
"Ano raw nangyari?" diretsong tanong niya.
"Nawalan ng kuryente ang bayan. Kasi nagkaproblema ang generator dahil sa nasirang piyesa, Sir." sagot ni Jack.
"Maaayos din daw bago maghatinggabi." sabi ni Paris.
Tumango si Kristoff at sumulyap sa hindi makatingin ng diretsong na si Olivia. Hiyang-hiya siyang hairpin dahil alam niya ang nasa sa isip ng mga ito.
"Dylan, go to our rooms, find the keys and lock the doors. Bababa muna kami para makapagpahangin." utos ni Kristoff.
Hinila siya ng binata pababa. Nagpatianod na rin siya dito. Maingay ang lobby dahil sa mga estudyante. May ilang napapatingin sa kanilang gawi. Kinalas niya ang mga kamay nila.
"O-Okay na ako." sabi niya at tumakbo sa gawi nina Bernice.
Nakisali siya sa usapan ng mga ito habang papalabas ng hotel.
"This is a good time for bonfire!" sabi noong isang senior.
Naghanap sila ng kahoy at sinindihan iyon.
May naglabas ng gitara at nagkantahan sila. Nakaupo lang siya sa tabi ni Bernice. Pinakilala siya nito sa ilang ka-blockmate kaya paminsan-minsan ay sinasali siya sa usapan.
"Tatakbo ang Tito mo sa pagka-Presidente diba? Sabi ng Mommy ko, siya ang iboboto namin." sabi ni Joana.
"Ah, oo. Salamat." tipid na sagot niya at tinuon ang tingin sa isang lalaki na kumakanta.
"That's Ford. Type mo?" tanong na may halakhak ni Bernice.
Umiling si Olivia.
Nagandahan lang siya sa boses at itong si Bernice at ginagawa na agad ng issue. Hindi niya pinansin ang panunukso ng mga ito hanggang sa lumapit si Paris na may dalang dalawa ng fruitshake.
"Padala ni Kristoff. Uminom muna kayo." sabi niya at iniabot sa kanilang dalawa ni Bernice ito.
Sumimangot si Bernice pero kinuha din. Hindi man lang niya sinulyapan si Paris na panay ang titig sa kaniya. Mabilis siyang umupo ulit at hinawakan ang straw. Bumaling ito sa mga kaibigan.
"Uh... Thanks, Paris." sabi ni Olivia.
Tumango lang si Paris at naglakad na din pabalik sa kinatatayuan niya.
Nagtagal ng ilang minuto ang bonfire. Ayaw pa kasi nilang magsibalikan sa kani-kanilang suite dahil mainit at wala pa ding kuryente.
Nakaramdam na siya ng antok kaya naman nagpaalam na siya. Maaga siyang nagising kanina. Sa gilid ng mga mata niya ay kita niya ang paglalakad din ng mga bantay.
May ilang emergency light ang nagbibigay liwanag sa hallway. Namimigay naman ang ilang staff ng battery operated lamps sa bawat kuwarto. Kinuha ni Kristoff ang isa at pinuwesto iyon sa pagitan ng kama nila.
Sa kaunting liwanag ay pansin ni Olivia ang pagsilip nito sa banda niya. Humiga si Olivia at pinilit na pumikit.
"M-Matutulog na ako. Please, leave the lights open." bilin niya.
"Yeah."
Humiga din si Kristoff sa kaniyang kama at tumalikod sa kaniya.
Mabilis siyang nakatulog sa sobrang pagod, hindi na inalintana ang init ng panahon.
"Mama! Dito na ba tayo titira?" tanong ng batang si Olivia habang nakasunod sa isang guard na may bitbit ng bagahe.
"Oo, anak. Dito tayo titira. Excited ka na ba na makilala ang Papa mo?" tanong ni Ofelia sa anak.
"Opo! Sasabihin ko kay Papa kung gaano ko siya na-miss kahit na 'di ko pa siya nakikita. Mama, ang yaman pala ng Papa ko? Siguro malaki ang kuwarto natin, 'Ma." namamangha ng sabi nito.
Sa daan ay hinarang sila ni Esmeralda na nakataas ang kilay.
"Tingnan mo nga naman ang mga daga... Masyadong gustong maging kalebel ng mga pusa." nanghahamak na sabi nito.
"Esmeralda, hindi ako naririto para guluhin kayo. Naririto ako para magtrabaho at para makasama ng anak ko ang ama niya."
Tumaas lalo ang kilay ni Esmeralda at humalakhak pa. Mas lalong humigpit ang hawak ni Ofelia sa anak.
"Lia, sa tingin mo ba ay may puwang ang bastardang iyan sa pamilya ng ito? Malaking pagkakamali ang nagawa ni Eduardo." napailing ito.
"Hindi bastarda ang anak ko, Esmeralda. Pareho nating alam 'yan. May karapatan siya gaya ng mga anak mo dahil pareho ang dugong nananalaytay sa kanila." sabi ni Ofelia.
Naputol lang ang usapan ng dumating ang isang katulong. Nakayuko ito at tila nagdadalawang isip na putulin ang usapan.
"M-Madame, pinapatawag na po kayo ni Donya sa loob. Kayo din po..." sabi nito at sumulyap kay Ofelia.
"Tss. Masyadong mabait si Mama para anyayahan kayo rito kahit na alam naman ng lahat na pera lang ang habol niyo." umirap si Esmeralda at nauna nang pumasok.
Hinatid sila ng katulong sa malawak na sala ng mga Villafuerte. Doon nakaupo si Donya Frida Wilhelmina Villafuerte. Sa tabi nito ay ang mga manugang na si Alicia Villafuerte at Regina Villafuerte. Malalaki ang alahas at tumama agad ang mata sa mag-inang kasunod ng katulong.
"Lia," bati niya sa dating katulong.
"Donya." bati din ni Ofelia. Minuwestra niya ang upuan kaya umupo sila.
Umupo si Esmeralda sa upuan niya nang may disgusto sa mukha. Bumaba naman ang magkakapatid na Villafuerte sa engrandeng staircase. Tumikhim si Esmeralda.
"Mama!" sigaw ni Eduardo Villafuerte ng makitang nakaupo si Ofelia at ang batang si Olivia.
"Sit beside your wife, Eduardo. We'll deal with this right here, right now before the campaign period starts." may diin na sabi ng Donya.
Umupo naman si Eduardo sa tabi ni Esmeralda at tumitig sa kanilang mag-ina.
"Manang! Pakidala ang bata sa garden. Mag-uusap lang kami." sabi ni Luisito sa katulong.
Sumama si Olivia sa utos na din ng ina. Nawili siya sa ganda ng fountain kaya nanatili siya doon ng naramdaman niyang may bumato sa kaniya.
"Hoy, bata! Sino ka?" Ttanong ng isang batang lalaki na ilang taon ang tanda sa kaniya.
"Ako si Olivia. Ikaw, sino ka?" tanong niya pabalik.
Nakauniporme ang bata at mukhang kagagaling lang sa school.
"Borris Tyler Henares. Anak ka ba ng katulong?" tanong nito.
Umiling si Olivia.
"Hindi katulong ang mama ko! Anak ako ng Mayor." sabi niya.
"Bakit hindi kita nakikita rito kung ganoon? Hindi ako naniniwala." sabi nito at umupo sa tabi niya.
"Anak ako ng Mayor! Papatunayan ko. Nakikipag-usap si Mama ngayon sa Papa ko. Sumama ka sakin at makinig tayo para maniwala ka."
Pumuslit silang dalawa sa likod ng halamanan at tinakipan ang mga bibig para makinig. Magkalapit ang mga katawan nila at nakasilip sa maliit na butas.
"Ipapa-DNA test ang batang iyan sa America at kapag napatunayang anak ni Eduardo, ay hindi namin pagkakaitan." bungad ni Donya Frida.
"Mama! What is this?" tila gatilyong naputol ang pagpipigil ni Esmeralda sa sinabi.
Binalingan ng nakakatanda si Esmeralda.
"Oh, shut your mouth, Esmeralda! I'm trying to clean the mess your husband made! Deal with the consequences." kulog ang boses nito.
Umiyak si Esmeralda sa sinabi ng matanda.
"Mama, hindi ito puwede ng lumabas. Kapag lumabas sa publiko na may bastarda si Kuya, makakasama ito sa kampanya. Baka lalong sumama ang lagay ni Papa sa pagkabigo." sabi ni Francisco.
"Ano ang gusto mo, Sir Francisco? Itago ang anak ko sa publiko? Tama na, ilang taon ko nang ginawa iyon pero hindi ko na kaya! Villafuerte din ang anak ko." giit ni Ofelia sa mga ito.
"Ofelia... Please... Hindi ko tinatakbuhan ang bata. Ang sa akin lang, makakasama ito sa pagtakbo ko biglang Congressman."
"Hindi ko na kasalanan iyan, Eduardo! Anak mo si Olivia. Hindi ka ba nakokonsensya sa sinasabi mo? Mas pipiliin mo ang walang kuwentang politika kaya sa sariling laman mo?" galit na sabi ni Ofelia.
"Stop being stubborn, Ofelia! Pasalamat ka nga at binibigyan pa ng puwang ang batang iyan sa pamilya ng ito!" singit ni Alicia sa mataas na boses.
"At dapat ko pang ipagpasalamat ang kalaspatanganan ginawa ni Eduardo sa akin, Alicia? Dapat ko bang ipagpasalamat ang kababuyang sumira sa buhay ko?" tanong ni Ofelia.
Humagulhol na si Ofelia sa nangyayari. Pumikit ng mariin si Eduardo at hinilot ang sentido.
"Ofelia... Please..." tawag niya sa mahinang boses.
"Manahimik kayong lahat!" sigaw ni Donya Frida. "Tama si Francisco. Makakasama ito sa kandidatura ni Eduardo. Kaya sa oras na positibo ito, ipapangalan na anak ni Luisito ang batang iyan." dagdag nito.
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alicia. "Mama, please think carefully!"
"Idedeklara na anak ninyo ni Luisito ang bata tutal ay matagal kayong namalagi sa Amerika. Sa ganoon paraan, hindi makakalabas ang bahong ito sa publiko."
"Anak ko si Olivia! Bakit niyo siya ipapangalan sa iba?" reklamo ni Ofelia.
Matalim siyang tiningnan ni Donya Frida.
"Mamili ka, Ofelia. Ipapangalan ang anak mo sa iba para magkaroon ng magandang buhay o manatiling nakapangalan sa'yo at mabulok sa bukid?" tanong ng Donya.
Kinuyom ni Ofelia ang mga kamay niya. Mahirap lang sila, at siguradong kahit elementarya ay hindi niya kaniyang patapusin si Olivia. Napalunok siya at tiningnan ang mga mata ng mga Villafuerte.
"S-Sige. Sa isang kondisyon. Hindi niyo dadalahin si Olivia sa Amerika. At bigyan niyo ako ng trabaho dito sa mansyon." matapang na sabi niya.
Tumayo si Esmeralda at hindi napigilang sampalin si Ofelia. Agad siyang pinigilan ni Eduardo.
"Tonta! Punyeta! Ang kapal ng mukha mo... At talaga ng gusto mo pa ng trabaho sa mansyon? Para ano? Para maakit na naman ang asawa ko?"
Tumayo na din si Ofelia at ginantihan ang sampal ni Esmeralda.
"Sa tingin mo ba ay nais ko pang bumalik dito pagkatapos ng kababuyan ng asawa mo? Sukang-suka na ako pero kailangan kong gawin para sa anak ko kahit na diring-diri ako sa pagmumukha niyong mga animal kayo..."
"Anong sabi mo?" galit na tanong ni Esmeralda at sinugod si Ofelia.
Walang kalaban laban si Ofelia sa sampal at sabunot na ginawa ni Esmeralda. Umiyak na lang siya dahil mukhang malabong awatin ng matanda ang away. Tumayo na si Eduardo at pilit na pinatitigil ang asawa.
"Tama na! Esmeralda, ano ba?" sigaw ni Eduardo.
Napatayo si Olivia at tumakbo papasok para itulak ang mag-asawa. Napaupo si Esmeralda sa sofa.
"Tigilan niyo ang Mama ko! Ayoko sa inyo. Masasama kayo kasi sinaktan niyo ang Mama ko! Ayaw ko na sa inyo. Ayaw ko sa Papa ko!" sigaw ni Olivia at hinila ang ina papalabas ng bahay.
Biglang nagbago ang pangyayari. At napunta iyon sa katawan ng ina na nakahandusay sa sahig at may dugong lumalabas sa tiyan at bibig nito.
"Mama!" sigaw ni Olivia habang umiyak.
Naramdaman niya ang mainit na kamay na yumuyugyog sa kaniya.
Hingal na hingal si Olivia. Tagaktak ang pawis niya ng nagising siya. Bumungad si Kristoff na mukhang nag-aalala sa kaniya.
"Mama! Kristoff, ang mama ko!" sigaw niya sa binata.
"Hey, stop crying. Are you okay?" tanong niya sa marahang boses.
"Ang Mama ko, Kristoff! Pinatay nila ang mama ko! Mga walang hiya sila!" umiyak pa din siya.
Niyakap siya ng binata at hinagod ang likuran nito. Maliwanag na ang paligid, hudyat na ayos na ang kuryente. Pero hindi pa rin kumakalma si Olivia.
Hindi niya alam kung bakit nag-uumpisa na naman siyang managinip ng ganito.
Mahigpit niyang niyakap si Kristoff at umiyak doon. Hindi nagsalita si Kristoff at hinaplos ang likuran niya para kumalma ang nagwawalang si Olivia.
Kinabahan siya sa biglang pagsigaw nito habang nasa banyo siya. Akala niya ay nalusob na siya ng ilang nagbabanta sa senador pero nadatnan niyang namamawis ito at umiyak habang tulog.
"Ayos ka na?" akmang kakalasin niya ang yakap ng tumigil na ito sa pag-iyak pero mas hinigpitan ni Olivia ang yakap niya.
"Pinatay nila ang mama ko. Hindi ko sila mapapatawad." bulong nitong paulit-ulit.
"Sinong sila?" tanong ni Kristoff.
Kanina pa niya iyong sinasabi paulit ulit.
"Ang ama ko at ang walang kuwenta niyang asawa. Pinatay nila ang walang kalaban laban kong ina. Kristoff, gusto kong pagbayaran nila ang kasalanan nila."
Kumunot ang noo niya. Dama niya ang galit sa boses nito. Tila ibang Olivia ang nasa harapan niya, malayong malayo sa isip batang Olivia.
"Si Luisito at Alicia?" tanong ni Kristoff.
"Pinatay ni Senator Eduardo Villafuerte at Esmeralda ang Mama ko..." umiyak na ulit ngayon si Olivia. Kinalas nito ang kamay sa leeg ng binata at umiyak sa harapan nito.
Gulat na gulat si Kristoff. Humigpit ang hawak niya sa T-shirt ni Kristoff.
"Kristoff, my whole existence is a lie. Hindi ako anak ni Luisito. Anak ako ni Senator Villafuerte."