✿✿♡ KIM ♡✿✿ Walang tigil ang tunog ng cell phone ko. Sa pagkakatanda ko hindi naman ako nag-alarm dahil madaling araw na ako nakatulog kagabi. Nagsulat pa kasi ako at halos nakatapos ng isang chapter, kaya bilang reward sa sarili ko, since wala naman akong trabaho sa umaga ay matutulog na lamang ako hanggang tanghali. Pero mukhang hindi yata matutupad ang pangarap kong tulog na hanggang tanghali dahil ayaw pa rin maglubay ng alarm. Kinapa ko ang cell phone ko sa gilid ng unan ko, papatayin ko sana 'yon ngunit nang masulyapan ko ang screen, doon ko lang na-realize na hindi ‘yon alarm. May tumatawag. Wala sa sarili ko 'yon sinagot. Tinutok ko sa tainga ko ang cell phone ko habang muli kong ipinikit ang mga mata ko. “Hey.” Hey? Hindi kay Sabel ang boses na ‘yon. Hindi rin kay Phoen