41. UTANG

2390 Words

✿✿♡ KIM ♡✿✿ SA PINTO pa lang kanina ay ramdam ko na ang nerbyos kahit na alam kong hindi naman ito ang unang beses namin kung sakali. At mas dumoble pa ang pagtahip ng dibdib ko nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng kwarto niya, lalo noong na-i-lock na niya ang pinto. Alam kong ini-lock niya ‘yon dahil narinig ko ang tunog. Medyo madilim sa loob ng kwarto niya dahil tanging lampshade lamang ang nakasindi. Pero okay lang. Mas pabor ako roon para kahit papaano ay maikubli ko sa kaniya ang kaba ko. Naikukubli ko nga ba? Ayoko sanang gawin ‘to. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang magbenta ng katawan. Pero hindi ko matiis si Tisay, lalo na at kailangan na kailangan niya ng pera. Kapag hindi siya nakapagbayad, masasayang ang isang semester niya sa college. Ang masakit pa, baka isang bu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD