JULIAN WY I DON'T know what she’s apologizing for. Pero ramdam kong hindi ‘yon dahil sa ginawa niyang pagpapahid sa ‘kin ng icing. May mas malalim na pinanggagalingan ang iyak at hikbi niya, and my heart clenches painfully at the sound of her crying and sobbing against my neck. Gusto ko siyang tanungin at kausapin, pero hindi sa harap ng mga anak ko kaya hinagod ko ang likod niya para patahanin na lang muna siya. “Stop crying. Nakatingin sa’yo si Jade at Jayden. Ayusin mo sarili mo, then we’ll talk later,” malumanay kong bulong sa kaniya. Na-realize niya rin agad na narito kami sa labas, sa swimming pool, kaya naman agad siyang bumitaw sa pagkakayakap sa ‘kin at bahagyang lumayo. Pero humawak siya sa isang braso ko para may makapitan dahil mukhang hindi abot ng paa niya ang ibaba. Sa