✿✿♡ KIM ♡✿✿ ORAS ng uwian. I’m hyper alert as I walk up to the school, following their protocols. May mga inalagaan na rin akong bata dati na dito nag-aral kaya medyo pamilyar na sa ‘kin ang school na ‘to. Oo. Medyo mahigpit sila. They can’t release Jade and Jayden to me without identification and clearance checks. “Kim!” masayang tawag sa ‘kin ni Jayden oras na matanaw niya ako. Nag-wave pa siya ng kamay. Katabi niya si Jade pero pansin kong nakasimangot ito at tahimik lang. I grin as I wave him over. “Kumusta ang first day n’yo?” Kinuha ko sa kanila ang bag nila at iginiya sila palabas sa school, papunta sa sasakyan. Si Jayden ang nagsasalita at patuloy na nagkukuwento sa akin tungkol sa mga ginawa nila kanina, habang si Jade naman ay tahimik lang hanggang sa makarating kami sa sas