✿✿♡ KIM ♡✿✿ KINABUKASAN. Medyo late na akong nakatulog kagabi kaya tinanghali rin ako nang gising ngayong umaga. Ang ending, alanganing oras na akong dumating sa bahay ni Julian. Ang nakakahiya pa, ngayon ang simula ng pagpasok sa school ng kambal at inaasahan niyang ako ang maggagayak nang maaga sa mga anak niya since kailangan niya rin gumayak para magtrabaho, pero dumating ako roon na nakabihis na ang dalawa at kumakain na ng almusal. Napayuko agad ako pagpunta ko sa kusina dahil naroon din si Julian. Nakabihis na rin at sinasabayan sa almusal ang kambal niya. “S-Sorry. Nahirapan ako sa pagsakay kaya—” “Kumain ka na?” Hindi ko naituloy ang dapat na pagsisinungaling ko dahil sa tanong niya. Kumain na ako? Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Iyon lang ba ang sasabihin niya? Hindi ba n