“At sino itong kasama mo?” Mas lalong lalawak pa ang ngiti ng lalaki pagkatapos nitong magtanong hanggang sa magiging ngisi ang malaki nitong ngiti. Mapaglaro ang tingin na ipupukol nito kay Zeke. Halata sa mga mata nito na may ibang tumatakbo sa loob ng utak nito.
Mapapalingon si Zeke sa lalaking biglang nagsalita. Magtataka siya sa paraan ng pagtitig sa kanya ng lalaki. Dahan-dahan din itong lumalapit sa kanya. Hindi inaalis ang mga tingin nito sa kanya na tila ba’y nakapako na ito sa kanya. Hindi nito alintana na masama na ang tingin at nagpipigil na si Xenon.
Titigil ang lalaki sa tapat ni Zeke, halos one foot lang ang pagitan nila. Agaran na hahablutin ni Xenon si Zeke, hawak-hawak ang pulsuhan ni Zeke. Papagitna si Xenon at ito ang haharap sa lalaki. Itatago nito si Zeke sa likuran. Ngunit makikita pa rin ni Zeke ang lalaki sa bandang balikat at gilid ng ulo ni Xenon.
“Anong kinakailangan mo, Ford?” gamit ang malalim at seryoso na boses, tila pagbabanta ni Xenon.
Ngingiti si Ford na parang inosente at walang ginawang malisya. Itatas nito ang dalawang kamay, aaktong sumusuko. “Relax ka lang, Xenon. Nagtatanong lang naman ako kung sino itong kasama mo. May masama ba sa tanong ko?” Magbabago ang ekspresyon nito sa mga mata. Para na itong curious na inosenteng bata na first time makakita ng ibang tao, ng estranghero.
Kabaliktaran naman ang nakapintang ekspresyon sa mukha ni Xenon. Seryoso ito’t lumalabas ang pagiging protective at possessive nito kay Zeke. Bigla itong nakaramdam ng hindi nito dapat na maramdaman at hindi na pansinin pa. Ngunit, kilala nito si Ford. Wala itong tiwala kay Ford.
Bahagyang gagalaw ang tingin ni Ford, lilipat ito kay Zeke na nakadungaw sa balikat ni Xenon nang hindi gumagalaw ang ulo. Nakaharap pa rin ang mukha nito kay Xenon, walang pakialam sa nakakamatay na tingin ni Xenon na para bang wala ito sa harapan. Igagalaw nito ang kanang kamay, iwawagayway. “Hi, cutie! Ako nga pala si Ford. What’s your name?”
Biglang aangil si Xenon na ikakabalik ng tingin ni Ford kay Xenon. Si Zeke naman ay walang ideya sa nangyayari. Pinoproseso pa rin ng kanyang utak ang mga impormasyon na bago sa kanya at pinaalam sa kanya ni Xenon ilang minuto pa lang ang nakalilipas.
“Ano ba, Xenon? Nakipagkilala lang naman ako. Anong pinuputok ng butsi mo?” inosenteng itatanong ni Ford. “At saka he’s cute.” Mabilis na sisilip ito kay Zeke at agad din na babalik ang tingin nito kay Xenon. Chill na lalabanan nito ang nakamamatay na tingin ni Xenon. “Isa ba siya sa mga bagong magiging Dream Walkers?”
“Siya si Zeke. Boyfriend ko. Okay na?” isasagot ni Xenon, nagpipigil na tumaas ang boses. Umiigting ang mga panga nito sa gigil dahil sa inaakto ni Ford. “Pwede mo na ba kaming iwanan? May pag-uusapan pa kami.” Sisipat ng tingin si Xenon sa mga kasama ni Ford, mga naghihintay kay Ford. Nasa kanya-kanyang motorsiklo na ang mga ito. Babalik ang tingin ni Xenon kay Ford. “Mukhang may pinapagawa pa sa inyo ang council. Ano pang ginagawa mo rito?”
Tulala lamang na pagmamasdan ni Zeke si Xenon at Ford. Pero unti-unti na siyang makakaramdam na may hindi magandang pumapagitna sa dalawang lalaki. Hindi lang niya alam kung ano ang dahilan. Mahuhuli niya ang muling pagtapon ng tingin ni Ford sa kanya. Magugulat siya sa pagkindat nito sa kanya. Iba ang paraan ng pagkindat nito sa kanya. Parang sinusubukan talaga nito na makuha ang kanyang atensyon.
Magkikibit ng balikat si Ford. “Relax ka lang, Xenon.” Tatapikin nito sa balikat si Xenon bago ito tatalikod. Ngunit hindi nito itutuloy ang paglalakad, saglit itong hihinto at lilingon mula kay Zeke. “Nice meeting you, Zeke. Sana magkausap pa tayo sa susunod.” Itataas nito ang isang kamay at mabilis na ikukumpas bilang pagpapaalam.
Susundan lamang ito ng tingin ni Zeke at Xenon hanggang makaalis na ito at mawala na sa kanilang mga paningin. Tahimik pa rin si Zeke na nagtatakang lilingon at ililipat ang pansin kay Xenon na nakatalikod pa ring nakatayo sa harapan niya. Kitang-kita niya ang mabibigat na paggalaw nang pataas at pababa ng mga balikat ni Xenon, bumubuntonghininga.
“Mahal. . .” ibubulong ni Zeke. Sapat lang ang hina ng boses niya upang marinig ni Xenon. Naguguluhan pa rin siya hanggang ngayon.
Haharap si Xenon sa kanya. Wala na sa mukha nito ang kanina’y galit na ekspresyon. Naging malambot na ito at magaan na nakatingin kay Zeke.
“Yes, mahal ko?” isasagot ni Xenon.
“Sino ang mga ‘yon? Lalo na ang lalaki na lumapit sa akin? Bakit ganoon siya makatingin?”magkakasunod na itatanong ni Zeke.
Iiling si Xenon. “Huwag mo na lang intindihin si Ford. At huwag ka lalapit o makipag-usap sa kanya.”
“Bakit? Kung hindi ako nagkakamali, mga Dream Walkers din sila gaya mo. Bakit parang hindi kayo magkasundo? Basi lang ito sa nasaksihan ko,” magkahalong naguguluhan at nagtatakang dagdag na itatanong ni Zeke.
Bababa ang pagkakahawak ng kamay ni Xenon mula sa pulsuhan ni Zeke papunta sa kamay. Ipagsisiklop nito ang kanilang mga kamay. Hihigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay ni Zeke. “Oo, Dream Walker din si Ford. Pero makinig ka na lang sa akin. Huwag kang lalapit sa lalaking ‘yon. Ginagawa ko lang ito upang protektahan ka. Hindi naman sa sasaktan ka ni Ford ng pisikal. Isa kasi siyang gago at mahilig maglaro ng emosyon. At mukhang nakahanap siya ng bago niyang target, at ikaw ‘yon,” mahabang ipapaliwanag ni Xenon.
Matatawa bigla si Zeke sa kanyang narinig. Hindi niya lubos maisip na aabot sa ganito si Xenon. Kung sabagay ito rin ang unang beses na nakikita niyang tila nagseselos ang kanyang nobyo. Hindi naman kasi talaga siya palalabas ng apartment unit nila. Kaunti lang ang nakakasalamuha niyang tao. Palagi siyang nasa loob lang ng unit nila at nakaharap sa laptop, nagtatrabaho.
“Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?”
Iiling si Zeke. “Wala naman. Ang cute mo lang magselos, mahal ko. Naninibago lang ako na makita ang side mo na ‘yan. At saka, wala ka bang tiwala sa akin? Alam mo naman na ikaw lang ang nag-iisa sa isip, sa puso, at buong pagkatao ko.” Mahinang bubungisngis si Zeke. “Gaya nga ng sabi ni Ford sa ‘yo, chill ka lang. Makakasigurado ka sa akin na kahit anong gagawin niyang paglalandi sa akin, hindi iyon uubra sa akin. Okay?”
Tititignan ni Zeke si Xenon nang diretso sa mga mata. Tataasan niya ito ng mga kilay nang hindi ito sumasagot sa kanya. “Nagkakaintindihan ba tayo, mahal ko? O wala kang tiwala sa akin?”
Tila gulat na matataranta si Xenon sa tanong ni Zeke. “Hindi. Hindi naman sa ganoon. Pasensya ka na sa tinuran ko, mahal ko. Ayaw ko lang talaga kay Ford. Hindi kami magkasundo dahil sa ugali niya. Sana maunawaan mo rin.”
“Nauunawaan ko,” itutugon ni Zeke. “So, ano na ang gagawin ko rito sa Genesis?”
“Tara na sa loob ng gusali. Ipapakilala kita sa iba pang mga Dream Walker. Huwag kang mag-alala, hindi sila katulad ni Ford. Sa katunayan ay si Ford lang ang may ganoong ugali rito, sa pagkakaalam ko at sa mga kilala ko rito.” Hihilain ni Xenon si Zeke upang sumunod.
Walang nagawa si Zeke kundi ang sumunod sa pangunguna ni Xenon. Nakasunod lamang siyang naglalakad. Hindi literal na nakasunod, nasa tabi siya nito habang tinatahak nila ang daan patungo sa malaking pinto.
Dalawa itong malalaking pinto na mabubuksan lamang sa pamamagitan ng sensor na nakalagay, nakalapat mismo sa gitna ng dalawang pintuan. Nagsisilbing kandado ang sensor.
Pagmamasdan ni Zeke na lalapit si Xenon sa tapat ng sensor. Itatapat nito ang mukha. Wala pang isang segundo ay may kulay asul na laser ang lalabas mula sa sensor. Dadaan ito mula sa mga kilay ni Xenon pababa sa mga mata nito at hihinto sa may ilong, mababa lang ng isang sentimetro mula sa mga mata. Pagkatapos ay mahihiwa sa gitna ang pintuan, aawang ito kagaya nang pagkakabukas noong lumabas ang grupo nina Ford.
Ang malawak na silid tanggapan ang unang bubungad sa paningin ni Zeke. Mapapamangha siya lawak ng lobby. Hindi niya inaasahan na ganito kalaki ang unang silid ng gusali. Halos kasinglaki ng stadium ang lawak ng lobby. Maraming tao ang nagkalat. Halos lahat ay nakasuot ng itim. Kung hindi naman itim ay kulay puti at gray. Parang hindi na bago sa mga ito na may pumapasok na tao na hindi kilala ng mga ito. Hindi nga nagawang lumingon ng mga ito sa direksyon nila.
Ngunit hindi rito natuon ang pansin ni Zeke. Mas makuha ng mismong lobby ang pansin niya. Mga tatlong palapag ang espasyo ng lobby pataas. Ang dingding ay may modernong desinyo na gawa sa matitibay na metal at makakapal na salamin.
“Dito tayo,” isasabi ni Xenon. Hahatakin nito si Zeke na walang angal na nagpapatangay dito.
Maglalakad sila papunta sa kaliwang banda ng lobby. Dadaan sila sa hallway na nandoon. Sa paglalakad nila ay may mga Dream Walker din silang makakasalubong. Liliko sila pakanan sa unang kanto. Aakyat sila sa hagdan na sasalubong sa kanila.
Wala pa ring ideya si Zeke kung saan sila pupunta. Basta ang alam niya ay may tiwala siya kay Xenon.
Pagdating nila ng ikaapat na palapag ay sasalubong sa kanila ang mga nakahilerang mga pinto sa magkabilang side ng mahabang hallway. Maglalakad pa sila nang ilang hakbang at dadaanan ang ilang mga pinto bago hihinto si Xenon sa tapat ng isang pinto. Ilalapat ni Xenon ang bakante niyang kamay sa flat na metal sa ibabaw ng hawakan ng pinto. Pagkatapos ay tutunong ng isang beep ang pinto. Hahawakan ni Xenon ang door handle at itutulak pabukas ang pinto.
“Iwan muna natin ang mga gamit mo rito sa silid ko,” iaanunsyo ni Xenon. Lalakihan ni Xenon ang pagkakabukas ng pinto’t papapasukin nito si Zeke.
Huhubarin ni Xenon ang backpack sa balikat ni Zeke. Kukunin nito ang backpack pati ang briefcase na nasa isang kamay ni Zeke. Isasara ni Xenon ang pinto nang makapasok na nang lubusan si Zeke sa pamamagitan ng pagsangga ng siko upang matulak pabalik.
Ililibot ni Zeke ang kanyang paningin sa loob ng silid. Hindi ito maliit, hindi rin ito kalakiahan. Sapat lang upang maging silid pahingahan ng isang tao. Pero may kalakihan ang kama na nasa isang sulok na malapit sa bintana.
“Dito ka nakatira?” halos pabulong na itatanong ni Zeke.
Iikot siya upang harapin si Xenon. Makikita niya itong pinapatong ang backpack sa ibabaw ng lamesa. Hahakbang ito palapit sa cabinet na nasa kabilang sulok. Bubuksan ito ni Xenon at saka maingat na ilalagay ang briefcase doon bago nito isara’t haharap kay Zeke.
“Oo. Dito ako nakatira kapag wala ako sa apartment. Ito na rin ang magiging kwarto mo ngayon habang nandito ka sa Genesis.”
“A-Anong gagawin ko rito sa Genesis? Sigurado ka ba talaga na ayos lang na nandito ako?”
“Oo naman. Hindi lang naman ikaw ang nandito na hindi Dream Walker. Nandito na rin ang mga malapit sa buhay ng ibang Dream Walker. Sa katunayan, ilang araw na silang nandito. Nauna lang sila sa ‘yo kasi sila ‘yong unang inatake ng mga chemira kaya nalaman namin na tina-target nila ang mga malalapit sa amin. At iyon ang hindi namin malaman kung paano nila natuklasan ang tungkol sa mga tao na malapit sa buhay namin.” Hihinga nang malalim si Xenon at lalapit kay Zeke. Yayakap ito kay Zeke nang mahigpit. Hindi na nito mapigilan ang sarili na ikulong ang taong mahal niya sa kanyang mga bisig. Ilang araw niya rin itong hindi nakasama.
“Ah. . .” ang tanging maisasagot ni Zeke.
Ibabaon ni Xenon ang kanyang mukha sa may leeg ni Zeke. At bigla nitong ilalapit ang bibig sa tenga ni Zeke. “Pwede mo silang maging kaibigan habang narito ka. Pero bago ‘yon, punta muna tayo sa quarters. Nandoon ang mga kasamahan ko,” ibubulong ni Xenon na nagpatayo bigla ng mga balahibo ni Zeke.
Maninigas ang katawan ni Zeke nang ilang saglit bago siya makabalik sa tamang wisyo. Itutulak niya nang marahan si Xenon, lalo pa’t may nabuhay na sensasyon na wala sa tamang oras. “T-Tara na. Gusto ko na makilala ang mga kaibigan mo at ang mga mahal nila sa buhay, mahal ko.” Tatalikod siya. Mauuna siyang lumabas ng kwarto.