Ang tila alarm na pagtunog nang malakas at ang walang humpay na pagpatay-sindi ng pulang ilaw sa gitna ng lamesa ang kukuha sa atensyon ng lahat, kabilang na rito si Zeke. Hindi man sigurado si Zeke sa kung ano ang nangyayari ay tila mauunawaan niya agad ito lalo pa’t makikita niya ang agaran na paglapit ni Xenon at iba pang lalaki patungo sa paikot na lamesa. Ang mga tingin nito ay nakatuon sa hologram na nahuhulma sa ibabaw ng lamesa. Naging seryoso ang lahat sa pagtunog ng alarm.
Mananatili lamang si Zeke sa isang tabi. Tahimik siyang mag-oobserba at magmamasid kina Xenon. Kahit na walang magsabi sa kanya kung bakit agad sila nagkumpulan, papasok na sa isipan ni Zeke na may hindi inaasahan na mangyayari sa naganap. Masasabi niya ito dahil mabilis na nagbago ang ekspresyon nilang lahat at nawala ang pagiging mapagbiro ng mga ito.
Makikita ni Zeke ang paglabas ng hologram na mapa. Pamilyar sa kanya ang mapa kasi ito ang mapa ng syudad kung saan siya lumaki at nanirahan simula pagkabata hanggang sa nilisan nila ni Xenon ito nitong gabi lang din.
Iilaw ang isang tuldok sa isang parte ng mapa. Kulay pula rin ito at may kalakihan. Hinuha ni Zeke ito ang eksaktong lokasyon kung saan nagaganap ang hindi inaasahang pangyayari. Ilang saglit pa ay lumitaw na rin ang kulay asul na mga tuldok na nagkalat sa paligid ng pulang tuldok. Tamang hinala lamang si Zeke sa kaganapan dahil tahimik lamang ang lahat.
Pagkatapos lumitaw ng mga tuldok sa hologram ay kanya-kanyang pwesto sina Xenon sa mga monitor na nakapalibot sa lamesa. Bawat isa sa kanila ay may magkasingtulad na upuan. Ang iba naman ay humarap sa iba pang computers na nasa dingding. Kitang-kita ni Zeke kung paano naging tahimik at sumeryoso ang loob ng naturang silid.
Wala rin ibang magagawa si Zeke kundi ang maghintay hanggang sa maging maayos na ulit ang lahat. Basi lamang sa kanyang nakikita sa kasalukuyan ay hindi niya maaaring istorbuhin si Xenon. Titiisin na lamang muna niya ang pagrereklamo ng kanyang tiyan.
Lilingon siya sa isang tabi. May makikita siyang bakanteng upuan. Maglalakad siya patungo sa upuan at uupo roon nang tahimik habang pinagmamasdan ang mga Dream Walker sa mga ginagawa ng mga ito.
Hindi sinasadyang masisilip ni Zeke ang isang monitor mula sa direksyon niya, ang monitor na hinaharapan ng katabi ni Ace. Sa kaliwa naman ng lalaki ay doon nakapwesto si Xenon. Maging ito ay nasa monitor ang buong pansin.
Ibabalik ni Zeke ang paningin sa monitor na malaya niyang nakikita kung ano ang pinagkakaabalahan ng lahat. Walang pasabi siyang makikinuod sa monitor ng lalaki na katabi ni Ace.
Magugulat siya nang malaki sa nakikita ng kanyang pares na mga mata. Para siyang nanunuod ng action scene ng isang pelikula. Ang kaibahan lamang ay hindi maayos ang anggulo ng pagkakakuha ng video. Kung hindi nagkakamali si Zeke, ang kuhang video ay galing lang din sa isang CCTV camera.
Kukunot ang noo ni Zeke at bahagya siyang sisimangot. Igagalaw niya nang bahagya ang kanyang ulo na tila’y naguguluhan. Kung galing sa isang CCTV camera ang kuhang video, bakit parang hindi ito alam ng mga tao sa syudad lalo na ng mga namumuno sa lugar? Kahit papaano ay maunlad ang naturang syudad, imposibleng walang record ang nakatoka sa mga CCTV camera na nagkalat sa buong syudad. At sa una pa lang ay nilagay ang mga ito para sa seguridad ng mga mamamayan ng syudad.
Magiging malalim ang pag-iisip ni Zeke. Susubukan niyang humanap ng sagot sa sarili niyang katanungan. Tititig siyang mabuti sa monitor ngunit wala rito ang buong atensyon ng kanyang isipan. Magmumukha siyang nakatulala sa kanyang ginagawa. Makukuha ang atensyon niya sa maririnig niyang mabibilis at malalakas na pagtipa sa isang tabi. Titingnan niya kung saan nanggaling ang tunog. At sa oras na tatama ang mga mata niya sa bagay na tinitipahan ng mga nasa may dingding na mga lalaki, mga nakaupo sa harapan ng mga computer malapit sa dingding, tila may lumabas na ilaw sa loob ng kanyang isipan.
“Hina-hack nila ang system ng CCTV ng syudad,” ibubulong ni Zeke na tanging siya lamang ang nakakarinig, tila kinakausap ang sarili.
Sa mabilis na nagtitipa na naman matutuon ang buong pansin ni Zeke. Mapapaisip siya kung gaano na ba ka high-technology ang Genesis. Halos kaya na nilang gawin ang lahat ng gustuhin nila.
“Puta naman, Ford. Anong ginagawa mo?” biglang sisinghal si Ace. Nakatutok pa rin ang tingin nito sa monitor. May hawak na itong headset sa kanang kamay. Nakalapat sa kanang tenga nito ang speaker. Ang microphone naman nito ay nakatapat sa bibig nito habang malutong nitong minumura si Ford.
Hindi alam ni Zeke kung ano na ang nangyayari. Kung titingnan niya kasi si Ace, para na itong sasabog sa galit. Sisilip ulit si Zeke sa monitor. Doon niya lang mauunawaan kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ni Ace.
Naglalakad lamang si Ford paikot sa napuruhang chemira. Nakahandusay na sa kalsada ang chemira ngunit buhay pa ito’t mabangis pa rin kung makatingin kay Ford. Kung gugustuhin nitong atakihin si Ford sa tamang tyempo, tiyak na mapupuruhan din si Ford.
“Ano pa bang ginagawa mo, Ford. Tapusin mo na ‘yan nang makaalis na kayo riyan bago pa may makakita sa inyo,” nagpipigil na sigaw na isisingit ni Xenon sa pagitan ng mainit na patuloy na pagmumura ni Ace sa tabi nito.
“Tang-ina naman, Ford. Just kill that damn chemira. ‘Yan na lang ang natitira. Para makabalik na rin kayo rito. Ano bang nasa utak mong gago ka?” isisinghal ni Ace. Sobrang lutong ng mura nito. Ngunit tila sanay na ang mga kasamahan nito. Hindi man lang nag-aalangan ang mga ito kay Ace na salungat sa naging reaksyon ni Zeke nang marinig nito ang pagmumura nito.
Sa tanang buhay ni Zeke ay hindi pa siya nakakapagmura o kaya nakarinig ng taong nagmumura na nasa harapan niya mismo. Hindi niya rin narinig na nagmura kahit isang beses man lang si Xenon. Paano ba magmumura si Xenon kung halos hindi nga ito nagagalit? At hindi rin nito ugali ang magmura.
Mapapakurap na lamang si Zeke ng mga mata habang patuloy sa pagmumura si Ace. Hindi nito alintana na may iba silang kasama sa silid. Ngunit, hindi rin naman ito malaking isyu para kay Zeke. Nabigla lang talaga siya rito. Malayong-malayo kasi ito sa kanina’y masayahin, makulit, at may pagkapilyong ugali ni Ace habang binabati siya at nagpapakilala sa kanya.
Sa halip na ituon ni Zeke ang atensyon kay Ace, ibabalik niya ang kanyang tingin sa monitor. Tatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo. Hahakbang siya papunta sa likuran ni Ace nang hindi tinatanggal ang tingin sa monitor. Hindi niya rin maunawaan kung bakit hindi pa pinapatay ni Ford ang chemira. Parang natutuwa pa itong nahihirapan nang nakahandusay.
Iiiling ni Zeke ang ulo. Hindi siya makapaniwala na nasasaksihan niya ang ganitong side ni Ford. Totoo nga ang sinabi sa kanya ni Xenon. Mayabang si Ford. Sa nakikita niya, si Ford ang tao na malaki ang tiwala sa sarili. Iiling ulit si Zeke. Kapag talaga nagkamali ng hakbang itong si Ford, napakalaking pinsala ang matatamo nito. O ‘di kaya’y mas malala pa sa pinsala, maari na ikamatay pa nito.
Sa ilang beses siya na hinabol at inatake ng mga chemira mula sa kanyang mga panaginip hanggang sa naging totoo na nga ang lahat ay masasabi niya na hindi basta-basta ang mga chemira. Isang maling galaw niya lang, maaari na itong maging sanhi ng kamatayan niya.
“Just shot that fvckin monster, Ford!”
Mapapatalon paatras si Zeke sa biglang pagsigaw ni Ace. Mabilis na tatayo si Xenon at lalapit ito sa kanya. Maagapan nito ang sana’y pagkatisod niya. Sasaluhin siya nito mula sa likod. Manlalaki ang mga mata ni Zeke sa bilis ng pangyayari. Mapapatingala siya sa mukha ni Xenon.
“Mag-iingat ka. Mabuti na lang napansin kita agad,” ibubulong ni Xenon.
Walang lalabas na boses sa bibig ni Zeke kahit na binubuka na niya ito. Napapanganga lamang siya. Kung nagulat na siya sa pagsigaw ni Ace ay mas gulat na gulat siya kay Xenon. Ang bilis ng reflexes nito at nagawa nitong saluhin siya sa isang kurap lang ng mga mata.
“Huwag ka na ulit lalapit kay Ace kapag ganito. Ganyan lang talaga siya kapag hindi nasusunod ang plano,” ipapaliwanag ni Xenon.
Tatayo nang maayos at tuwid si Zeke. Kakalas siya mula sa pagkakahawak ni Xenon sa kanya. “S-Sige. Na-curious lang din ako sa tinitingnan niya kaya napalapit ako. Promise ‘di na mauulit.”
“Kung gusto mo makita, sa akin ka lumapit,” isasaad ni Xenon. At saka ito babalik ng pwesto nito. Si Zeke ang papaupuin nito sa upuan. Si Xenon ay mananatiling nakatayo sa likuran ni Zeke. Kukunin nito ang headset at kagaya ni Ace ay hindi nito ito susuoting nang maayos, isasabit niya lamang ito sa likuran ng ulo at itatapat ang isang speaker sa tenga at ang microphone sa bibig.
Itututok ni Zeke ang tingin sa monitor. Ganoon pa rin ang napapanuod niya. Buhay pa rin ang chemira at tila pinaglalaruan ni Ford. Lumalapit na kay Ford ang ilan sa kasamahan nito’t kinakausap ito na hindi alam ni Zeke kung ano ang pinagsasabi ng mga ito. Bahagyang lilingon si Zeke kay Xenon. Hindi siya sigurado kung naririnig ba ni Xenon ang usapan ni Ford at ng mga kasama nito. Ngunit agad niya rin ibabalik ang tingin sa monitor. Hindi naman na importante kung malaman niya ang usapan ng mga ito o hindi. Bago lamang siya rito at hindi siya Dream Walker.
Mapapanuod niya ang pag-upo ni Ford sa mismong harapan ng chemira, titingkayad itong uupo. Hindi man naririnig ni Zeke ang boses ni Ford ay masasabi niya na tumatawa ito dahil gumagalaw ang balikat nito’t nakangisi. Pero hindi ito nagtagal at mawawala ang ngisi nito sa mga labi, blangko na ang mukha. Walang kasigla-sigla na itututok ni Ford ang baril sa isang ulo ng chemira. Pipihitin nito ang trigger. Tila wala lang kay Ford ang pagbulwak ng ulo ng chemira, at ang pagkakalat ng dugo nito sa suot na damit, pati na rin sa mukha nito. Walang emosyon na pupunasan nito ang mukha gamit ang kaliwang kamay. Pawisik din nito na aalisin ang dugo mula sa kamay.
“Gago talaga ‘tong Ford na ‘to,” ikokomento ni Ace.
“Sinabi mo pa, Ace,” maririnig na pagsang-ayon ng lalaki na katabi ni Ace sa kanan.
Ibabaling na sana ni Zeke ang paningin paalis ng monitor nang biglang humarap si Ford sa direksyon kung nasaan ang CCTV camera. Mapapatigil siya sa gagawin nitong pagkindat at pangiting pagngisi na tila may nilalandi ito na nanunuod sa kanya, tila alam nito na nanunuod si Zeke. Wala naman itong iba na bagong sinubukan na landiin kundi si Zeke.
“Puta. Anong ginagawa ng gagong ‘to? Sino ang nilalandi nito?” mabilis na sisihap si Ace.
“Tigilan mo ‘yan, Ford. Sinabi na sa ‘yo. Off-limits ka,” may diin na isasabi ni Xenon bago nito ilalapag ang headset sa sabitan nito.
Kukunin ni Xenon ang atensyon ng lahat na madali nitong nagawa. Nakatingin na kaagad ang siyam na pares ng mga mata sa dako nila. “Mauuna na kami sa inyo. Anong oras na’t nawala sa isip ko dahil sa emergency. Pero bago kami aalis ipapakilala ko muna kayong lahat,” iaani Xenon.
Unang ituturo ni Xenon ang nakaupo sa kaliwa nito. “Mahal ko, siya si Hadji.”
Ilalahad ni Hadji ang isang kamay. “Nice meeting you, Zeke.”
Aabutin naman ito ni Zeke nang walang pag-alinlangan. “Ganoon din ako, Hadji.”
Isusunod ni Xenon ang nasa kanan ni Ace na papangalanan nitong Clark. Iisa-isahin pa ni Xenon ang pagpapakilala ngunit bibilisan na rin nito. Alam nito na kumakalam na ang tiyan ni Zeke. Walang magiging problema sa part ni Zeke ang pagpapakilala ni Xenon ng mga kasamahan. Ngunit hindi nito mapapakilala ang mga mahal nito sa buhay dahil madaling araw na nga, nagpapahinga na ang mga ito.
Lalakas ang pagkalam ng tiyan ni Zeke na dahilan ng pagmamadali na ni Xenon na matapos ang pagpapakilala ng lahat. Nahihiyang kakagatin ni Zeke ang kanyang ibabang labi. Ramdam na ramdam niya ang kahihiyan lalo pa na tumunog ang tiyan niya sa harap ng mga kaibigan ni Xenon. Hindi na nga nagtagal pa ay natapos din ang pagpapakilala. Mabilis silang lalabas ng quarters at tutungo sa pinakaibabang palapag kung nasaan ang food station na bukas ng bente-kwatro oras.
Titingnan ni Zeke si Xenon na tatakbo agad pagkapasok pa lang nila ng food station upang kumuha ng tray. Mabilis itong babalik sa kinatatayuan ni Zeke. “Tara. Pili ka ng gusto mong kainin? O gusto mo ako ang kainin mo?”