CHAPTER FIVE

1196 Words
Dyna’s pov DALAWANG BUWAN na ang nakalipas ay masasabi ni Dyna na nagbago na ang kanyang buhay sa pagdating ni Bernard. Kalaunan ay tinanggap niya rin ang inaalok nito. Umalis na siya sa club at nagtayo na lamang ng sari-sari store sa tapat ng kanilang bahay. Ayaw man pumayag ni Ate Lorna na umalis siya sa club dahil siya ang nagdadala ng pera sa club nito ay wala naman itong nagawa lalo pa nang bigyan ito ng pera ni Bernard kapalit ng kanyang kalayaan. Lahat ng pinangako sa kanya ni Bernard ay tinupad nito. Wala ring nagbago sa pakikitungo nito sa kanya. Lalo pa nga itong naging malapit sa kanyang puso. Hindi nga lang siya pumayag na ibili siya nito ng bahay, bagkus ay tinubos ni Bernard ang lupang naisangla niya at ipinarenovate pa nito ang kanilang bahay. Lahat ng kailangan niya ay ibinibigay ng lalaki sa kanya. Lahat din ng kailangan ng kanyang Lola Mila ay naibibigay na niya. Wala na siyang pakialam kung anuman ang sasabihin ng mga tao sa kanila. Kahit pa nagiging usap-usapan siya sa kanilang bayan ay hindi na niya iyon iniinda. Kahit pa ipamukha sa kanya ng mga kapitbahay niya na kabit siya ay hindi niya iyon pinapansin. Ang importante na lamang sa kanya ay ang kanyang pamilya at kabilang na si Bernard doon na inaalagaan siya at minamahal. Napangiti si Dyna nang makatanggap siya ng tawag mula kay Bernard. Ibinili rin siya ng cellphone ni Bernard para kahit nasaan man ito ay natatawagan siya nito. Tulad ng nakagawian ay siya ang gusto nitong kasabay sa hapunan. Kung minsan ay sa bahay rin nila natutulog si Bernard. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin naibibigay ang kanyang p********e kay Bernard. Ayon pa kay Bernard ay hindi iyon mahalaga rito. Kailanman ay hindi siya kinulit ni Bernard tungkol sa pagtatalik pero kung sakali na man na hilingin nito ay ibibigay niya rito ang kanyang iniingatang p********e. Hindi mahirap mahalin si Bernard. Mabuti itong tao at higit sa lahat ay mahal ang kanyang pamilya. “Diyan sana ako kakain,” wika sa kanya ni Bernard. Napansin niyang malungkot ang tinig nito. Naisip niyang baka nag-away na naman ito at ng asawa nito. Ayon pa kay Bernard ay walang araw na hindi ito inaaway ng asawa. Ayaw niya naman magtanong sa problema ng mga ito. Kabit pa rin siya at wala siyang karapatang magreklamo. “Anong gusto mong ulam?” tanong niya sa malambing na tinig. “Chicken Adobo. Spicy,” sagot ni Bernard kaya napangiti siya. “Hindi ka ba nagsasawa?” natatawa niyang tanong sa kabilang linya. “Nang isang araw lang ay ‘yan ang ulam mo ah,” dagdag niya pang wika. Mabuti na lamang at meron pa siya sa refrigarator dahil ayon pa rito ay masarap daw ang adobo kapag tumatagal. Plano niyang initin na lamang iyon. Sa isang linggo ay tatlong beses yata ito kung mag-ulam ng chicken adobo. Simpleng tao lamang si Bernard. Hindi ito tulad ng ibang pulitiko na mayabang at masamang tao. “Paborito kasi namin ni Arwin ang chicken adobo,” wika pa ni Bernard sa kabilang linya. Ang tinutukoy nito ay ang anak na lumaki sa Manila. Alam niya kung gaano nangungulila si Bernard sa anak nito pero wala itong magawa dahil ayaw ni Arwin sa San Nicolas. Ayon pa kay Bernard ay hindi ito tanggap ng mother-in-law nito. “Anong oras ka ba darating?” pag-iiba niya ng usapan. “Actually, malapit na ako sa bahay niyo,” wika ni Bernard kaya natawa na lamang siya. Napapailing na ibinaba niya ang cellphone. Tinawag niya si Dino at pinabuksan ang gate. Kung dati ay yari lamang iyon sa kawayan ngayon ay yari na sa bakal ang kanilang gate. Biglang asenso nga ang kanilang buhay. Tanggap ni Dino ang relasyon niya kay Bernard. Natuwa pa nga ito dahil umalis na siya sa club. Malapit din ito kay Bernard. Pagpasok ni Bernard sa loob ng bahay ay nakaakbay na ito kay Dino. May dalang prutas si Bernard at bitbit iyon ni Dino. Napangiting lumapit siya kay Bernard. Tulad ng nakasanayan ay lumapit siya kay Bernard at kinantilan ito ng halik sa labi. Mabilis na halik lamang ang namamagitan sa kanila at wala ng iba. Yumakap siya kay Bernard. Ganoon lang sila palagi. Sa ganoong paraan ay napapakita na nila na mahal nila ang isat-isa. Sa bahay nila nagpalipas ng gabi si Bernard. Katabi niya ito sa kama habang nakayakap siya rito. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagselfie siya kasama si Bernard. “Hindi ka ba nahihiya na matanda ang kasama mo ngayon?” tanong sa kanya ni Bernard. Tiningnan niya ito. Lungkot ang nababakas niya sa mga mata nito. Hindi siya sanay na makitang malungkot ito. Mukhang may malaki itong problema. “Bakit mo naman naisip ‘yan? Ako nga ang nag-aalala na baka pagod ka’na sa ganitong set-up. Wala ka namang napapala sa akin. Hindi ko naibibigay ang gusto mo,” wika niya sa lalaki. “Masaya ako sa’yo Dyna at iginagalang kita. Gusto ko ibigay mo ang iniingatan mong p********e sa lalaking mahal mo,” sagot sa kanya ni Bernard kaya napakunot noo siya. “Mahal naman kita,” wika niya pa. Natutunan niya na itong mahalin. “Ang tinutukoy ko ay ibang lalaki na mamahalin ka ng buong-buo,” wika pa ni Bernard. “Naguluhan yata ako dun. Pinamimimigay mo na yata ako,” wika niya pa sa lalaki. “Kung nandito lang sana ang anak ko ay itutulak ko siyang ikaw ang pakasalan,” wika pa ni Bernard sa kanya kaya nanlaki ang kanyang mga mata. “Para naman tinuhog ko kayong mag-ama niyan,” wika niya sa naisip ni Bernard. “Malinis ka Dyna. ‘Wag na ‘wag mong iisipin na marumi ka,” wika pa sa kanya ni Bernard kaya napangiti na lamang siya. “Alam mo kung saan ako nanggaling Bernard. Ginagamit ko ang katawan ko upang magkapera,” wika niya pa sa lalaki sa malungkot na boses. Hindi siya sa santo at lalong hindi siya nagmamalinis. “Kaya nga kita tinulungan dahil alam kong mabuti kang tao. Mahal kita Dyna at hindi ko hahayaan na mabaon ka sa iyong nakaraan. Mangarap ka ulit,” wika pa ni Bernard sa kanya. “Nasa tabi mo lamang ako at susuportahan kita,” nakangiting wika sa kanya ni Bernard. Likas na napakabuti ng puso nito. Bihira lamang ang lalaking may ganitong pag-unawa at pagrespeto sa mga katulad niya. Kung ibang lalaki lang ang kanyang katabi ngayon tiyak na gagalawin siya ng paulit-ulit at ang masaklap pa ay paulit-ulit na isusumbat sa kanya ang kanyang dating trabaho. Sa piling ni Bernard ay nararamdaman niyang isa siyang malinis na babae. “Mahal na kita Bernard,” wika niya sa lalaki. Hinaplos nito ang kanyang mukha at kinantilan siya ng halik sa noo. “Mahal din kita,” sagot rin ni Bernard sa kanya. Yumakap siya sa lalaki at ipinikit na ang mga mata. May lumandas na luha sa kanyang mga mata at hindi niya alam kung para saan ang luhang iyon. Isa lang ang alam niya. Masaya siya ngayon. Masaya siyang ito ang kasama kahit na sa maling paraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD