Dyna's pov
SIMULA nang sumayaw siyang naka-two piece ay dinagsa na ang kanilang club. Pagpasok niya pa lang ay punong-puno na nang costumer. Lahat ay naghihintay sa kanya. Sa kanyang performance at sa kanyang magic hands na naghahatid kaligayahan.
Pero nang gabing iyon ay kakaiba. May mamahaling sasakyan na nakaparada sa labas ng club. Bihira lamang iyon dahil pili lang naman sa kanilang lugar ang may ganoong sasakyan. Mukhang may napadpad na yayamanin. Sana lang ay mapunta sa kanya ang may-ari ng sasakyang na nakaparada sa labas.
Ganado si Dyna sa kanyang performance ng gabing iyon lalo pa at hindi magkamayaw ang kanyang mga manunuod. Mabuti na lamang ay mautak si Ate Lorna. Naisipan nitong maglagay ng kahon sa harapan ng stage. Ang mga manunuod ay sunod-sunod na naglalagay ng pera.
Gumiling siya malapit sa box kaya naman agad na may lumapit na lalaki. Kunwari ay maghuhulog ng pera pero ang totoo ay gusto lamang na mahaplos siya. Hindi niya alam kung matutuwa siya dahil pinagnanasaan siya ng mga naroon. Makasalanan ang kanyang alindog.
Oo at hindi ang sagot niya kung masaya nga ba siya.
Oo dahil marami siyang maiuuwing pera. Makakabayad siya ng kanyang utang.
At hindi naman dahil kumikita siya sa maling paraan.
Hinawakan niya ang lalaki na naghulog ng limang daan sa kahon. Hinawakan niya ang mukha nito. Haplos na may halong pang-aakit.
Kinindatan niya ito.
Kulang na lamang ay sumigaw ito dahil sa kanyang ginawa. Kilig na kilig ito. Nabigla pa siya nang abutin nito ang kanyang kamay at kaagad na hinalikan. Hinayaan niya lang ito. Malaki naman ang ibinigay nito sa kahon. Sulit na sa halik sa kamay niya.
Ang kanyang dibdib ay umaalog sa bawat paggiling niya. Sinadya niya iyon upang mas ganahan ang kanyang mga panauhin. Sa muli niyang pagyuko ay nakita ang kanyang malulusog na dibdib.
Nakakabinging hiyawan ang narinig niya.
Pagkatapos ng kanyang performance ay bumalik siya sa dressing room upang magpalit.
Nagulat pa siya nang makita si Ate Lorna. Nakaabang na ito sa kanya.
"Bakit?" tanong niya. Sexy rin kung manamit si Ate Lorna. Nakaluwa rin ang dibdib nito sa suot na tube dress.
"Bayad na ang gabi mo," wika nito sa kanya. Nakakunot ang kanyang noo dahil sa sinabi nito.
Sa isang gabi ay nakakalimang costumer siya
"Sa iisang tao lang? Baka lugi tayo diyan," reklamo niyang sinuot ang kanyang lingerie black dress. Hindi siya papayag na malugi.
Nakakapagod kayang magpaligaya ng mga manyak na lalaki tapos ngayon isa lang kanyang ka-table?
"Twenty thousand ang binigay day!" excited na wika ni Ate Lorna sa kanya. Inilabas nito ang pera at ipinakita sa kanya.
Napangiti siya. Ang daming lilibuhin. Nakakasilaw. Ang sakit sa mata. Nakakatukso.
Nang biglang may naisip siya.
"Sorry,". wika niya kay Ate Lorna. "Di bale na three thousand ang maiuwi ko. Pakibalik na lamang yan," dagdag niyang wika.
"Bakit mo ibabalik? Gaga ka ba? Pera na gagawin mo pang bato?" nanlalaki ang mga mata ni Ate Lorna sa kanya.
"You know my rules. NO s*x and ----
"No hawak-hawak!" maagap na wika ni Ate Lorna. "Alam ko na yan. Sinabi ko bang may s*x?" nanlalaki ang mga mata nito.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi?" tanong niya.
"OA ka na, pavirgin!" wika ni Ate Lorna sa kanya. Hindi niya ito pinansin.
Kahit kanino ay hindi niya sinasabi na virgin pa siya. Wala siyang pakialam kung anuman ang iisipin ng mga tao sa kanya. Basta ang rules niya ay malinaw bago siya pumasok sa club.
"Twenty thousand walang s*x? Imposible yata 'yan," wika niya pa.
Nagdududa pa rin siya
"Ang mabuti pa lumabas ka'na at ikaw na ang kumausap," wika ni Ate Lorna. "Sumasakit ang ulo ko sa'yo," dagdag pa nito sa kanya.
"Pero hindi ko pa tinatanggap ang gusto niya. Duda ako sa perang 'yan," sagot niya pa.
"Oo na, ibabalik natin ang perang ito kapag binali niya ang rules mo. Lintik na rules 'yan. Pera na magiging bato pa. Kamayin mo na lang at gamitin mo yang bibig mo!" natatawang wika ni Ate Lorna sa kanya.
Napapailing na lamang siya.
Dinala si Dyna ni Ate Lorna sa isang VIP room. Para lamang iyon sa may pera nilang costumer. Hindi pa siya nakakapasok sa silid na iyon dahil ayaw naman niya ng s*x.
"Ate Lorna, baka gahasain ako rito ha," kinakabahan niyang wika sa may-ari ng club.
"Nasa labas lang ako. Sumigaw ka lang," sagot ni Ate Lorna sa kanya. "Mas maganda kung ikaw ang gumahasa sa kanya," wika pa nitong natatawa.
Huminga muna siya nang malalim bago siya pumasok sa VIP room.
Nagulat pa si Dyna sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Walang iba kundi si Congressman Bernard Española. Kilala ito sa buong bayan ng San Nicolas.
Kahit may edad na si Congressman Bernard ay gwapo pa rin. Ang linis nitong tingnan.
"Maupo ka," nakangiting wika sa kanya nito. Atubili siyang umupo sa tabi nito. May maliit na table sa silid na iyon at may pagkain.
Nagulat pa siya ng iabot ni Congressman ang jacket nito sa kanya.
"Isuot mo," utos nito sa kanya.
Upang hindi maasiwa sa kanyang itsura ay tinanggap niya iyon.
Mabango ang leather jacket nito. Hindi mo maaamoy na amoy matanda na ang may-ari no'n.
"Napakaganda mo nga talaga. Marami akong naririnig tungkol sa'yo. Hindi ko akalain na may napakaganda pa lang babae sa lugar namin. Pakiramdam ko ay isa kang diwata na naligaw dito sa lupa," puri pa nito sa kanya.
"Salamat po Congressman pero po, mali ang babae na kinuha ninyo. I have rules po at hindi ko maibibigay ang gusto ninyo," prangka niya sa kaharap.
"Hindi mali dahil wala naman tayong gagawin. Hindi ako namimilit ng babae," wika nito sa kanya kaya napatingin siya dito. "Gusto kitang makilala," wika ni Congressman Bernard sa kanya.
"Bakit po?" tanong niya. "Ang ibig kong sabihin at bakit mo ako gustong makilala?" paglilinaw niya sa lalaking kaharap.
"Hindi ko nga rin alam Dyna," wika nito. Alam na rin pala nito ang kanyang pangalan. "Kanina habang pinapanood kitang sumasayaw tila may naramdaman akong kakaiba na hindi ko masabi kung ano," dagdag pa nitong wika sa kanya.
"Sorry Congressman pero gusto ko sana maging prangka. Sanay kasi ako na ang naramdaman sa akin ng mga manunuod ay libog, " wika sa kaharap.
Umiling ito sa kanyang sinabi
"I like you," nakangiting wika sa kanya ni Congressman.
"And?" tanong niya. Akala yata nito ay hindi siya marunong mag-english.
"Ibibigay ko lahat ng gusto mo. Money, house everything you want. Name it," wika nito.
Siya naman ang natigilan sa inaalok ng kaharap
"Anong kondisyon mo?" tanong niya.
"Mahalin mo ako. Pagkatiwalaan mo ako. Hindi kita pipilitin sa ayaw mo Dyna. I respect your rules," wika pa ni Congressman Bernard sa kanya.
"Ibabahay mo ako?" paglilinaw niya.
"Oo," sagot ng lalaki sa kanya kaya natigilan siya. "Babaguhin ko ang buhay mo," wika pa nito sa kanya.
Sa bahagi ng kanyang utak ay gusto niyang pumayag pero kinakabahan pa rin siya. Ngayon niya lang nakita at nakaharap.
"Nakakabigla ba ang offer ko? Pasensiya ka'na. Nahawa ako sa pagiging prangka mo," wika pa sa kanya ni Congressman Bernard.
Natawa siya sa sinabi nito.
"Hindi lang ako sanay na ganito. Kaya kapag may bago akong costumer, gusto ko malinaw kaagad," sagot niya.
"Kumain na muna tayo at nagugutom na ako," wika sa kanya ni Congressman.
"Hindi mo ba ako hahalikan, hihipuan?" tanong niya ulit. Ibang-iba ito sa kanyang mga costumer na kulang na lang ay sunggaban siya upang tikman
Tumawa ito sa kanyang sinabi.
"Prangka ka talaga ano?" nakangiti nitong tanong sa kanya. Nasilayan niya ang mapuputi nitong ngipin.
Kaakit-akit pa rin itong pagmasdan.
"Kapag napaibig na kita," sagot sa kanya ni Congressman kaya napangiti na lamang siya. Ang gaan ng loob niya kay Congressman Bernard. Sana lang ay totoo ang ipinapakita nito sa kanya at hindi lamang sa simula
HINDI na tinigilan si Dyna ni Congressman Bernard. Kapag nasa club ito ay nasa lalaki lamang ang kanyang buong gabi. Wala silang ginagawa kundi ang mag-usap at kumain. Kung anu-ano rin ang pinapadala nito sa kanilang bahay. Tila jackpot siya sa pagdating ni Congressman sa kanyang buhay. Likas na napakabait nito. Hindi ito nakakalimot na tumawag sa kanya.
At aaminin niya. Nahuhulog na siya sa lalaki kahit pa doble ang edad nito sa kanya. Ang ipinag-aalala niya lang ay may asawa si Congressman Bernard.
Pero tama si Ate Lorna. Kailangan niyang maging practikal. Bihira lang ang swerte kung dumating.
Kailangan niya si Bernard para mabago niya ang kanyang buhay.
Para makaahon siya sa putik at mabigyan ng magandang buhay ang Lola Mila niya at si Dino.
Si Bernard, ang sagot sa kanyang kahirapan.