CHAPTER EIGHTEEN

1592 Words

Dyna's pov ALUMPIHIT na lumabas siya ng gym. Nahihiya rin siya na makita ni Mang Nilo ang kanyang katawan. Kahit pa sabihin niyang galing siya ng club ay may konting kahihiyan pa rin siyang natitira sa katawan. Huminga siya nang malalim bago tuluyang naglakad. Kahit nahihiya ay taas noo siyang naglakad papunta sa pool. Madilim sa bahaging iyon pero may mga ilaw naman. Sa tingin niya ay sinadya ni Arwin na 'wag buksan ang ibang ilaw. Mukhang may binabalak na naman ito sa kanya. Napansin niya nakaupo si Arwin sa may pool. May ilaw na tumatama sa mukha nito. Napansin niya ang pagkagat ng labi ni Arwin nang makita siya. Napansin niya rin ang dalawang bote ng wine at wine glass sa tabi nito. Lumapit siya sa lalaki. Nawala ang kanyang hiya nang makita niya ang paghanga sa mukha ni Arwin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD