Dyna’s pov HINDI NIYA alam kung saan ba siya nasarapan. Kung sa pagkaing hinanda ni Arwin o kung sa naglulumikot nitong mga kamay na talaga namang naghahatid ng kakaibang ligaya sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit nadadala siya sa ginagawa sa kanya ni Arwin. Hindi niya maitatanggi sa kanyang sarili na nadadala siya sa ginagawa ng lalaki. Hindi niya ito kayang tanggihan sa anumang naisin nito. Ngayon niya lamang nararanasan ang ganitong pagnanasa sa tanang buhay niya. Nasanay kasi siyang siya ang pinagnanasaan ng mga tao, pero siya ay wala siyang maramdaman na kahit ano mang pagnanasa. Ngayon lamang. Ang masakit, ang pagnanasang kanyang nararamdaman ay para sa kanyang kaaway. Masarap sanang mahalin si Arwin pero alam niyang hindi dapat. Hindi niya ito kilala at hindi niya alam