Arwin’s pov ISANG TAWAG ang natanggap ni Arwin muna sa kanyang bestfriend na si Attorney Hendrix Thomas. May ari ito ng isang law firm sa Manila. Galing din sa kilalang pamilya. Magkaibang-magkaiba sila ni Hendrix. Seryoso ito sa buhay at pagpapayaman ang palaging inaatupad kahit pa ubod ng yaman na samantalang siya ay happy go lucky at umaasa lamang sa kanyang abuela. Sa madaling salita ay matino si Hendrix kaysa sa kanya. Habulin din ito ng babae, iyon nga lang ay mahiyain. “What’s up?” tanong niya sa kabilang linya. Kahit kausao niya si Hendrix ay nakatitig naman ang kanyang mga mata kay Dyna habang nag-aayos ng bahay. “Akala ko ay nakalimutan mo na ako ah?” natatawa niyang wika. “Hindi ko akalain na ang isang Arwin na happy go lucky ay nag-stay sa probinsiya nang mahigit isang buwa