Arwin’s pov
HINDI MAPIGILANG hindi magtaka si Arwin kung saan pupunta ang kanyang ama. Burol ng kanyang Mama Rita pero ang magaling niyang ama ay kasama ang driver nito at palihim na umalis ng bahay. Napatingin siya pambisig na oras. Alas diyes na ng gabi.
Napansin niya ang motor ng kanyang kaibigan. Nakatulog ito sa sala dahil sa kalasingan. Mabilis na kinuha niya sa bulsa nito ang susi ng motor at nagmamadaling umalis ng bahay. Kailangan niyang masundan ang ama. Madilim na sa buong paligid. Hindi katulad sa Maynila na kahit umalis ka ng madaling araw ay parang umaga pa rin sa dami ng tao. Wala siyang nakakasalubong man lang na tao sa daan. Malayo ang agwat niya sa sasakyan ng kanyang ama. Ayaw niyang malaman nito na nakasunod siya.
Ilang sandali pa ay huminto ang sasakyan ng kanyang ama sa isang bahay. Ikinubli niya ang kanyang motor at pinatay iyon. Dahan-dahan siyang lumapit upang mas makita niya ng malapitan. Bumaba ang kanyang ama sa sasakyan. Pagbaba nito ay may sumalubong naman na babae at pinagbuksan ito ng gate na hanggang dibdib niya lamang ang taas. Kitang-kita niyang yumakap ang babaeng maiksi ang suot na short sa kanyang ama at sabay na pumasok ang mga ito ng bahay. Nanggigil siya sa nasaksihan. Hindi na siya nakapagtimpi pa at mabilis na lumapit sa bahay na iyon. Walang mga delikadesa. Hindi man lang makapaghintay na mailibing ang kanyang ina.
“Sir Arwin?” gulat na gulat na tanong sa kanya ng driver ng ama. “Anong ginagawa niyo rito?” tanong pa ni Mang Nilo sa kanya. Bigla ay nataranta ito nang makita siya. Hindi nito malaman ang gagawin.
Hindi niya ito pinansin at mabilis na pumasok siya sa gate nang babae ng kanyang ama. Napansin niya hindi nakasara ang main door na gawa lamang sa plywood. Itinulak niya iyon kung kaya tumambad sa kanya ang ama habang kayakap nito ang kabit nito.
Napansin niyang natigilan ang kanyang ama sa pagsulpot niya. Wala naman talaga siyang plano na magpakita sa mga ito pero dala na rin siguro ng emosyon ay hindi niya napigilan ang sarili kung kaya sinugod niya na ang ama at kabit nito.
“Arwin?” wika ng ama niya. Gulat na gulat ito. Tinalo pa nito ang nakakita ng multo.
Sa wakas ay nakita niya na rin ang babae nito at hindi niya akalain napakabata pa ng kabit ng kanyang ama. Hindi lamang bata kundi napakaganda pa nito. Ganun pa man ay kabit pa rin ito. Anong kwenta ng ganda ng ganda nito kung pumapatol naman sa may asawa na. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang tumibok ang kanyang puso. Siguro ay dala na rin ng galit.
“Tama nga ako,” napapailing niyang wika. “Kasalanan niyong dalawa kung bakit namatay si Mama,” wika niya sa dalawang kaharap. “Ano Pa? Wala ka bang kahihiyan? Nasa loob pa ng kabaong ang asawa mo pero nandito ka’na sa kabit mo? Hindi ba makapaghintay ‘yang kabit mo?” tanong niyang napatingin sa babae nito. Tiningnan niya ito mula paa hanggang ulo and she was perfect. Napakaganda ng babaeng kaharap niya. Talagang magkakandarapa rito ang kanyang ama. Sariwa pero bulok naman ang loob.
Napayuko ang babae ng kanyang ama. May kahihiyan pa pala itong nararamdaman.
“Walang kasalanan si Dyna, Arwin. Labas siya rito,” wika pa ng kanyang ama. Pinagtatanggol pa talaga nito ang kabit nito. Perfect couple.
Mahinahon pa rin ang tinig ng kanyang ama.
“Kasalanan niyong dalawa kung bakit nawala ang Mama ko,” galit niyang wika sa dalawang kaharap.
“Umuwi na tayo,” wika ng kanyang ama sabay hawak sa kanyang kamay pero tinabig niya ang kamay nito.
“Kinakampihan kita kay Lola dahil akala ko siya ang mali pero kitang-kita na ng mga mata ko. Sinaktan mo si Mama. Kayo ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay,” sumbat niya pa sa amang galit na galit. “Hindi na kayo nahiya sa sarili ninyo. Hindi niyo na ginalang si Mama. Ano bang ginawa niyang mali para saktan mo siya ng ganito?” usig niya pa.
“Stop it Arwin. Umuwi na tayo,” wika pa ng kanyang ama.
Naiinis na siya sa pagiging mahinahon nito. Hindi man lang ito naapektuhan na galit na galit siya sa kanyang natuklasan.
Napakuyom siya sa kanyang kamao. Gusto niyang suntukin ang ama para magising ito pero hindi niya magawa.
“Gaano ba kasarap ang babaeng ito Pa at mukhang ibinahay mo na yata? I’m telling you pera niya lang ang habol niya. This woman is a homewrecker,” dagdag niya pa sabay duro sa babaeng kaharap.
Nabigla pa siya ng suntukin siya ng ama. Nalasan niya ang dugo sa kanyang labi dahil sa ginawa ng kanyang ama.
“Bernard!” sigaw ng babae sabay yakap sa kanyang ama. Dinaluhan kaagad nito ang kanyang ama kaya masama ang tinginna ipinukol niya sa dalawa.
“Perfect couple,” wika niyang nakangisi sa ama at sa babae nito.
“Hindi mo kilala si Dyna at ‘wag mo siyang pagsasalitaan ng ganyan. Kung may problema man kami ng Mama mo ay labas si Dyna. Wala kang alam Arwin dahil kahit minsan ay hindi mo naman inalam kung kumusta kami ng Mama mo,” wika pa sa kanya ng ama. This time ay galit na ito sa kanya. “Wala kang alam dahil kahit minsan ay hindi mo inalam,” madiin pang wika ng kanyang ama sa kanya.
Natigilan siya sa sinabi ng ama.
Aminado siya sa sinasabi ng ama niya pero hindi para lokohin nito ang kanyang Mama. Isa lang ang malinaw sa kanya. Nagpakamatay ang kanyang ina dahil sa pangangaliwa ng kanyang ama. Dahil sa babaeng kaharap niya ngayon.
“Umalis ka’na kung ayaw mo na kaladkarin kita palabas,” wika pa ng kanyang ama sa kanya.
Hindi niya mapigilang magalit. Bakit siya pa ang mali para sa kanyang ama? Samantalang ito ang nanakit sa kanyang ina. Ito ang nagloko. Namatayan din naman siya ng ina at pinagtanggol niya lamang ang ina na ngayon ay isa nang malamig na bangkay.
Tinitigan niya ang babaeng nakayakap sa ama.
“Isa ka lang langaw na nakatungtong sa kalabaw. Kailanman ay hindi mo pwedeng palitan si Mama,” wika niya pa sa babae ng kanyang ama bago siya lumabas. Nagliliyab pa rin siya sa galit dahil sa nangyari. Marami pa sana siyang gustong sabihin sa babae ng kanyang ama pero wala siyang pagkakataon. Nakahanap lang naman ito ng padrino sa pamamagitan ng kanyang ama kung kaya hindi niya pwedeng kantihin. Kitang-kita naman na nalasonna nito ang utak ng kanyang ama. Wala nang mas mahalaga pa sa kanyang kundi ang Dyna na yun.
Mabilis niyang tinungo ang motor na ginamit niya kanina. Pinaandar niya iyon palayo sa bahay nang babae ng kanyang ama. Kung akala ng Dyna na iyon na magagatasan nito ang kanyang ama ay nagkakamali ito. Siya ang magiging hadlang sa mga plano nito. Hindi siya tanga para isipin na mahal nito ang kanyang ama. Sixty-five na ang kanyang ama at sa tingin niya ay mga nasa twenties lang ang edad ng Dyna na iyon.
Pera, iyon ang dahilan kung kaya pinatulan nito ang kanyang ama. Kalokohan kung sasabihin nito na mahal nito ang kanyang ama.
************
Dyna’s pov
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang pagkikita nila ng anak ni Bernard. Aminado siyang napakagwapo ni Arwin. Akala niya nga kung sino lang ito na pumasok sa kanyang bahay. Mukha itong artista. Hindi niya akalain na ito pala ang anak ni Bernard na si Arwin.
Ganun pa man ay mas hamak naman na maginoo si Bernard kaysa kay Arwin. Hindi niya matanggap na tinawag siya nitong homewrecker. Sira na ang pamilya ni Bernard bago siya pumasok sa buhay nito. Hindi niya rin kasalanan na nagpakamatay ang ina nito. Isa pa kinausap siya ni Bernard na may problema ito sa asawa. Hindi nga lang siya nagtatanong kung ano iyon. Hindi niya rin masisisi si Arwin na siya sisihin nito lalo pa at siya naman talaga ang babae ng ama nito.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Oo at pera ang inisip niya kung kaya niya pinatulan ang ama nito pero minahal niya si Bernard. Sa lahat ng lalaki ay si Bernard lamang ang nagpakita ng respeto sa kanya.
“Magkano ka?” tanong ng isang tinig sa kanya kung kaya natigilan siya.
Abala siya sa pag-aayos ng kanyang paninda kung kaya hindi niya namalayan na may nakapasok na pala sa bukas nilang gate. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang makita niya si Arwin. Kung pwede nga lang tumakbo siya at pumasok sa loob ng kanyang tindahan ay ginawa niya na pero hindi.
Hindi siya takot.
Wala siyang kinatatakutan.
Taas noo siyang tumingin kay Arwin. Puting polo ang suot nito at maong na pantalon. Bahagyang nakalabas ang matitipunong dibdib nito kung kaya napapalunok siya. Huminga siya ng malalim.
“Anong kailangan mo?” tanong niya.
“Hindi ko na kailangan pang ulitin dahil alam ko naman na narinig mo,” wika pa sa kanya ni Arwin.
“Hindi mo ako kayang bilhin,” matapang niyang sagot.
“Dahil alam mo na mas malaki ang makukuha mo sa ama ko?” akusa pa sa kanya ni Arwin.
Tila natutunaw siya sa paraan ng pagtitig nito. Ang galit sa mga mata ni Arwin ay hindi niya kayang salubungin.
“Alam mo naman pala ang sagot bakit nagtatanong ka pa?” pauyam niyang sagot.
“Bilib din naman ako sa’yo. Ginagawa mong puhunan ang katawan mo upang magkapera,” wika pa sa kanya ni Arwin.
“Kung tapos ka’na sa sasabihin mo ay makakaalis ka na.”
“Hindi ko mapigilang maawa sa katulad mo. Pang-ilan na ba si Papa sa buhay mo?” tanong pa ni Arwin sa kanya. “Pang bente? O baka naman pang isang daan na siya sa buhay mo,” pang-iinsulto pa nito sa kanya.
Kahit gigil na gigil na siya ay hindi siya nagpapakita ng pagkapikon. Alam niya ang gusto ni Arwin. Ang hamakin at galitin siya. Kahit nagtatagumpay pa itong laitin siya ay hindi niya iyon ipapakita. Sanay na siya sa ganitong mga intriga.
“Hindi mo ako kailangan kaawaan. Besides, katawan ko ito. Salamat sa concern mo,” sagot niya pa. Hindi niya pinansin ang huli nitong sinabi dahil hindi niya kailangang linisin ang sarili para sa kagustuhan nito.
Tatalikuran niya sana ito nang bigla siya nitong siniil ng halik. Marahas ang halik nito at pilit na sinasakop ang kanyang bibig. Ang kamay nito ay mabilis na ipinasok sa kanyang dibdib. Akmang tutugunin niya na ang halik nito ng maalala niya kung ano ang sadya ni Arwin sa kanya. Mabilis niya itong itinulak at kaagad na sinampal.
“Kontento na ako sa ama mo kaya makakaalis ka’na!” pagtataboy niya pa kay Arwin.
Ngumisi lang sa kanya si Arwin. Pakiramdam niya ay nagkulay makopa ang kanyang mukha dahil sa mabilis na halik na namagitan sa kanilang dalawa.
“Wag kang makakasiguro dahil ang mga katulad mo ay basang-basa ko na. Hanggat nabubuhay ako ay hindi ko hahayaan na makuha mo si Papa,” madilim ang mukha na wika sa kanya ni Arwin bago siya nito iniwan.
Napabuntong-hininga na lamang siya nang mawala si Arwin sa kanyang paningin. Napahawak siya sa kanyang labi kung saan ay hinalikan siya nito. Si Arwin lamang ang kauna-unahang lalaking humalik sa kanya ng ganoon karahas. Sa tuwing na hinahalikan kasi siya ni Bernard ay dampi lamang. Ayaw nitong maging malalim ang halik na pagsasaluhan nila.
Pero kay Arwin, naramdaman niya ang dila nito sa loob ng dila niya. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng pagnanasa. Ang init ng halik nito ay nakakawala sa sarili.
Napailing na lamang siya. Kaaway ang turing sa kanya ni Arwin. A homewrecker. Mababang uri ng babae ang tingin nito sa kanya kug kaya wala siyang karapatan para makaramdam ng pagnanasa sa lalaki. Isa pa, anak ito ng kanyang kabit. Hinatid niya ng tanaw si Arwin sakay ng sasakyan nito. Ang bilis ng pagpapatakbo nito ng sasakyan at sa kilos pa lang ng lalaki ay alam niya ng mayabang ito.