Dyna's pov SIMULA nang makita niya si Arwin ay hindi na ito nawala pa sa kanyang isipan lalo na ang halik nito na paulit-ulit niyang binabalik-balikan sa kanyang mga alaala. Hindi niya rin magawang aminin kay Bernard ang tungkol sa pagsugod ni Arwin sa kanya. Ayaw niyang mag-away pa ang mga ito nang dahil sa kanya. Alam niyang siya ang sinisisi ng mga tao kung bakit nagpakamatay ang asawa ni Bernard. Salot at kabit ang tawag sa kanya ng kanyang mga kapitbahay. Nakakabingi na nga pakinggan kung minsan. Isa lang ang nasa isip niya. Hindi ang mga ito ang nagpapakain sa kanila kaya wala siya pakialam sa mga sasabihan ng mga ito. Kanina pa tulog si Bernard sa tabi niya pero siya ay hindi dinadalaw ng antok at hindi niya alam kung bakit. "Rita," ungol ni Bernard. Tinatawag nito ang pangalan