AN: Nalalapit na naman ang pagtatapos ng story na ito at sana'y nagustuhan niyo ito tulad ng story ni Steven at Anne. ❤ ------------ "Sige na maaari ka ng umuwi sa inyo." seryosong sabi ko sa kanya at natitigilan na napatingin ito sa akin. "H-Hindi ka ba sasama sa akin?" Tanong pa niya. "Hindi na, alam kong matutuwa sila sa'yo na makita ka." sagot ko lang habang nakatingin sa malungkot niyang mukha. "O-ok, sige." sagot nito at nakayukong tumalikod sa akin. "Shiela," tawag ko sa kanya at humakbang ako palapit sa kanya. Humarap siya sa akin at nakita ko ang pamumula ng mata niya. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at dinala ko sa labi ko upang dampian ng pinong halik. "Nagtitiwala ka ba sa akin?" Tanong ko sa kanya at diretsong nakatingin ako sa mga mata niya. "H-Ha? O-Oo, Anthony