AN: Pasensya na po ulit at matagal ang update may ginagawa po kasi ako hindi makapag-focus sa pagsusulat. kape pala tayo. ☕☕☕ ----------- Six months later... "Ma? A-aray, sumasakit ang tiyan ko ma." daing ko habang nakaupo at naghihiwa ng kalabasa para sa hapunan namin. Walang nakarinig sa akin kaya tumayo ako sa kabila ng sakit na nararamdaman ko, pagdating ko sa pinto 'ay napalingon sa akin si mama habang nagpipili ng bato sa bigas na nasa bilao. "Anak, Shiela. Bakit?" Wika ni mama at napatayo bigla. Napatingin naman sa nanginginig kong tuhod at nakita ko doon ang dugo na unti-unting bumababa sa binti ko. "Ma, ang b-baby ko." Natatakot na sambit ko habang nakahawak sa gilid ng pinto. Binitawan naman ni mama ang bilao at inaalalayan ako at lumabas kami ng bakod upang mag-abang