AN: Pasensya na kayo kung nainis kayo sa part na 'yon. Ganon talaga kailangan may inis rin kahit paano para masaya. ----------- Napamulat bigla ang mata ko dahil sa kalansing ng kutsura at kung anong bagay na matinis sa tenga. Naramdaman ko na kinalag ang tali sa mga kamay ko, napatingin ko doon sa taong pumasok at lumabas na ito agad at muling ni-lock ang pinto. Dahan-dahan na kumilos ako at bumangon pakiramdam ko nanghihina na ako dahil sa sobrang gutom. Nanginginig ang kamay ng abutin ko ang isang tinapay at halos lunukin ko na ito ng walang nguya-nguya dahil sa gutom. Matapos 'yon ay inabot ko ang tubig sa bote at para akong ilang taon ng hindi nakainom dahil nagkakandatapon na ito sa damit ko sa kagustuhan kong maubos agad 'yon. Nanghihina na napasandal ako sa pader at naiiyak na