AN: Hello po sa lahat pasensya na po ulit kung natagalan ang update dito may problema lang po ako kaya hindi makapag-sulat. ☺ ---------- Dito sa bintana ay nakamata lang ako kay Shiela na palabas ng gate at alam kong umiiyak ito. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung gawin, gusto ko siya totoo 'yan. Ngunit naguguluhan ako dahil baka hindi ko siya kayang pangatawanan. Sampung minuto na ang lumipas at hindi ko maintindihan hindi ako mapakali. Shit! Bigla akong tumakbo palabas ng kuwarto at halos liparin ko ang hagdan pababa. Patakbong nilabas ko ang gate na kinagulat ng mga guard, tinanaw ko siya mula sa dulo ng kahabaan ng kalsada. Hindi ko siya makita. Putangina! Tarantado mo kasi Anthony. Pero hindi pa yon makakalayo dahil malayo ang labasan dito at bihira lang may madaan na taxi