Kabanata 3

1705 Words
MIKAEL: NAKANGUSO akong binabasa ang mga papeles for approval ko dito sa opisina ko sa munisipyo namin sa Ilocos. Isa akong public servant. Bagong luklok na mayor sa bayan namin. Si Papa talaga ang dating mayor dito. Pero dahil nagka-mild stroke ito last year, ako na ang pumalit sa pwesto nito. Marami naman akong alam sa politics. Sa barangay namin ay tatlong beses din akong naging barangay captain. Maayos at malinis ang tracked record ng pamilya namin sa pulitika. Kaya hindi na nakapagtataka na kahit unang beses kong lumaban bilang mayor ay nanalo ako. Mahal na mahal kami ng mga taong bayan. Kaya bilang sukli, ginagawa namin ng maayos ang tungkulin namin dito sa bayan. Na hindi nagbubulsa sa kaban ng taong bayan. Sa edad na bente-otso ay naging mayor na ako. Maaga akong pumasok sa pulitika dahil bata pa lang ako, public servant na ang ama ko. "Mayor?" Napaangat ako ng mukha na kumatok si Delia sa may pinto. Ang secretary ko. "Yes, Delia?" sagot ko. Tumuwid ito ng tayo na ngumiti sa akin. "May meeting po kayo with the councilors, mayor. Baka po kasi nakaligtaan niyo," saad nito. "Oh," napasinghap ako na mapasulyap sa wristwatch ko at pasado alasnueve na nga ng umaga. Mabilis kong iniligpit ang mga papeles na hindi ko pa nasusuri at itinabi ito sa mesa ko bago lumabas ng office table ko. "Thank you for reminding me, Delia. Muntik ko ng makaligtaan," saad ko na tinapik ito sa balikat. "It's my job, mayor." Nakangiting sagot nito na sumunod na sa akin. TUMULOY kami sa conference room ng munisipyo kung saan ang meeting ko. Sa susunod na kasi na buwan ang fiesta dito sa aming bayan. Kaya tambak kami sa trabaho ngayon para sa preparation ng fiesta. Ayoko namang ma-disappoint ko ang taong bayan kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para sa ikakabuti ng bayan namin. Wala akong binago sa mga patakaran na pinapatupad ng dating mayor dito sa amin. Si Papa. Bagkus ay nagdagdag pa ako ng mga projects dito at lahat ng barangay na nasasakupan ko ay pantay-pantay ang trato ko sa lahat. Mula sa pananatiling malinis at ligtas ang bayan namin, pagbibigay ng trabaho sa mga nanay kahit nasa bahay lang sila. Pagkumpleto sa mga gamot na kakailanganin ng mga tao sa lahat ng clinic ng barangay. Mga naka-duty na nurse at midwife sa weekdays. At iba pa. Mabuti na lang at mababait at may desiplina sa katawan ang mga tao dito sa amin. Sumusunod sila sa rules ng bayan kahit ang simpleng curfew time. Walang mga bata at kabataan ang pagala-gala pagsapit ng alasnueve ng gabi. Masipag din mag-ronda ang mga kapulisan sa lahat ng barangay. Kaya naman napapanatili naming ligtas at malinis ang bayan namin. Napag-usapan namin ang mga activities sa gaganaping fiesta ng bayan sa susunod na buwan. Mula sa preparation at mga gastusin ay napag-usapan namin ng mga councilor ko at mga barangay captain. Nagti-takenote naman si Delia sa tabi ko para walang makaligtaan sa mga napag-usapan namin. Matapos ang tatlong oras na meeting ay sama-sama kaming kumain sa katapat na karinderya ng munisipyo. Masaya akong nakikita na nagkakaisa ang lahat at may respeto sa opinion ng bawat isa. Na kahit ang maliliit na detalye ay napag-uusapan ng maayos. "Mayor, gusto mo po ng kape?" ani Delia. Bumalik din kasi kami ng opisina ko matapos mananghalian. Nakakapagod ang maging public servant pero kinakaya ko naman. Masaya ako sa trabaho ko. 'Yong magpasalamat lang sa akin ang mga tao at ma-appreciate nila ang mga ginagawa ko ay malaking bagay na iyon sa puso ko. Na hindi matutumbasan ng anumang halaga. "Yes, please? Parang inaantok na kasi ang diwa ko eh," sagot ko na nakatutok ang attention sa mga nilalagdaan ko. "Mayor?" Napaangat akong muli ng mukha na may kumatok sa may pinto. Sinenyasan kong pumasok ang isang ale na may kasamang bata na nakasilip sa may pintuan. Ngumiti ang mga ito na pumasok at naupo sa harapan ko. "Yes po, Nay? May maitutulong po ba ako?" tanong ko na nginitian ang mga ito. "Uhm, mayor. Gusto lang po sana naming magpasalamat ng personal sa inyo. Kung natatandaan niyo po, noong isang linggo. Itong apo ko 'yong tinulungan mo na madala kaagad sa pagamutan dahil sinumpong sa sakit nitong hika. Kayo rin ho ang nagbayad ng hospital bill namin maging ang bayad sa ambulance. Nakalabas na ho ng hospital ang apo ko at bumuti-buti na rin ang lagay. Maraming-maraming salamat po, mayor." Taos pusong pasalamat nito na maluha-luhang nakatitig sa mga mata ko. Napangiti ako na maalala ang mga ito. Kinuha ko ang kamay ng ale na marahang pinipisil-pisil iyon. "Walang anuman ho, Nay. Ginawa ko lang ang tungkulin ko. At masaya akong magaling na ang apo niyo. Ang mga gamot niya ba, nabili niyo?" sagot ko na ikinatango nitong ngumiti. "Opo, mayor. Ang totoo nga niya'n eh. . . may sobra pa po sa perang iniabot niyo sa akin noong isang linggo. Ibabalik ko ho sana." "Naku hwag na po, Nay. Sa inyo na ho iyan. Ibili niyo ho ng mga pangangailangan niyo. Mas kailangan niyo po iyan kaya. . . hwag niyo na pong ibalik. Hindi ko rin naman tatanggapin. Sarili ko pong pera iyan, kaya wala po kayong dapat ipag-alala," sagot ko na ikinangilid ng luha nitong tumango-tango. "Maraming-maraming salamat ho, mayor. Hindi nga kami nagkamali na kayo ang napili naming iluklok sa pwesto. Napakabuti niyong mayor namin." Saad nito na bakas ang sensiridad sa tono at mga mata. Tumayo na ako na tumayo na ito na kinamayan ako. Napahaplos ako sa ulo ng apo nito na nagpasalamat din sa akin. Napasunod naman ako ng tingin sa mga ito na masayang lumabas ng opisina. MAGDIDILIM na nang makauwi na ako ng bahay, lulan ng SUV ko. Pagod ang katawan at inaantok na rin. "Hey, Dolly, how's my girl?" aniko sa aso naming si Dolly. Isang aspin. Lumuhod ako para mapantayan itong dinamba ako at pinagdidilaan sa buong mukhang ikinatatawa ko. Nanggigigil akong hinimas ang makapal nitong balahibo. Kulay puti ito na mataba. Malambing at marunong sumunod sa aming amo niya. Kinarga ko ito na kasamang pumasok ng bahay. Naabutan ko naman si Papa na nandito sa sala. Nanonood sa TV ng balita. "Oh, nand'yan ka na pala. Kumusta sa munisipyo, anak." Wika nito na malingunan ako. "Mano po, Papa." Saad ko na nagmano dito. "Maayos naman po. Kakapagod pero kayang-kaya naman po." Napangiti itong hinaplos ako sa ulo. Naupo ako sa katabi nitong pang-solohang sofa na karga si Dolly. Hinihimas-himas ko sa batok na gustong-gusto nito. "Malapit na ang fiesta. Tiyak na lalo ka pang magiging abala kaya masanay ka na, anak." Anito na ikinatango at ngiti ko. "Sana nga walang maging aberya, Pa. Kinakabahan po kasi ako." "Normal lang naman 'yan, anak. Nand'yan naman ang kapulisan para alalayan kang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng bayang nasasakupan mo." Saad nito. "Maiba tayo, anak. Kailan ka ba mag-aasawa?" Napaubo ako sa itinanong nitong natawa na nilingon ako. "Pa naman. Ni wala nga akong girlfriend eh. Mapapangasawa pa kaya?" "Yon na nga, Mikael. Malapit ka ng lumagpas sa kalendaryo. Aba. . . maghanap ka na ng mapapangasawa mo. Kailan mo ako bibigyan ng apo? Kapag mahina na itong mga tuhod ko?" saad nito na ikinatawa at iling ko lang. "Wala pa po akong planong mag-asawa, Papa. Pakiramdam ko ay hindi ko pa nahahanap ang babaeng magiging katuwang ko habang buhay," sagot ko na ikinailing nitong kitang nalungkot sa isinagot ko. Kaming dalawa na lang ni Papa ang magkasama sa buhay. Pero ngayon dahil mild-stroke na siya, dito nakatira si Tita Carol na siyang nag-aalaga kay Papa. Nakababatang kapatid nito na wala ding asawa. Ang ina ko naman ay iniwan na kami ni Papa, bata pa lang ako noon. Mas pinili kasi nito ang isang pulitiko na may kaya at nakakataas ang ranggo kay Papa. Magmula nang sumama siya doon ay nalaman na lang namin na ikinasal na sila at nagkaanak na rin. Ni minsan ay hindi na ito muling nagparamdam sa amin, maski sa akin na anak niya. Matagal na naming tanggap ni Papa ang tungkol sa bagay na iyan. Kinaya naming magpatuloy kahit wala siya. Hindi na rin nag-asawa pa si Papa at nag-focus sa paninilbihan sa taong bayan. 'Yon ang nagtulak kay Papa para pasukin ang larangan ng pulitika. Dahil iniwan kami ni Mama at sumama sa isang pulitiko. "Isipin mo din naman ako, anak. Gusto ko ng magkaapo sa'yo. Hindi naman natin alam ang mangyayari bukas eh. Paano kung ilang taon na lang pala ang itatagal ko sa mundo?" paglalambing pa nito. "Pa naman. Ayoko namang magpadalos-dalos sa bagay na iyan. Gusto ko, kapag ikinasal ako ay doon sa babaeng sasamahan at mamahalin ako habang buhay. Para hindi maulit sa akin. . . ang nangyari sa'yo na iniwan ng asawa nang makakita ng mas nakakahigit sa asawa niya," sagot ko na mapait na napangiti. Napahinga ito ng malalim na napailing. Kitang nalungkot din ang mga mata nito na napatingin sa akin. "Kaya ang piliin mo, Mikael. 'Yong babaeng may ginintuang puso. 'Di na baleng hindi mayaman at hindi kagandahan. Basta may mabuting puso. Tiyak na magiging mabuting asawa at ina siya sa'yo at sa mga anak niyo," pagpapayo nito na tinapik ako sa balikat. Ngumiti na lamang ako bilang sagot dito. "Samantala, nakabalik na ng bansa ang tinaguriang mysterious heir ng pamilya Madrigal na si Ms Miracle Madrigal. Ang bunso at unica hija nila Mr Drake at Mrs Mia Madrigal na hanggang ngayon ay tinatago sa publiko ang mukha. Ayon sa usap-usapan, naipagkasundo na ang dalaga sa isang business man na si Mr Allan Raymundo. Ang anak ni Senator Alejandro Raymundo--" Hindi ko na pinatapos ang balita at nilipat ng chanel na mabanggit ang pangalan ng lalakeng kinaiinisan ko. Ang mag-amang Alejandro at Allan Raymundo. Ang half brother ko at ang lalakeng ipinagpalit ng ina ko sa ama ko. Maging si Papa ay natahimik din. Alam kong narinig niya ang balita ng reporter sa news pero hindi naman ito umimik nang ilipat ko ng chanel ang TV. "Kumain na po ba kayo, Pa? Nagugutom at inaantok na rin po kasi ako," pag-iiba ko na pilit ngumiti dito. "Hindi pa. Hinihintay nga kita eh. Tara, kumain na tayo, anak."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD