MIRA:
NANGUNOTNOO ako na maramdamang mag-isa na lang ako sa kama. Napasilip ako ng isang mata at halos lumuwa ang mga mata ko na makitang maliwanag na sa labas!
"Gosh! Ang party ni Kuya!" bulalas ko na napaupo sa kama.
Napailing na lamang ako na makitang may suot na akong sando at pajama na tiyak na si Mommy ang nagpasuot sa akin, habang nahihimbing ako kagabi.
"Mom naman eh! Bakit hindi mo ako ginising?" pagmamaktol ko na napakamot sa ulo.
Nagtungo ako sa banyo na nag-shower na muna at sepilyo. Isang sexy short at maluwag na t-shirt lang ang isinuot ko na lumabas ng silid ko. Kakamot-kamot pa ako sa ulo na bumaba ng dining room.
"Good morning po, Ma'am Mira." Pagbati sa akin ng mga katulong namin na nandidito sa sala at naglilinis.
"Good morning too, girls. Ang sipag niyo," tugon ko na ikinangiti ng mga ito.
Pumasok ako sa dining room at naabutan dito si Sheila na tumutulong sa paglilinis.
"Good morning po, Ma'am Mira!" panabay na pagbati ng mga ito na malingunan ako.
"Good morning." Tugon ko na naupo na.
Kaagad naman akong iginawan ng hot choco ni Shiela na inilapag sa harapan ko.
"Kumusta ang pakiramdam mo? Hindi na kita ginising kagabi at sabi ni Ma'am Mia, pagod na pagod ka raw." Anito na pinaglagay ako ng fried rice at hotdog sa plato ko.
"Yeah. Medyo masakit pa nga ang ulo ko at tinatamad bumangon pero may lakad kasi tayo," saad ko.
Naupo na rin ito sa tabi ko at kumuha ng pagkain nito.
"Bakit? Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong nito.
"Basta. Road trip lang," kindat kong ikinailing nito.
"Pasaway ka talaga," ingos nito na nagpatuloy sa pagkain.
MATAPOS naming kumain ay wala na itong nagawa na hinila ko na siya sa silid ko. Kakamot-kamot pa ito sa ulo na naiiling sa akin.
Isang simpleng black jeans, white sando, white rubber shoes at black leather jacket ang suot ko. Ipinusod ko rin ang mahaba kong buhok at naglagay lang ng sunblock cream sa mukha ko.
"Seryoso ka ba? Mapapagalitan tayo," pagalit nito na sa ducati ni Kuya Dale ang nilapitan ko.
"Hindi 'yan. Tara na. Tanghali na kaya. Maiipit lang tayo sa traffic kung kotse ang gagamitin natin," sagot ko na nagsuot ng helmet.
Napaikot na lamang ito ng mga mata na nagsuot ng helmet at umangkas sa likuran ko. Yumakap ito sa baywang ko na kaagad kong pinaharurot palabas ng mansion ang ducati ni Kuya Dale. Tiyak na mapapagalitan ako no'n na itinakas ko ang motor niya. Ayaw na ayaw pa naman nilang nagmomotor ako at masyado raw delikado sa akin na babae.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong nito habang nasa kahabaan kami ng byahe.
"Sa mapapangasawa ko," sagot ko.
"Ano? Bakit? Sana sinabihan mo na lang sina Ma'am Mia para tinawagan 'yong anak ni Senator." Anito na napabusangot.
"Gusto ko siyang kilatisin, Sheila. Mapapangasawa ko siya. Magiging malaking parte siya ng buhay ko. Kaya marapat lang na kilatisin ko siyang maigi," sagot ko.
Hindi naman na ito sumagot na alam kong naiintindihan nito ang punto ko. Kahit boto sila Mommy sa lalakeng 'yon ay ako pa rin ang magdedesisyon sa huli. Kaya maganda ng ngayon pa lang at makilatis ko na ang ugaling meron ang lalakeng iyon.
Tumuloy kami sa coffeeshop na kaharap ang kumpanya ng pamilya Raymundo. Pumwesto kami ni Sheila sa pinakasulok kung saan tanaw namin ang entrance ng kumpanya na kaharap namin. Kasosyo nila daddy sa negosyo ang pamilya nila Allan. Kaya nga malaki ang tiwala nila dito na mapapatino ako nito tsk.
"Allan Raymundo. He is 25 years old. 6'2 centimeters tall and 75 kilograms. Bukod sa gwapo at macho, matalino din ang lolo mo at mukhang habulin ng babae," ani Sheila na binabasa sa iPad nito ang ilang detalye tungkol kay Allan Raymundo.
Napasimsim ako sa kape ko na nakamata lang sa harapan. Alam ko naman na ang mukha nito na ipinakita ni Sheila sa akin. Yeah, he's handsome. Pero wala manlang dating ang karisma nito sa akin. Ni hindi ako nakadama ng kilig o excitement nang makita ang larawan nito na siya ang mapapangasawa ko.
Kung kagwapuhan lang naman? Napapalibutan na ako no'n. Sa angkan pa lang namin ay nagkalat na ang gwapo sa pamilya namin. Kaya kahit anong gwapo ng kaharap ko ay parang walang dating sa akin. Ni minsan ay wala pang lalakeng nakakuha ng attention ko. Kaya nga hanggang ngayon ay NBSB ang tao.
"There you are," usal ko na mamataan itong palabas ng kumpanya nila.
Nakasunod ako ng tingin dito na napangising tumawid ito ng kalsada at pumasok dito sa coffeeshop kung saan kami naroon.
"Oh, gwapo nga, Mira. Pwede na," bulong ni Sheila sa akin na nakasunod din ng tingin dito.
Napasuri ako sa kabuoan nito. Nakasuot ito ng formal maroon suit. Malinis sa mukha at may suot pang salamin sa mga mata na lalong ikinagwapo nito.
"Not bad," piping usal ko na tumayo na sa kinauupuan.
"Teka, saan ka pupunta?" pagpigil ni Shiela sa akin.
"Relax. Hindi naman ako magpapakilala sa kanya. . . bilang si Miracle Madrigal," bulong ko dito na kinindatan itong napailing lang.
Nilapitan ko si Allan na nasa counter at pumipili ng order nito.
"Hi," pagbati ko na matamis itong nginitian.
Kitang natigilan ito na natulala sa prehensya ko. Ilang segundo itong hindi kumukurap na nakamata sa akin at bakas ang kamanghaan sa mga mata nito.
"Hello," balik bati nito na matamis na ngumiti dito. "Do you know me?" tanong pa nito.
"Yeah. Sinong hindi nakakakilala sa isang Allan Raymundo. A business man and only son of senator Alejandro Raymundo." Saad ko na lalong ikinalapad ng ngiti nitong nakatitig sa akin.
Pasimple pa itong napahagod ng tingin sa kabuoan ko na hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtango-tango nito na kitang pasado ako sa taste nito.
"Oh, really." Anito na naglahad ng kamay. "I'm glad to meet you, ms--?"
"Mira. I'm Mira," sagot ko na kinamayan itong marahang pinisil pa ang kamay ko.
Napangisi ako sa isip-isip habang nakamata dito. Tsk. Yeah he's handsome. But he is not my type. Wala akong maramdamang espesyal sa kanya. Ni hindi ako makadama ng kilig na kaharap ko na ito at matiim kaming nakatitig sa isa't-isa.
"Nice to meet you, Mira. Your name suits you. Kasing ganda mo," kindat nito na mahinang ikinatawa at iling ko.
"Are you alone? Wanna join me?" saad ko na ikinatango nito.
"Sure."
"Baka may magalit ha?"
"No worries, Mira. I'm single and ready to mingle," kindat nito na ikinatawa ko.
Napataas naman ng kilay si Shiela sa amin na pasimple kong kinindatan. I want to know this guy. Kung anong meron siya at especial sa kanya kaya gusto siya ng mga magulang ko para akin.
Kung ano-ano ang mga pinagkwentuhan namin. As expected, may kahanginan itong taglay. Buong yabang nitong pinagmamalaki sa akin ang mga naachives nito sa buhay. Maging noong estudyante pa siya.
Gano'n din naman ako. Kung anong klaseng pamumuhay ang kinagisnan ko. Kung anong klaseng estudyante ako. Maliban sa isang bagay. Ang pagiging isang Madrigal ko. Ang sabi ko sa kanya ay anak ako ng katulong mula sa kilalang pamilya. Mukhang naniwala naman ang mokong. Pero kahit gano'n ay hindi ko ito nakitaan ng disappointment at pang-uuyam. Maybe because I'm too beautiful for him.
Hindi nakakaligtas sa paningin ko kung paano ito mapasulyap sa cleavage ko dahil sando ang suot ko. Kung paano magningning ang mga mata nito na matiim akong tinititigan sa mukha.
ILANG oras din kaming tumambay ng coffeeshop bago ko ito iniwan. Kinuha pa nito ang cellphone number ko na ibinigay ko. Nang makita kong pumasok na ito sa kumpanya nila ay umikot na ako na binalikan si Shiela na naghihintay sa akin. Pinaningkitan pa ako nito na ngingisi-ngisi ako dito.
"So, kumusta naman ang boylet mo, hmm?" tanong nito pagkasampa ng motor.
"Okay lang. Sakto lang. He's not my type pero. . . I'll try to know him more." Sagot ko na pinaharurot na ang motor.
"Paalalahanan lang kita, Mira. Wala akong tiwala sa Allan na 'yon. Ewan ko ba. The way how he look at you, parang may kasamang pagnanasa." Saad nito na ikinatawa ko.
"Well, tama ka naman d'yan, Shiela. That's why I don't like him. Pero kikilalanin ko pa rin. Malay natin sa sunod na date namin ay may magustuhan na ako sa kanya." Sagot ko dito na napailing sa akin.
"Mag-ingat-ingat ka sa kanya, Mira. Mukhang maloko ang isang iyon."
"I know, bestie. Thank you."