MIRA:
LUMIPAS ang mga araw. Napapadalas ang labas namin ni Allan. Kasama ko naman palagi si Sheila. Hindi man ito sumasama sa amin ni Allan, pero nasa paligid ito palagi para bantayan ako.
Pilit kong kinikilala si Allan at kinukumbisi ang sarili that he's fine. Hindi siya mahirap magustuhan. Pero sarili ko lang din ang dinadaya ko. Dahil itanggi ko man, alam ko sa sarili kong hindi ko siya magustu-gustuhan.
Maasikaso din naman ito. May kakulitan at hindi maaalis ang kahambugan. 'Yong tipong nayayabangan ka sa kanya kahit sa pormado pa lang at facial expression nito. Napapansin ko rin kasi na may pagkamaarte ito. Mas maarte pa nga siya sa akin eh.
Sa tuwing lumalabas kami, sa mga exclusive na lugar niya ako dinadala. Minsan ko na siyang dinala sa isang divisoria at palengke. Kitang halos hindi na maipinta ang mukha nito na nasusuka sa lugar. Bukod kasi sa matao ay halo-halo ang amoy. Kaya magmula no'n ay ito na palagi ang namimili ng mga pinupuntahan namin.
"So, kailan mo ako sasagutin, Mira?" malambing tanong nito na idinikit ang braso sa braso ko.
Nandidito kasi kami ngayon sa sinehan. Nanonood ng movie na palabas ngayon. May hawak akong isang box ng popcorn na pinapapak. Paminsan-minsan naman itong umaabot at naiinis ako sa tuwing sinasadya nitong hawakan ang kamay ko.
Wala naman akong maramdamang kilig sa tuwing nagdidikit ang balat namin. Kilabot oo. Tinatayuan ako ng balahibo sa katawan na napapadikit ito sa akin. Nasa likuran lang naman namin si Shiela na nakabantay sa akin.
"Bakit, nagmamadali ka ba? Dalawang linggo pa lang tayong nagkakilala, Allan." Sagot ko na ngumiti ng hilaw dito.
Napanguso naman ito. Inamin naman niya na hindi niya ugaling manligaw at siya ang nililigawan ng mga babae. Napapaismid na lang ako sa tuwing pinagyayabang nito kung sino ang mga nakaka-date nito. Beauty queen, model at mga katulad niyang anak ng pulitiko. Parang pinapamukha kasi nito sa akin na ako ang pinakamababa sa lahat ng mga babaeng dumaan sa buhay niya. Pero ako pa lang ang niligawan niya.
"Hindi naman sa gano'n, Mira. Pero hindi ba't mas makikilala natin ang isa't-isa kung magkarelasyon na tayo." Sagot nito.
Hindi ako sumagot na nagsubo na lang ng popcorn. Kahit kita ko sa peripheral vision kong nakamata ito sa akin ay hindi ko nililingon.
"May pag-asa ba ako sa'yo, Mira? May inaasahan ba ako sa'yo?" muling tanong nito na matiim na nakatitig sa akin.
"Well, meron naman, Allan. Pero hindi ko kasi basta-basta ibibigay ang oo ko kung hindi mo mapatunayan sa akin ang sarili mo," sagot ko.
"Ano pa bang hindi ko napapatunayan, Mira? I've already told you everything about me. Malinis at tapat ang pagmamahal ko sa'yo. Can't you trust me? Am I not that good enough for you?" saad nito na ikinanguso kong napahinga ng malalim.
Walang emosyon ang mga mata ko na bumaling ditong napalunok.
"Siguro kasi. . . hindi ako kasing baba ng babaeng iniisip mo, Allan. May dignidad ako at gusto ko, kapag nag-boyfriend na ako. 'Yong maipagmamalaki ko at maipagmamalaki niya rin ako." Saad ko na matiim na nakatitig sa mga mata nito. "Isa lang akong anak ng katulong, Allan. May diploma ako pero hindi katulad mo na nagtapos bilang c*m laude. Isa kang CEO na nagtatrabaho sa sarili niyong kumpanya. Habang ako? Walang trabaho. Now tell me. Kaya mo ba akong iharap sa publiko bilang girlfriend mo?"
Hindi ito nakaimik na napalunok sa mga sinaad ko. Kita kong nabahala din ito at nag-alinlangan. Lihim akong napangisi sa isipan. I can easily read what's on his mind. Hindi niya ako kayang ipagmalaki sa publiko. Dahil alam niyang pagtatawanan siya ng mga tao na ako ang girlfriend niya. His ego is higher than his feelings for me. Kitang-kita iyon sa kanyang mga mata.
Nagkunwari akong wala lang sa akin na hindi siya nakasagot. Ibinaling kong muli ang attention sa palabas habang kumakain ng popcorn. Hindi naman na ito muling umimik na nanonood na rin sa palabas. Hanggang sa matapos na ang palabas. Wala pa rin itong imik pagdating namin ng parking lot.
"Sasagutin na kita, Allan." Saad ko na ikinatigil nito.
Namutla ito na napalunok at kitang lumamlam ang mga mata nito. Pagod ang mga mata na tumitig ako dito ng diretso.
"Thank you for your time. Masaya akong nakilala ka. Pero hanggang dito na lang. Hindi ka kasi. . . pasado sa taste ko. Alam ko kung ano ang gusto mong idisplay na matatawag na girlfriend sa tabi mo. At sa kasamaang palad. . . that girl is not me. Hindi ako ang babaeng ninanais mong makasama. Kaya itigil na natin ito." Prangkang saad ko.
Napaawang ito ng labi na kitang nasaktan sa sinaad ko.
"B-binabasted mo ba ako, Mira?" pangungumpirmang tanong nito na ikinatango ko.
"Yes."
"Fvck! I can't believe this!" bulalas nito na nag-igting ang panga.
Napasunod ako ng tingin ditong nagdadabog na pumasok sa kotse nito at pinaharurot palabas ng parking.
"Tsk tsk tsk."
Napalingon ako sa likuran ko na marinig si Sheila. Napailing ito na may ngising naglalaro sa mga labi.
"What?" painosenteng tanong ko na nagsuot na ng helmet.
"So, tinapos mo na ang laro?" anito na nagsuot na rin ng helmet.
"Aha. Wala eh. Hindi ko talaga siya magustu-gustuhan kahit anong pilit ko, Sheila." Sagot ko na pinaandar na ang ducati ko.
"Ginawa mo lang ang tama, Mira. Mabuti na rin na kinilatis mo na muna ang lalakeng iyon bago ka pumayag na maitali ka sa kanya." Saad nito na yumakap sa baywang ko.
Pinaharurot ko na palabas ang ducati ko na bumalik na ng mansion. Pasado alasdyes na rin kasi ng gabi kaya tiyak na hinahanap na ako sa mansion nila Mommy.
Pagdating namin ng mansion, dumaan ako ng mini bar namin at kumuha ng isang bote ng red wine na dinala sa kwarto ko. Napapailing na lang ako na naaalala ang disappoinment sa mga mata ni Allan kanina nang bastedin ko ito. Kitang natapakan ko ang ego nito. At may parte sa puso ko ang nagdidiwang dahil ako lang naman ang unang nakabasted sa isang mayabang na katulad niya.
Masyado siyang presko para sa akin. At hindi naman ako tanga para hindi makuha ang habol nito sa akin. Katawan ko. Katawan ko lang ang habol niya. Kaya niya ako gusto ay dahil sexy at maganda ako. Pero kapag nagsawa na siya sa akin? Tiyak akong basta na lang niya akong iiwan at ipagpalit sa kung sino-sinong babae na madadampot niya sa gilid.
Matapos kong maglinis ng katawan ay nagsuot lang ako ng panty at silky robe na nagtungo sa balcony ng silid ko. Bukas na bukas din ay kakausapin ko sila Daddy ng masinsinan tungkol sa pagpapakasal nila sa akin sa Allan na 'yon. I know my parents very well. Hindi nila ako matitiis. And when I say no. There's nothing they can do to make me change my decision.
So what kung kasosyo nila sa negosyo ang pamilya ni Allan Raymundo? Sa amin naman sila nakadepende. They needed us more than we needed them. Binuksan ko ang bote ng wine ko na direktang tinungga iyon.
Naramdaman ko naman ang papalapit na yabag mula sa likuran ko na hindi ko pinansin. Maya pa'y niyakap ako nito na ikinangiti kong makilala ang amoy at prehensya nito. Si Daddy Drake ko.
"Bakit umiinom ang prinsesa ko, hmm?" pabulong saad nito na ipinatong ang mukha sa balikat ko.
"It's just a wine, Daddy. Pang paantok lang po," sagot ko na nilingon ito at hinagkan sa pisngi.
Napangiti naman ito na mas niyakap ako. "How's your day, hmm?"
Napahinga ako ng malalim na ipinatong sa mesa ang bote ng wine. Niluwagan naman nito ang pagkakayapos sa baywang ko na pumihit ako paharap at yumapos sa batok nito.
"It's good, Dad. At saka. . .hindi ko na po itutuloy ang pagpapakasal kay Allan," saad ko na ikinapilig pa nito ng ulo.
"Ha? I mean, why? Hindi ba't you're going out with him? Akala ko nga eh nagkaka mabutihan na kayo," naguguluhang tanong nito.
"Yes, Dad. We're going out together. Para mas magkakilala. At sa pagkakakilala ko sa kanya? He's not that worth enough para maging asawa ko. Hindi ko siya gusto at wala akong maramdamang especial sa kanya, Dad." Sagot ko dito na napanguso.
"But their family is expecting na ipapakasal ka namin sa anak nilang si Allan, anak."
"Nakahanda akong humarap sa kanila at sabihin na ayokong pakasalan ang Allan na 'yon, Daddy. Hindi ko siya gusto at ako pa rin naman ang magdedesisyon kung sino ang mapapangasawa ko, 'di ba?" saad ko dito.
Napahinga ito ng malalim na lumamlam ang mga mata. Matamis akong ngumiti na nagpa-puppy eyes ditong napapikit na nagpipigil mapangiti.
"I love you, my handsome Daddy." Paglalambing ko na napatingkayad at pinaghahalikan ito sa buong mukhang natawa.
Naiiling itong napisil ako sa ilong. "Alam na alam mo kung paano i-defeat ang kalaban mo," ingos nito na ikinahagikhik ko.
"But seriously, Daddy. Ayoko po kay Allan. I tried to like him. To know him more. Pero wala po talaga." Aniko na ikinabuntong hininga nito ng malalim na napatango.
"I won't force you, my princess. Kung 'yan ang desisyon mo. . . hindi kita didiktahan," sagot nito na hinaplos ako sa ulo.
Napangiti akong nakatitig dito. Kahit kasi pasaway ako at matigas ang ulo, hindi ako natitiis ng pamilya ko.
"Thank you, Daddy. You're really one of the best father in the world. I love you so much." Paglalambing ko na nagsumiksik sa dibdib nitong ikinayakap nito sa akin.
"Nambola pa. Madrigal nga."
Napahagikhik ako na mas niyakap pa itong natatawang hinahaplos ako sa buhok ko at panay ang halik sa ulo ko.
"I love you too, my princess. I love you so much, Miracle."