MIRA:
NATAHIMIK ako na malamang half brother niya si Allan. Nakakainis naman eh! Bakit sa dinami-rami ng magiging kapatid niya, ang Allan pang iyon. Ibig sabihin. . . kung mag-asawa kami, magiging brother in-law ko pa ang lalakeng iyon?
"Hey, okay ka lang?"
I shook my head and smile. "Yeah. Medyo naiinitan lang ako at maraming tao," alibi ko.
Hinubad ko ang suot kong jacket para ipakitang naiinitan nga ako. Mukhang naniwala naman ang mga ito na nagpatuloy sa pagkain. Magkatabi kami ni Sheila sa upuan, habang kaharap naman namin si Mikael na kumakain.
"Uhm, Kuya. Hindi ko alam na ang hambog na 'yon pala ang half brother mo sa Manila," saad ni Shiela na ikinalunok ko.
Pilit ngumiti sa amin si Mikael na uminom ng tubig. Kita ang kakaibang galit sa kanyang mga mata na ngayon ko lang nakita. Sanay akong maamo at nagniningning ang mga mata nito. Pero ngayon ay mababakasan ko ng sari-saring emosyon.
"Kahit ayoko sa kanya ay wala naman akong magagawa, Shiela. Anak siya ng ina ko. Kahit pagbalik-baliktarin namin ang mundo, it won't change the fact that we're siblings. Dahil iisang babae lang ang nagluwal sa amin." Mapait nitong turan.
"You mean. . . hindi talaga kayo magkasundo ng Allan na 'yon?" tanong ko pa na ikinatango nito.
"Eh bakit nasa munisipyo siya kanina? Sa tapat pa ng opisina mo?" tanong naman ni Sheila dito.
Napahinga ito ng malalim na napailing. "Actually, kagagaling niya sa opisina ko. Pinipilit akong ibigay ang information ng pagdating ni ms Miracle dito mamayang gabi. Kung saan ito tutuloy at kung sino ang mga aassist sa kanya. Pero dahil confidential iyon ay hindi ko pinagbigyan. Nagkasagutan nga kami sa opisina eh. Mukhang. . .die hard fan ni ms Madrigal." Naiiling pagkukwento nito na napabaling sa akin.
Napalunok ako na bumilis ang kabog ng dibdib na magsalubong ang mga mata namin.
"Ikaw, Mira. Bakit kilala mo ang lalakeng iyon? At bakit hinahayaan mo siyang minamaliit ka niya? Tinawag ka pang anak ng katulong. Gusto mo bang ireklamo ang lalakeng iyon?" saad nito na bakas ang kaseryosohan sa tono at mukha.
Nagkatinginan kami ni Shiela na marahang umiling sa akin. Pilit akong ngumiti kay Mikael na nakuha ko naman ang ibig ipahiwatig ni Shiela.
"Uhm, nanligaw siya sa akin kamakailan lang. Pero binasted ko siya kasi. . . kasi nayayabangan ako sa kanya at dama ko namang hindi siya sincere sa panliligaw niya. At siya din mismo ang nagsabi na katawan ko lang ang habol niya kaya niya ako niligawan. Na hindi niya ako kayang maipagmalaki bilang girlfriend dahil. . . dahil hindi ako nababagay sa kanya." Pagtatapat ko na ikinalunok nitong kita ang pagdaan ng galit sa mga mata nito.
"At dahil binasted mo siya, may karapatan na siyang maliitin ka at ipahiya, gano'n ba?" mariing asik nito na nag-igting ang panga.
Inabot ko ang kamay nito na nakapatong sa ibabaw ng mesa na ikinalambot ng facial expression nitong napalunok.
"Wala naman akong pakialam sa kanya, mayor. Kaya wala sa akin ang mga pangmamata niya. Pinapatunayan niya lang kung anong klaseng tao siya. Hayaan na natin. Hindi ang katulad niya ang makakasira sa araw natin," saad ko na ikinabuntong hininga nito ng malalim na napipilitang tumango sa akin.
Nagpatuloy kami sa pagkain na parang walang nangyari. Muli din kaming iniwan ni Mikael dahil marami pa itong kailangang asikasuhin. Naglibot-libot naman kami ni Shiela dito sa plaza at nanood sa mga palaro.
Hindi namin namalayan ang oras. Magdidilim na nang bumalik kami sa bahay para makaligo na rin. Eight pm naman ang pagpapakita ni Miracle Madrigal sa plaza kaya may sapat na oras pa kami ni Shiela para maghanda.
MATAPOS naming mag-ayos ni Shiela, sumakay din kami sa suv ko na bumaba ng bayan. Tumuloy kami sa hotel malapit sa plaza kung saan ako naka-book bilang si Miracle.
"Patay, paano 'to?" bulalas ni Shiela na sa bungaran pa lang ng hotel ay maraming tao at media ang nagkalat.
"Tara, lumipat tayo ng sasakyan," aniko na ikinatango nito.
Kaagad naman kaming pinagbuksan ni Adam ng pinto sa van at bumaba ang mga kasama nito na lumipat sa kotse ko sa harapan. Napabuga ako ng hangin na sinenyasan na si Adam na ipasok ang van na ikinaagaw ng attention ng mga tao sa amin.
Nandito na rin ang mga pulis, sundalo at swat team na nakaabang sa pagdating ko. Kahit hindi pa ako bumababa ng van ay panay na ang kuha ng litrato sa sasakyan namin. Naunang bumaba sa Adam na nilapitan ang hepe ng kapulisan kaya kaagad silang naghanda.
Nagtilian ang mga tao na makumpirmang ako ang nasa loob ng van. Napabuga ako ng hangin na kinakalma ang sarili bago isinuot ang maskara ko.
"Sigurado ka ba?" muling tanong ni Shiela sa akin na ikinatango ko.
"Nandito na tayo. Tara na." Saad ko na ikinatango nitong nagsuot din ng sombrero at facemask.
Kaagad kaming pinalibutan ng mga bodyguard ko, hinaharang naman ng mga pulis at sundalo ang mga tao at media na pilit lumalapit sa amin. Tumuloy kami sa silid kung saan ako naka-book para makapag-ayos ng maigi. Nandito naman na ang make-up artist at hair stylist ko na nangingiting makita kami ni Shiela.
"Good evening po, señorita," pagbati pa ng mga ito na tinanguhan ko.
"Dala niyo ba lahat?" tanong ko na naupo na sa harapan ng dresser mirror.
"Opo, señorita." Sagot ng mga ito.
Nagsimula kaagad ang mga itong ayusin ako. Mula sa make-up at buhok ko. Si Shiela naman ang umasikaso sa isusuot kong dress at ilan pang gamit na dadalhin namin sa plaza.
Plano kasi namin na matapos kong magpakita sa plaza, para maging isa sa judge ng mga kandidata. Si Shiela na ang papalit sa akin sa nakalaang dinner date namin ni Mikael. Dahil pagkatapos ng pageant, magbibihis na ako bilang ang ordinaryong si Mira para sa date namin ni Mikael.
Kabado ako kung sino ang pupuntahan ni Mikael sa amin ni Shiela mamaya. Dahil kung mas pipilihin niyang makasama si Miracle? It only mean one thing. He failed. Pero kung ako ang pipiliin niya? He will make me the happiest woman tonight.
Napahinga ako ng malalim na pinagmamasdan ang sarili sa repleksyon ko sa salamin. Minsanan lang ako mag-ayos ng gan'to. Hindi katulad sa mga pinsan ko na supistikada sila palagi.
"Isuot mo na ito," ani Shiela na iniabot ang mask sa akin na katulad sa suot kong purple long elegant dress, kumikinang din ang palibot nito sa diamond na disenyo.
"Shiela, paano nga kung ikaw ang puntahan ni Mikael mamaya?" tanong ko habang itinatali ng maayos ang mask sa ulo ko.
Tinapik naman ako nito sa balikat na malamlam ang mga matang nakatitig sa akin sa repleksyon namin sa salamin.
"Eh 'di bumalik na tayo ng syudad bukas. Wala ng rason para pahabain pa natin ang bakasyon natin dito. Isa pa, magdadalawang linggo na tayo dito, Mira. Hindi ba't dalawang linggo lang naman ang bakasyon natin?" saad nito.
Malungkot akong tumango na pilit ngumiti. Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw. Kung kailan hindi na abala si Mikael sa tungkulin niya bilang mayor ng bayang ito. Saka naman natapos na ang dalawang linggo naming pagbabakasyon dito sa Ilocos.
SAKAY ang van ay nagtungo kami sa plaza. Nakasunod naman ang mga escort naming pulis at sundalo para sa kapakanan ko. Mas lalo pang dumami ang mga tao ngayong huling gabi na ng fiesta. Idagdag pa ang mga reporter na nagkalat sa paligid.
Pagdating namin sa plaza, pinalibutan kaagad ako ng mga bodyguard at pulis. Lalong nag-ingay ang mga tao na halos dagsain na ako habang naglalakad papunta sa harapan ng stage. Nakabibinging hiyawan ang naghahari dito sa plaza na sinisigaw ang pangalan ko.
Sinalubong naman kami nila Mikael nang paakyat na ako ng stage. Nakamata ang lahat sa amin at nakatutok pa ang spot light na nakikita kami sa led pc monitor sa gilid para makita ako ng mga tao kahit sa malayo.
Magalang itong yumuko na nakipag-shakehands sa aking ikinaingay lalo ng paligid. Inakay ako nito sa harapan habang wini-welcome naman ako ng MC at pinapakilala sa publiko.
"Welcome to Ilocos, ms Miracle Madrigal. We're all glad to have you here tonight," pormal nitong saad na ikinangiti ko.
"Thanks, mayor." Malambing sagot ko na ikinatango nitong pilit ngumiti sa akin.
Hindi nito matagalang makipagtitigan sa akin na tila hindi komportable sa prehensya ko. Nagpapaka-professional lang ito bilang mayor. Na napaka-pormal ng pakitungo sa akin. Ni halos hindi niya ako hawakan kahit ako na ang kusang pasimpleng humahawak sa kanya.
Matapos kong bumati sa mga tao, inihatid na ako ni Mikael sa mesang nakalaan sa aming mga judge ng pageant. Magkatabi kami sa upuan at kitang ilang na ilang itong kausapin ako. Kaliwa't kanan din ang pagkislap ng mga camera na kinukunan ako ng larawan.
Pinapakiramdaman ko ito na naka-focus ang attention sa mga kandidata sa harapan. Hindi ko tuloy mapigilang makadama ng selos. Mas gusto pa kasi nitong panoorin ang mga candidates kaysa ang makipag-usap sa akin.
"Water, please?" bulong ko dito na napasinghap pa.
Inabot nito ang bottled water sa tapat ko na binuksan at iniabot sa aking matamis kong ikinangiti. Muli din itong bumaling sa harapan na mukhang wala manlang interes na isa akong heredera. Ni hindi ko siya mabakasan ng pagkamangha. Hindi naman natakpan ng mask ang buong mukha ko. Kita ang hugis ng ilong ko at mga labi. Tanging mga mata ko lang ang may takip kaya nakakahangang. . . wala itong pagtingin sa akin.
"Anyway, about our dinner date--"
Nilingon ako nito na inilapit bahagya ang mukha sa akin.
"About that, I'm sorry, ms Miracle. May ka-date na kasi ako mamaya." Saad nito na napakakalmado.
"Mas pipiliin mo pa siya, over me?" tanong ko na ikinatango nito. "Oh, God. I can't believe this." Usal ko.
"Pasensiya na po kayo, ms Miracle. Gusto ko kasing maka-date ang girlfriend ko mamaya. At panoorin ang fireworks display mamayang midnight na kasama siya." Nakangiting saad nito na ikinagapang ng init sa mukha ko.
Nag-iwas ako ng tingin na nagpipigil mapangiti sa sinaad nito. Kaya ba gusto niya akong maka-date mamaya? Dahil may fireworks display sila dito at ano daw. . .? Girlfriend?
"Ang advance, mayor. Girlfriend agad? 'Di ka pa nga nanliligaw eh." Piping usal ko na nagpipigil mapangiti.